Mabigat ang bawat hakbang ni Charmie, habang papasok sila sa bahay ng mga magulang niya, pakiramdam niya parang hinahatak ang puso niya palabas ng dibdib niya sa sobrang kaba. Pag-gising niya kaninang umaga wala na si Grae, buong akala niya pumasok na si Grae sa trabaho, pero ganun nalang ang gulat niya pasakay na sana siya ng grab car na binooked niya ng bigla itong dumating. Pinaalis nito ang grab at binayaran lang nito kahit hindi siya sumakay. May pupuntahan daw sila pero nagulat nalang siya ng bahay ng parents niya ang tinatahak nila, agad siyang nag protesta pero hindi ito nakinig kaya kinakabahan siya ngayon. Samantalang si Grae tahimik lang sa tabi niya. Walang imik, walang emosyon. Parang normal lang ang lahat. Habang siya hindi na niya alam kung paano siya haharap sa magulan

