"Welcome back, Krisha Nicole Yu," masayang turan ng isang reporter sa harapan ko. "Thank you," tugon ko kasabay nang pagngiti ko sa mga camera man na naroon. Matapos magbigay ng statement hinggil sa pagbabalik ko sa showbiz ay sabay kaming tumalikod ni Axel. Maagap na umikot ang kamay nito upang hawakan ako sa baywang upang maalalayan. Narito kami ngayon sa network at doon pa lamang sa parking lot ay hinarang na kami ng mga reporters nang mabalitaan nilang pupunta ako rito sa unang pagkakataon, makalipas ang ilang taon. Nang makapasok sa loob ay doon ako nakahinga nang maluwag dahil kanina ko pa pinipigilan ang paghinga ko, bumalik sa puso ko ang emosyon na siyang iniwanan ko noon. Halu-halo ang nararamdaman ko ngayon, nariyan ang excitement at the same time ay kinakabahan. Ramdam iyo

