"Say Mama," sambit ko habang titig na titig sa batang kausap. Humagikgik naman ito bago nagsalita, "Da— da, Dada." "Ma— ma, it's Mama." "Dada," muli niyang sagot habang pinaglalaro ang mga daliri sa kamay. Shit. Napangiwi ako at wala sa sariling natampal ang noo, bagsak ang balikat kong sumusuko na dahilan iyon para malakas na tumawa ang lalaking nasa harapan ko, walang iba kung 'di si Axel. Hinarap nito si Natasha na nakaupo, ang anak kong tatlong taong gulang na. Yeah, it's been a year, almost four years na at simula nang dumating ito sa buhay ko ay hindi na ako naghangad pa ng iba, masaya na ako. Natasha is a bubbly child. Masayahin at sa edad niyang iyan ay bihira lang siya kung umiyak. Actually, madali siyang maka-adopt at matuto, hindi ko lang alam kung bakit puro Dada ang sin

