Sa pag-aakalang mahal ako ni Asher ay minahal ko rin siya nang higit pa sa buhay ko. Nakakalungkot at kailangan nito akong pagtaguan ng lihim when in fact, pwede naman niyang sabihin sa akin. Oo at maaaring magalit ako pero sino ba naman ang hindi? Iyong tipong akala mo ay totoo at puro— purong kasinungalingan lang pala. Pagak akong natawa sa sarili at muling pumikit. Hindi ko na napansin ang oras, sa kaiiyak kanina ay nakatulog ako at nagising lang ngayon. Hindi ko man lingunin ang balcony ay alam kong gabi na dahil sa dilim na bumabalot sa paligid. Maging sa kwarto ay madilim, hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw at hinayaan ang sarili na magtago sa kadiliman. This is all I need and want as of the moment— space and time to think. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawala

