Kung hindi man nga ako mahal ni Asher... well, wala na akong magagawa. Hindi naman nadidiktahan ang puso, pwede pang magsinungaling pero hindi ang natuturuan. Muli kong naramdaman ang pamilyar na pagkirot ng puso ko sa alaalang pagmamahal na pinakita sa akin ni Asher noong nasa isla kami, ang pagiging sweet at maalaga nito ay tila ba nakaukit na sa memorya ko. Ang hirap lang kalimutan, ang hirap alisin sa utak ko. Tingin ko na kapag ginawa ko iyon ay mas lalo lang akong masasaktan, ayoko siyang mawala sa puso ko kaya tanging pag-alala na lang ang magagawa ko. "Dad, please..." sambit ko nang hindi siya magsalita. Ilang minuto na ang nakalilipas at kanina pa ito nakatitig sa akin, akala mo ay kay lalim nang iniisip o ganoon na lamang ba kahirap gawin itong natatanging kondisyon ko? "Nak

