DRAGON na malapit na malapit sa mukha niya ang nakita ni Ariah pagdilat niya. Bigla niyang inilayo ang mukha. "Ariah?" paos na boses ni Rush. Nagising yata sa biglang pagkilos niya. Saka lang naging malinaw kay Ariah kung nasaan siya. Nakaupo na siya sa kama at natawang sumubsob sa sariling palad. "Sorry," may kasamang pag-iling. "Nagulat ako sa dragon. Ang lapit sa mukha ko, eh." At lumipat kay Rush ang tingin niya. "Good morning." "Good morning, magandang Misis." Matagal na nagtama ang mga mata nila. Walang kakilos-kilos si Rush sa puwesto, nakatitig lang sa kanya. Ang kumot, hanggang baywang lang nito. Nakalantad sa kanya ang buong dibdib dahil nakalag ang buhol ng robe. "Nambobola ka." Inabot niya ang comforter at hinila hanggang sa leeg nito. "Tago mo nga 'yang dibdib mo!" "Natu

