"Happy birthday to you..." sabay-sabay naming pagkanta na halos umalingawngaw iyon sa apat na sulok ng nasabing Restaurant. Karga-karga ko si Natasha na ngayon ay masyadong natutuwa habang sinasabayan ang pagpalakpak nila at dahil nasa harapan kaming dalawa ay nakikita ko kung sino ang mga naging bisita namin. Nariyan sina Penelope at Mikaela na kasama ko sa pagpaplano nitong birthday party ni Natasha. Kasama nila si Tito Mirko at ang napakaganda nitong asawa na si Miss Victoria. Samantala ay naroon din ang pinsan ni Tito Mirko na si Tita Chloe, galing pa itong Australia kasama ang asawa niyang si Tito Melvin. Katabi nila si Tito Lemuel na nakayakap pa kay Tita Venice. Hindi rin naman mawawala ang dalawang maingay na mag-asawa na sina Tito Paul Shin at Tita Vanessa, kahit may katandaan

