Umawang ang labi ko sa sinabi ni Hazill, pilit pa ring iniintindi kung saan banda ako naging wanted. Samantalang sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang mali. For all I know ay ako itong nagawan ng masama. Mayamaya pa nang malakas itong tumawa dahilan para matitigan ko ang mukha niya, sa loob ng apat na buwan ay wala namang nagbago sa itsura nito. Still the Hazill Legaspi I've known for years. Ang babaeng kailanman ay hindi ko akalaing magiging ganito. She's actually fine, easy and happy to be with. Nakakapagtaka lang na bigla siyang bumaliktad when in fact, para na kaming magkapatid. "Just kidding, Krisha, look at your face," tumatawang sambit nito saka pa itinuro ang mukha ko. "It's not funny, b***h," palatak ko. "Oh, I'm sorry," panimula nito na hindi pa rin matapos-tapos s

