"Totoo ba, Rush? May...may babae kang pokpok?" Napahagod si Ariah sa dibdib. Naalala niya bigla ang mga nangyari sa kanila. Ginagawa rin ba iyon ni Rush sa ibang babae? Na-diet ng seven years kaya nang 'mabuhay' uli ang dragon nito, kung sino sino na lang? Pati prostitute pinatulan? At totoo nga ang sinasabi ni Cops na sa labas ng ER nakita si Rush. Malamang galing nga ang asawa niya sa ER. Baka nag-pa check ng sugat kasama ang babae? At saan nga ba nito nakuha ang sugat? Nag-away at ang sinasabi ni Cops na adik na ex ng pokpok? Parang biglang sumakit ang ulo ni Ariah. "Totoong galing ako sa ER at may nanghalik na babae—" "Wow! Ano? Inosente ka?" at tumawa nang mapakla si Cops. "Hinalikan ka lang at 'di ka gumanti? Teleserye lang? 'Wag mo kaming ginagago—" "Hindi totoong may babae akon

