"s**t, okay lang ba talaga 'to?" tila aligagang turan ni Mikaela kaya binalingan ko na ito mula sa back's seat, "Kinakabahan ako, my goodness!" Huminga siya nang malalim sabay yakap kay Natasha na kanina pa tulog dala ng walang katapusang biyahe. Samantala ay sinipat naman nito ng tingin si Asher na nasa driver's seat. Nasa Italy kami ngayon, supposed to be our honeymoon ngunit mas inuna namin na puntahan si Don Adamson na siyang ama ni Asher sa pakiusap nitong gusto niyang makita si Mikaela. Ang babaeng anak ng dati nitong nobya, na mas kinilala noon bilang tanyag na kabit ng isang business tycoon. I was wondering what Mikaela might have felt after learning the truth? "It's fine, gusto ka lang makita ni Dad," anang Asher na abala sa pagmamaneho. "This is so sudden. Alam mo namang hin

