Paghihiwalay ITINIKLOP ni Ariah ang magazine at marahang naglakad palabas sa balcony. Gusto niyang magmasid sa berdeng paligid. Gusto niyang huminga. Mga ten minutes pa, sumunod na rin si Rush. Mula sa likuran, yumakap ito sa baywang niya. Napapikit si Ariah. Mas tamang sumuko na habang hindi pa ganoong malalim ang damdamin niya. Kung magtatagal pa, mas mabigat na sa puso. Mas mahihirapan siyang ibalik ang dating gaan sa dibdib niya. "Magtanong ka," sabi ni Rush. "Ipapaliwanag ko lahat." "Okay na, Rush." Hindi ko na gustong malaman ang detalye... "Hindi ka na galit sa akin, misis ko?" Parang may sumuntok sa dibdib ni Ariah. Sigurado siyang mami-miss niya iyon. Mami-miss niya rin lahat ng mga ginagawa nila. Mami-miss niya si Rush. Ramdam ni Ariah na namasa ang mga mata niya. Pero ku

