"Krisha..." pagtawag pansin sa akin ni Asher dahil kanina pa ako walang imik. Narito na kami ngayon sa kwarto niya mula sa ikalawang palapag at namamahinga, hinihintay na lang din na makaayat si Mikaela rito since gising na ang anak kong si Natasha. Balak kong huwag nang magtagal dito sa mansion nila. Ayoko nang bigyan pa ng dahilan para mas lalo akong ayawan ni Don Adamson, naiinis ako pero hindi ko naman magawang makaangal. Dahil una sa lahat, ama siya ng lalaking mahal ko, hindi lang iyon— ng asawa ko kaya kailangan kong makisama kahit labag sa kalooban ko. Masakit sa akin na hindi niya ako tanggap. Sa anong dahilan? Dahil ba sa alitan nila ng pamilya ko? Dahil hindi nagtagumpay si Asher na makuha sa amin ang Isla Mercedes? Dahil ba sa dinami-rami ng babae, ako pa ang minahal ng ana

