Aerea pov
6months na...
Dahil sabi ni Mama malapit na daw ako manganak.
Pero 6months palang... bakit sila sobrang excited sa paglabas ng baby eh meron pang 3 months..
" Ma hindi ba masyadong maaga para bantayan nila ako...?"
" naku anak mas maganda ang handa kasi ang baby monster is coming to town.." isip bata nga talaga si Mama Katana.
Paano ba naman andito kami lahat sa HQ... naging mansion na ata ito dahil sa daming kwarto.... At ang dami namin dito. Mga girls at mga boys.. Maliban nalang sina King, Charmon with their family kasi may mga babies sila.
" Aerea gusto mo ng taho?" alok ni Raven sa akin
" ayoko...pass muna ako.. Hehehe"
" eto nalang cake na binake ko.. Aerea para matikman ni baby monster ang bake ni Momshie Piper nya" Piper
Lalong ayoko.. Sabi kasi nila Thunder Volt na hindi masarap luto ni Piper.
" busog pa ako eh. Mag tira nalang kayo para saakin." keme lang ?
Nakakabored naman.. Lakad lang ako ng lakad.. Yun daw kasi sabi nila Mama dapat daw lakad ako ng lakad para mabilis manganak..
11:00PM katatapos ko nagshower sobrang naiinitan talaga ako, akala mo nilelechon ka na.. Naka aircon naman dito sa kwarto.
Nagsusuklay ako ng makaramdam ako ng sakit sa tiyan.
" aray baby wag naman ngayon inaantok na si mommy... Bukas ka nalang manipa..."
Pero sadyang masakit talaga.. Parang bibiyak katawan ko sa sakit.
Pinindot ko ang intercom para tawagin si manang.
" Manang..! Su-sumasakit t-yan ko.. Ahhhhh" napasigaw na ako sa sakit
Wala pang 1 minuto ng bumukas ang pinto.
" Manang masakit... Manga-manganak na ata a-ako.... Ahh araaay ahhhhh"
" Naku halika na.. Bumaba na tayo... Para magising ko sila..."
Inakay ako ni manang lumabas.
May kung anong bagay siyang kinuha sa bulsa nito..
? Pito?
Ah hinipan niya ito...
Kaso walang ng response..
" wait lang mam... "
" ahh araay manang saan ka pu-punta?"
At ngayon dala dala na niya ang megaphone.
Pinatunog ito...
Ang sakit sa tenga..
Maya maya ay nagsilabasan na sila sa kani-kanilang kwarto.
" my gosh manang!... Aerea bakit?" tanong ni Amara.
" Mam! Manganagak na si Mam Aerea?!" pasigaw na sagot ni manang
Hindi ako makapagsalita kasi sobrang sakit na talaga.
" WHAT?"
Nataranta ito at kinatok ang ibang kwarto..
Sina Minho Toffer at si Loki ang umalalay sa akin papunta sa kwarto.
Ang iba nakikita ko kung paano sila mataranta.
Ang nga babae nakalimutan ata na naka nighties lang sila at ang ibang boys naka boxer short lang??
" yung damit ng baby!" tarantang pasigaw ni Raven
" Tara na!"
Napaka exaggerated nilang lahat.
As in lahat sila pumunta..
Wala si mama Katana dahil umuwi kagabi sa bahay niya.
Eksena sa hospital
" ahhhh... Ang sakit..." ako
" breathe in.. Breathe out" si Piper
Tinuturuan ako ni Piper dahil nanganak na din ito nung bago ako magbuntis.
Syempre sa mismong hospital nila ako dinala..
" Shan..." tawag ni Lupin
Si Shan ang doctor ko. Lalaki ito... Pinsan nila Lupin sa father side.
" anong kaguluhan dito? "
Grabe nagtanong ka pa...
Ahhhhhh.
" ano ba sa tingin mo..? Manganganak na si Aerea..! " sigaw ni Thunder Volt.
" what ang aga! "
Ayun nataranta na di ito..
Ipinasok na nila ako sa operating room
Mangiyak iyak na ako sa sakit.
May isang naka scrub suit kapapasok at alam ko na lalaki ito..
Si Shan na ba ito?
" Misis... kelangan mo irelax mga binti mo... dito po kayo kumawak misis.." utos ng midwifery sa akin kaya ginawa ko naman.
" Doc ready!"
Tumango lang ang si Shan..
Si Shan ba talaga ito... Kasi alam ko mabunganga itong lalaking ito eh.. Hindi ko nalang pinansin dahil parang naso suffocate ako sa loob..
"aahhhhh! Oahhhh ahh..."
" Misis i ire nyo pa po..." nurse
Bakit ang nurse nagsasabi hindi ba dapat ang obgyne doc?
" isang push pa po misis para makalabas na si baby!"
Hindi ko na kaya..
Parang nasusunog ang katawan ko..
Bakit ganito...?
Bakit parang nalulusaw ang mga laman ko sa sakit...
" one big push Misis... Nakalabas na ang ulo ng baby..!"
At ginawa ko naman...
Pagka ire ko ng malakas...
Doon lang ako naginhawaan..
" it's a girl.... Asawa ko..!"
Hindi ko alam kung sa pagod ko.. Dahil narinig ko ang boses ni Bullet.
Nawalan na ako ng malay..
Lupin Pov
Sa pagkakataranta naming lahat. Hindi na talaga namin inintindi ang mga itsura namin pagpunta dito sa hospital.
At buti nalang hospital ng Clan ito.
Pero hanep mga itsura namin.
Ang mga iba akala mo macho dancer sa isang club.. boxer short lang..
Iba naman balot na balot na akala mo nanggaling sa North Pole..
Mga girls naka nighties pa...
Ang iba akala mo narape sa itsura..
Pero pinaka the best sa lahat ay si Dexmon. Hahaha
Nag away ata sila ni Ate Happy kaya yung itsura niya..
Bugbug sarado daming pasa tapos naka pajama lang na ang print pepa pig at walang pang upper. Hahah
Biglang dumating si Tita Katana.
" how is she?"
" kapapasok palang niya tita..."
Pero nagulat kami sa kasama ni tita.
Si Bullet ba ito?
" laway mo Lupin... Yuck!" sambit niya.
Tae si Bullet nga..
Nag gym ba siya kaya nagka muscle???
Kinalabit ako ni Brax
" nakita mo ba yun?"
? Tang'na neto... Malamang kinausap pa ako
" hindi... kinausap lang ako bopols!"
" Honey si Bullet ba talaga yun?" Amara.
" Oo... pero nakapagtataka... Nawala siya ng mahigit isang taon."
" si King padating..." si Van habang may dala dala silang kape galing Caffèteria.
Nakita kong nagsuot ng scrub suit si Bullet at pumasok sa operating room
Napangiti ako..
Sa kanya kaya talaga ang baby?
O sa sobrang pagmamahal niya kay Aerea ay tatanggapin nya ito.?
" f**k! Anong mga itsura niyo dito sa hospital?"
Lah nagalit si King
" ano ka ba King nataranta kami... Akalain mo na 11:11 namin siya sinugod dito.. Sino kayang matino ang magpapa ganda pa kapag may manganganak!"
Luh nagalit din Si Ate Sad ?
" eto naman si Ate Sad nagtatanong lang naman hehehe.... mag si uwi na kayo.. Para makabalik din kayo pagkalabas ng baby monster"
" King.."
Sinulyapan naman niya ako.
Lumapit ako sa kanya katabi sina kambal Brax at Brace.
" isn't true na si Bullet kanina yung dumating o naghahallucinate lang kami?"
" he is... Tsaka ko nalang ikwekwento dahil may mga matang nakamasid sa atin dito.. basta tandaan niyo.. Wala kayong pagkakatiwalaan na iba kundi tayo tayo lang. Ang hindi kasama sa grupo...na pumapasok sa lungga natin. Patayin! "
Heto na naman siya..
Nag uutos pumatay..
Pero nakakamiss pumatay.
" ok copy.. " sabay naming tatlo nila kambal.
" sabihin niyo kay Cannon na yung sinasabi ko na imbestigahan niya.. i update ako 8am bukas. "
" Lupin gusto ko puntahan mo ang bahay ni Grey Piller. "
" bakit yun?... "
" just do what I say.. Supremo is here pero kelangan niya munang magpahinga ng 2 days. Lalo nat lumabas na anak niya"
???????????????????????????????????
Kaming lahat.
"what?" girls
"ano?!" boys
" yes anak ni Bullet si baby monster... sabi ko ikwekwento ko bukas.. Kaya manahimik kayo!"
Toink!
Yan binato ni Ate Sad si King ng tsinelas hahaha
" ate naman eh..."
" IKAW KAYA MAINGAY...."
Hahaha yan kasi...
Pero paano kaya nagyari na nabuntis nya si Aerea kung bantay sarado naman kami sa kanya noon. Pinagdudahan pa namin siya na may ibang lalaki
Nakakahiya kami...
Kay Supremo Bullet pala ang baby monster.