Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan at naupo sa back'seat, maagap naman na sumunod at tumabi sa akin si Mommy. Samantala ay naroon si Daddy sa passenger's seat. Matapos makasakay ay kaagad na pinausad ang kotse. Sandali ko pang sinipat ng tingin ang tao sa driver's seat at halos manlaki ang parehong mata nang makita si Tito Mirko na siyang nagmamaneho. Nagulat man ay nanatili akong walang imik, isang maliit pa na ngiti ang iginawad niya sa akin nang madako ang tingin sa gawi ko. Napalunok ako at mabigat ang katawan na isinandal sa head rest. Malakas akong napabuntong hininga, kasabay nang pagpikit ko. Naisip ko lang, sino kaya ang may kagagawan nito? Sina Mikaela at Penelope ba? O si Hazill Legaspi? O baka si Asher? Paano nangyaring natunton nila ako? Gayong higit apat na buwan a

