Hindi gumalaw si Grae. Nakatitig lang siya sa kisame habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya ang huling sinabi ni Charmie. I won’t be stupid. To fall in love with you. Parang may kung anong sumasaksak sa loob ng dibdib niya. Hindi siya sanay na may babae na ganun mag salita sa kanya nang gano’n kadali. Hindi siya sanay na siya ang pinipili na huwag mahalin. Normal sa kanya na minamahal, niluluhuran at hinahabol. Napabuntong-hininga siya at umupo sa kama. Hinaplos niya ang buhok niya paatras, saka tumingin sa saradong pinto ng banyo. Tahimik sa loob ng banyo masyadong tahimik. Sa loob naman ng banyo, nakasandal pa rin si Charmie sa pinto. Mahigpit ang yakap niya sa kumot na parang iyon lang ang nagsisilbing proteksyon niya sa nararamdam niyang kaguluhan sa utak niya. Hindi

