The Real Enemy

1165 Words
Grey Pov " tama ba ang nabalitaan ko... Malapit ng manganak si Piren?" Master " yeah! At hindi alam kung sino ang ama.." sabi ko. Sinulyapan ko si Thor. " wag niyo akong tignan dahil hindi ko kayang gawin ang ganyan. Mahal ko siya pero maniwala kayo. Hindi ako ang ama." " paano natin siya makukuha at mapatay kung buntis ito?" Master Noon balak talaga namin siyang patayin... Pero siya pala ang nakakaalam ng code sa isang locker kung saan andoon yung isang chemical para maging lumakas ang isang nilalang na ginawa ni Charlie....si George. " we need to get her as soon as possible... Baka mamaya lalabas na sa lungga ang asawa niya." ako. " sa tingin mo makukuha natin siya ng ganun? Alam niyo kung gaano kahigpit ang bantay.. Plus meron silang kakaibang weapons." Thor " anong silbi ng mga ninakaw natin na weapons nila? " " hahaha hindi mo ba alam na ang ninakaw ni Pirena noon... Hindi gumagana.... May access sa lahat ng weapons na nakuha natin. Meaning USELESS.! " SHIT! hindi ko nalaman yun ah... Labas pasok ako sa lungga nila pero hindi ko talaga nalaman na may access lahat ng weapon.. Tsk napaka utak talaga ni King. Dumaan ako sa laboratory ni Charlie para tignan ang bagong experiment nyamg si George. " ano na lagay niyan?" bungad ko " improving pero kailangan natin yung chemical na yun para full qualified na siya." " ginagawan pa namin ng paraan... Pero pwede na ba siyang sumabak?" "yes pwede na...malakas na siya.. Gaya ng mga Grazeter na humihilom ang sugat." "ok... ihanda mo siya dahil malapit ng lumabas ang anak nya ay siya din ang labas ng halimaw na yun." "do you think kasing lakas din niya si king yung Bullet na yun?" tanong niya sa akin. " isa si King sa malalakas sa kanilang henerasyon... pero ang Bullet na yun ay hindi buo ang dugong meron siya.. Ni hindi siya nakikipaglaban noon.. Taga gawa lang siya ng bomba. " " kung ganun pwede na natin ilabas si George.. kung ang pipitsuging Bullet lang pala ang kalaban niya" " wag tayong maging kampante... Ang isang tahimik na tao... ay siyang napakadelikado.. Tsaka madami sila.. Kahit babae kaya tayong gawing abo." " speaking of abo... nakuha ko ang poison drugs na gawa noon ni Betina... nagiging abo ang sino mang maiinject nito." Napatingin ako sa kanya. " magaling....simulan mo ng gawin.." Umalis ako at dumaan sa bahay nila Reishel " ikaw pala Grey napadalaw ka gabing gabi na ah.." " galing kasi ako sa kaibigan ko.. Nagkainuman konti.. Kamusta na mga babies mo?" Ang sweet parin ng ngiti ni Rei sa akin. " kumain ka na ba? nagluto kasi ako ng dinner.. Pauwi na din si King kaya sabay sabay na tayo." Ngumiti nalang ako. Binuhat ko ang isa sa anak nyang babae... Yung hindi ngumingiti. Kamukha ni King... Panget! " ganito ba talaga si Fiva baby palang poker face na?" Natawa naman si Rei " mana sa ama.. Hahah" " sana lahat sayo nagmana..." " si Kiel mana din sa ama niya.... hehehe" Oo nga pala... " andito na si King.. Halika na.. Bitawan mo muna si Fiva kasi kakain na tayo.. Ipapabantay ko nalang kay manang yan." Tinignan ako ni King. " andito ka na naman..." Ganyan talaga yan pag bumibisita ako... Mas bitter pa siya kesa sa akin. Akala niya siguro kukunin ko ulit si Rei sa kanya. Ok naman kami ayaw lang talaga na lumalapit ako kay Rei. Dinner: " so kelan ka naman mag aasawa Grey?" Si King t Kiel kumakain lang parehong poker face habang kumakain.. Tsk buti hindi nahahawa si Rei. " wala pa akong plano... Tsaka binabalak ko na bumalik sa campo.. Hope na maging ok ang record ko." " don't loose hope.. " sabi ni Rei " bakit mag aarmy ka ulit? Di ka na qualified doon ah.." singit ni King. Nakuyom ko kamao ko ngunit di ko pinahalata. " ano ka ba asawa ko... Ang tao pwede naman magbago... " Tinitigan ako ni King. May alam kaya ito? Impossible kasi ma ingat ako sa lahat ng galaw ko. " asa pa yan mag aasawa. " Gago talaga to... Ang sama ng bunganga ? " King?" sige Rei magalit ka. " I'm stating the fact... How can a Lucifer find someone if he's evil?." Sabay tingin sa akin. " does Lucifer have a heart tatay?" sabat naman ni Kiel. Tsk mag ama nga... " baby... Lucifer is once an angel.. Ofcoz he has a heart" pagtatanggol ni Rei. " still he's in the dark side nanay... kaya nga may tinatawag na pusong bato" Pag umpugin ko kaya itong mag amang ito. " don't mind them Grey... Alam mo naman ganyan talaga sila...hope sanay ka na.." " sanay na ako.. Kahit noon pa Rei." " ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuti... Grey." ".... At dahil andito ka. May specialty akong niluto.. New dessert at ikaw unang titikim dahil ikaw ang bisita ko?" Walang pinagbago...sweet pa rin? Tumayo ito at kinuha ang ginawa niya. Tinignan ko ang mag ama patuloy parin silang kumakain. " Oo nga pala si Bullet nahanap niyo na ba!.. Kung gusto niyo tutulong na din ako sa paghahanap" " hindi pa... Tsaka kami nga na kakaiba, nahihirapan kaming hanapin siya ikaw pa kaya na ordinaryo lang... Nah thank you nalang.." Nag gigigil na talaga ako sa iyo kanina pa... " heto na ang pinaka sweet na nagawa ko..." " salamat Rei... Mukhang masarap nga..." Nag slice siya at nilagyan niya ang platito ko. Sinimulan ko ang pagtikim.. " well masarap nga talaga.... Dito sa leche flan mo Rei.. Kakaiba nga siya.." Pero nagsimangot si Rei... Tapos yung mag ama nagsimula na silang tumawa. " hahahah" mag ama " Grey hindi siya leche flan.." " ha?... Pero lasang leche flan eh.." " hindi siya leche flan...!" " bwahaha.... tangek hindi leche flan yan.. Hahahah" tawa ni King ? Rei ? Ako ?? Mag ama " ice cream yan eh... Tsk!" Ice cream??? Paanong Ice cream ito?? " ah ice cream leche flan?" ? Rei ?? Mag ama ? Ako " hahaha... Bwahaha... Hoy Grey kung ako sayo umalis ka na... Hindi mo kilala ang asawa ko kung paano magalit yan. Bwahaha" " haha eh kasi sorry Rei may gagawin pa pala ako... Bye" Kasing bilis ko flash pagkalabas. Well. Nalaman ko kasi na may dugong halimaw na din si Rei kaya mahirap na. Pagpasok ko palang sa kotse nang may naramdaman akong may pares ng matang nakatingin sa akin... Hindi ko kilala pero alam ko meron nakatingin sa akin Umalis na ako sa lugar na yun ng may isang bomba ang sumabog sa harapan ko.. Buti nalang nakapag preno pa ako " s**t! " Kinuha ko ang baril ko at lumabas. Tinignan ko kung anong pagsabog yun.. Pero laking gulat ko na ang pagsabog na yun ay noted bomb Ang naka sulat sa semento Find me... Kill me.. If you failed Your turn to ash.. Nakaramdam ako ng takot. Oo matapang ako pero sa mga salitang nabasa ko,. Pero hindi ako magpapatalo sa takot... Dahil may pang laban na kami sa inyo... Mga halimaw! Tignan natin kung kampante pa rin kayo kapag nalaman nyo na may kagaya nyo ang tatapos sa inyo. Dahil oras na mangyari yun.. Ako naman tatawa sayo king! Tandaan mo yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD