Napangibit at bahagyang umungol si Charmie ng magising sa lamig at sakit ng katawan. Dahan-dahan siyang dumilat saka ilang segundo siyang nakatulala sa kisame, hinahayaan niya ang sarili na magising nang buo. Sanay naman ang katawan niya na walang katabing matulog pero dahil sa presensya ni Grae sa kama. Sa bigat ng braso nito sa baywang niya, sa tahimik pero mabigat na paghinga nito sa likod ng batok niya. Parang nakakapanibago na magising na wala sa tabi mo ang lalaking yun. Wala, walang brasong nakadantay, walang mabigat ba hita sa balakang niya at walang kahit anong bakas na may katabi siya kaninang madaling araw sa kama. Bahagya siyang gumalaw at bumaling sa kabilang side ng kama kung saan nakahiga si Grae kagabi. Hindi niya namalayan kung anong oras umalis si Grae dala na din siguro

