Three Months Later... "GRABE kayo! Ba't ako?" natatawang reklamo ni Ariah nang hilahin siya nina Yosah at Ellah sa stage. Nasa music bar sila sa Baguio kung saan acoustic singer si Dodot. Huling kanta na lang ng singer nilang kaibigan nang gabing iyon. Nakangiting hinamon ni Dodot ang audience: Umakyat sa stage ang pinakamalungkot na babae at kakantahan daw nito ng love song. Ang mga pasaway na pinsan, sabay pa talagang kumilos at siya ang hinila para ihatid sa stage. At ang mga kunsintidor na asawa ng mga ito, hayun at nakangisi lang. Second night pa lang ng mga pinsan sa rest house. Si Ariah ay mag-iisang linggo nang naroon at nagpapalamig. Three months na ang lumipas at nagawa na niya ang mga plinano niyang gawin. Marunong na siyang mag-drive, nagpaturo muna siya sa ama—actual, at nag

