PARANG lutang ako sa saya nang mga sumunod na linggo. Hindi ko naisip na posible ko pang maramdaman ang ganoong lalim ng saya. Ang ganda ng buong mundo sa paningin ko. Parang lahat bright colors. Ang gaan lagi ng pakiramdam ko. Wala yatang oras na hindi ako nakangiti. Mag-isa na nga lang ako, napapangiti pa rin—naaalala ko kasi ang mga eksena namin ni Rush. Ah, si Rush na ang bilis ninanakaw ang puso ko. Si Rush na parang naging addiction ko na ang yakap at halik. Si Rush na nagpakilala sa akin sa isa pang klase ng saya—kasama ng mga ulilang bata sa tatlong paboritong orphanage ni Floro. Sa Heaven's Space, volunteer ako dalawang beses sa isang buwan. Hindi na lang si Rush ang mahal na mahal ng mga bata, ako rin. Ang s*x life? Just wait, okay? You'll have the best nights. Memorable night

