H— huh? Umimpis ang linya ng labi ko, kasabay nang pangungunot ng noo. Magkapatid sila ni Mikaela, tama ba ang pagkakarinig ko? Bumigat ang paghinga ko, hindi na marahil kinakaya ang mga nalalaman. "She's my older sister. When I was ten years old, my Mom told me she gave birth to a girl— thirteen years ago, to her real boyfriend. Do you remember? She's the famous mistress of Don Adamson?" Napabuga ako sa hangin, gusto ko sanang takpan ang magkabilaang tainga ngunit tila nag-ugat na ako mismo sa kinauupuan ko. Maski si Natasha ay naging tahimik na para bang naiintindihan nito ang pinag-uusapan namin. "She told me everything, at my age of ten, natatandaan ko lahat. Iniwan ni Mommy ang anak niya in order for her to be free since her boyfriend died due to car accident. And that was the tim

