BONUS POV: RUSH "NAPATAWAD ako ni Yarrie pero hindi ng mundo," malungkot na pagtutuloy ni Rush sa kuwento. Walang reaksiyon si Ariah. Nakatingin lang sa kanya. Iniisip siguro ng asawa kung gaano siya kawalang kuwentang tao. Kung gaano siya kagagong lalaki. Alam niya iyon. Tanggap niya at maraming taong dinala niya sa dibdib ang sakit at guilt. Taon ang lumipas bago niya napatawad ang sarili. "Hindi nakarating sa akin ang mag-ina ko," dagdag ni Rush. Iyon ang pinakamasakit sa kuwento ng buhay niya. Mas masakit kaysa sa panloloko ni Marrie. "Naaksidente ang bus. Kasama sila sa mga namatay." Hindi pa rin umimik si Ariah pero namasa ng luha ang mga mata nito. Ngumiti si Rush nang mapait. "Dalawang araw pagkatapos ng libing, birthday ko. Nasa kalye ako, nagmomotorsiklo na umiiyak. Bumangga

