Bullet pov
" asawa ko, magdedeliver lang ako sa extension gusto mo bang sumama?" yaya ko sa kanya.
" pwede maiwan muna ako dito masakit katawan ko sa ginawa natin kagabi eh"
? alam niyo na ibigsabhin ng sinabi niya.
Sorry kayo! Nakakaadik kasi yun eh
" gusto mo bang magpacheck up ?"
" hindi na ipapahinga ko lang ito. Umuwi ka na lang ng maaga para sabay tayong mag lulunch"
Tumango ako at nagoodbye kiss sa kanya.
Extension:
" goodmorning mga tukmol! .." bati ko sa kanya.
" di mo ata siya kasama?" Minho
" eh ikaw bakit ka andito, iba ata extension mo?"
" Mamaya pa balik ko sa pwesto ko, lakas hang over ko baka pagalitan ako ng asawa ko." sagot niya
Oo nga pala isa siya sa mga na knock out kagabi.
" nasa taas sila. Magkakape pa ako tsaka na ako aakyat"
" huh? Completo parin tayo ? Wala bang umuwi sa mga asawa niyo?"
" meron... Ikaw at si king. Madadaya kayo eh "
" madaya ka diyan , sige akyat lang ako."
" teka teka... Ilang yung order sa extension ko?"
" hindi ko alam hindi ako nag pack sa order mo. Mga tauhan ko nagpack titignan ko listahan ko later."
Tumango lang ito at humigop na siya ng kape niya
Pagbukas ko mukhang nagulat sila.
" anak ka ng teteng! Bullet kumatok ka nga!" binato ako ni Loki ng lapis
" OA! ...dati naman akong di kumakatoka ah"
" si Vanya ?" bungad sa akin ni King
" nasa bahay masakit katawan niya eh."
Naningkit ang mga mata nito. Alam ko ang ibigsahin nun, Hindi siya naniniwala na masakit katawan ni Briseis.
" Bullet ,"
Tawag na naman niya
Ayokong sagutin ang anumang sasabihin niya dahil oras na hindi na patangong ang sasabhin niya. Delikado na.
" andyan na mga delivery, mga bayad paki send nalang."
" hoy Bullet! makademand ka ng bayad akala mo hindi mo din iyo itong mga extension." sabat ni Dexmon
" teka akala ko ba completo tayo? Bakit kulang ng isa?" pansin ko
" nasa baba si Minho." Brax
" nabilang ko siya...si Lupin ang nawawala. Saan yun nagpunta?"
" inutusan ko siya sa range. May pinakuha akong mga picture" King
Si King ang isa sa mga human healing na hindi mabasa ang expression ng mukha niya. Parati kasi niyang suot ang poker face nito lalo pag wala sa tabi niya si Reishel
" ah ok"
" Bullet gusto kitang makausap!"
biglang bungad ni lola Maleficent
Binigay niya sa akin ang isang folder.
" buksan mo?"
Luh galit si lola
" who the hell! made that to my one of our range?"
Ninakawan ang range sa isabela
" that was 500 million ang halaga ng nawawalang weapon.!"
"pero lola..wala akong nalalaman diyan."
" errrrrr Bullet I don't care about the money value, I need all of my weapon. "
" Pero bakit po niyo saakin tinatanong?"
Natahimik si lola.
" paki sabi kay Audrey puntahan niya ako sa bahay."
Tsaka na tumalikod si lola.
I hate being a Supremo
Saakin lahat ang mga problema
" guys aalis na ako. Yung mga bayad paki naman. "
Oo naman ang sagot nila.
Pumunta ako sa HQ
" oh Bullet anak,andito ka pala si vanya kasama mo?"
." hindi Ma nagpaiwan kasi masakit katawan niya."
" good..halika dito!"
Nag iba ang tono ni Mama
Mukhang galit
Sa may garden: Bago pa simulan ni Mama ay nagpatimpla siya kay manang Ising ng kape.
" anak maybe you need to perceive first about Vanya"
?
" Ma ano bang pinagsasabi niyo.?"
" galit na galit ang lola Male mo sa nangyari sa range. Alam mo na hindi pwedeng maibenta sa iba ang mga weapon. "
" ma anong kinalaman ni Briseis dito sa mga nawawalang weapon?"
" Hinala ng lola Male mo na si Vanya ang kumuha ng mga weapon"
" Ma hinala lang pero wala naman tayong proof na siya nga ang kumuha"
" kilala mo si lola Male mo, never pa siyang nagkamali ng hinala. Anak nasaan siya mga oras ng 2am nakaraan.?"
Nasa tabi ko siya..pero naalimpungatan ako na wala siya sa tabi, ang akala ko umihi lang ito.
" anak ,please bantayan mo ang asawa mo."
Umuwi ako na napapaisip sa mga sinasabi nila.
How can she make all things possible if she was the one doing this stuff to our clan?
Who are you BRiseis Vanya?
Pagpasok ko ,mabangong ulam ang naaamoy ko.
" asawa ko andyan ka na pala. "
Pilit kong ngumiti sa harap niya.
Isang kiss ang isinalubong sa akin.
" sakto naka prepare na ng pagkain."
Kumain kami ng mapansin ko ang leeg nito na may cut na maliit
" asawa ko..anong nangyari sa leeg mo?"
Kinapa naman niya
" ah eto ba...kasi ano naglilinis ako ng bintana ng may nasagi akong maliit na wire . Pagka ilag ko sa leeg naman nasabit."
Tinignan ko mga mata niya.
Nagsisinungaling siya.
" nextime mag ingat ka asawa ko."
Masaya siya sa gabing ito. Pinatulan ko naman ang gabi niya. Tawanan at harutan kami sa bahay.
Pinakiramdaman ko siya ,nagtulog tulugan ako. Gusto ko malaman kung totoo nga ang hinala ni lola Male.
Pagsapit ng 2am ng madaling araw,bumangon ito. Naramdaman ko na nagbibihis siya at sa bintana ito dumaan.
Bumangon ako at agad nagbihis don.
Saan kaya ito pupunta.
Isang sasakyan na nakaparada ang nilapitan niya. Ako naman patago akong lumalapit sa kanya.
Pumasok ito sa close van. .
Nagtaka na ako kaya kinontak ako ang autopilot motor ko.
" Sexy tara!"
Gamit ang relo ko, maya maya lang ay nasa harapan ko na ito.
" good sexy... Sundan natin ang asawa Ko."
Soya na mismo ang nakakaalam kung saan tutungo ang asawa ko.
Nagulat nalang ko ng Isang range dito sa probinsya ang tungo nito
Lumabas ito na naka over all black at may hawak na swords.
Kakaibang swords ito.
" sexy activate the electric guard sa buong range35. Connect to satellite. "
" Grazeter satellite activated the electric guard."
" ok .. Give me a map to locate her. Papasok ako sa loob. At 10 mins lock all the gates and doors. Shut down the current ,as my comman. As roar! "
" Copy Bullet!" sagot naman niya.
Pagpasok ko agad naman nag on ang electric guard kaya lahat ng pag apak at paghawak mo sa isang bagay sa may range ay tutunog ito at babarilin ka in silent mode.
Kaya mas gugustuhin ko na ishut down ang current bago siya maka enter sa mismong main door ng office kung saan doon nakalagay ang mga weapon.
Binanggit ko ang ''Roar''
Agad itong nawalan ng kuryente.
Ginamit ko ang night vison eyeglasses ko para malaman kung nasaan ito.
Nagtaka ako ng makita siyang may hawak na mini laptop at isang usb. Magaling din pala siya sa technology. Hindi ko alam kung ano ang kinuha niya sa laptop ni lola.
Patay ako nito kapag nalaman niyang si Briseis ang magnanakaw sa clan. Hindi ko alam ang gagawin sa kanya ni lola. Knowing her she has demonic monster figure na hindi mo magugustuhan ang gagawin sayo. DOA ang sasapitin mo.
Agad itong umalis.
Hinintay ko muna itong makalayo bago ko pina activate ulit ang kuryente.
" sexy ,sundan mo ang asawa ko. Just give me some information."
" roar! Bullet !"
Tinignan ko ang laptop.
Mga lacation ng mga extension at range sa buong mundo ang kinuha niya.
Anong gagawin mo briseis?
Bakit mo ginagawa ito?
Binalikan ako ni sexy at sinabi niya lahat lahat.
Nauna akong umuwi at nagpanggap ulit natutulog ng dumating . Mala pusa ang mga galaw niya. Mga yapak niya ay hindi mo mararamdaman kung normal kang tao but for me, ni pagtayo ng balahibo niya ay alam ko.
" asawa ko, aga mo naman bumangon." pag aacting ko
" nauhaw lang ako asawa ko.,halika na balik na tayo sa higaan."
And the rest we sleep like nothing happen.
Kinabukasan
Nagpaalam si Briseis sa akin na may pupuntahan daw sila nila Reishel at mga ibang girls na boutique.
Pero alam ko na papatawagin ulit ako nila king.
At tama nga ako.
HQ:
" eto ang real biodata ni Vanya."
Lahad ni cannon.
" at eto ang iba't ibang biodata niya"
" but her real name is Artemis Eira Apolinar. "
" pinaimbestigahan niyo ang asawa ko?"
" ang asawa mo ay si Briseis Vanya Grego... at si Artemis Eira Apolinar ang pinapaimbestigahan namin."
" imposibleng siya yan. Nagkakamali kayo. Si Lupin ang nasearch na totoo si Briseis."
" Yes totoong meron Briseis, pero ginagamit lang niya ito bilang alter ego nkya." King
" King your into this? "
" head's order." King
Napaupo ako.
" alam na ba ni lola Male?"
" hindi pa,dahil oras na malaman niya papatayin niya ang asawa mo. "
" pero nasa likod mo kami Bullet. Tayo ang huhuli kay Vanya at alamin kung bakit niya ginagawa ang mga ito." Lupin
" sinundan ko siya kaninang madaling araw. Kinuha niya ang mga location ng mga extension at range sa buong mundo"
Pag aamin ko
" Loki gawin mo na ang pinapagawa ko." utos ni King kay Loki
" we will make this secretly Bullet. just give us some update kung saan saan pumupunta ang asawa mo"
" mahal ko ang asawa ko King..kaya please wag niyo siyang sasaktan"
" we never hurt ladies you know that Bullet., as long she will be our side."
Tumango nalang ako
Lagot ako kay mama at kina lola.
Briseis please ! Stop this before I'm the one to end up with you