LIES

1420 Words
Vanya/ Aerea pov Hindi dapat ako mabuking sa mission kong ito. Nangako ako sa kanya na gagawin ko lahat basta ibabalik niya kinuha nya saakin. Artemis Eira Apolinar pero tawag sa akin ni mama Aerea ( a-rey-ya) Ang ibang nasa biodata ko ay totoo ,at pinapatrabaho ako ni papa sa club ng bago niyang asawa. Ibinenta ako kay Bullet . Hindi ko parin alam kung bakit ginagawa nya ang lahat ng ito. Totoong kasama siya sa mission ko. Nang nalaman ko kung saan ito nakatira ay sinundan ko ito at naging kapitbahay pa nya ako. Ginawa ko lahat para mapansin niya ako. Pero hindi sa mapamahal siya sa akin. Mababait ang angkan niya. Tama ang nalaman ko, laking probinsya ang angkan nila. Matulungin sa kapwa pero napaka delikado silang kaaway. Alam ko kakayahan nila dahil sinabi niya saakin bago ibigay ang mission ko. Wala akong choice kundi tanggapin ito. Pinag nanakawan ko ang mga range nila ng mga weapon. Magaling ako mag hack ng mga account, makipaglaban at magpanggap bilang ibang tao. " asawa ko , birthday ni Mama bukas." Bumalik ang ulirat ko ng banggitin niya na bday ni Mama Katana bukas. " magluluto ako ng specialty ko asawa ko." Ngumiti siya. Bakit napakalaki ng pagmamahal saakin ni Bullet? bakit hindi ko ito kayang saktan? " you know what asawa ko. May malaking shipment bukas ng gabi galing Russia. Idedeliver nila ate Sad at ate Happy yung magagamit sa ibang range.,nawawala kasi ang ibang weapon ni lola Male . " Russia? Umaabot talaga sila doon? " ilang bansa ba ang nasasakop niyo asawa ko?" " marami asawa ko, sina lolo Andy kasi ang mga namuno noon sa ibang bansa. Nakikipag negotiate sila sa iba't ibang bansa para maging legal ang pagiging mafia ng angkan." "legal?" " yes...legal mafia ang buong bansa. At dahil sa katalinuhan ni Midnight Skull at sina lola'lolo Achilles ay nakagawa sila ng isang weapon gaya sa demonic dagger ni lola Dua at kay lolo Uno." Nanonood kami ng movie ni Bullet. Pagdating kasi niya kanina napagod kaya hinilot ko at nagbalak na manood ng tv. Naka higa ito sa hita ko. " nabasa ko na yan noon, naging trending noon dahil sila naka tuklas sa wax face clone ba yun?" " yap at doon nalaman kung anong kakayahan ng dugong dumadaloy sa kanila. Lalo na kay lolo Kean at lola Maliyah, naging experiment pa sila sa mga drugs na kapantay sa lakas ni lola Dua." " ang ganda ng storya nila hindi ba.. nung nag aaral pa lang ako sa college nababalita na ang pag iibigan nilang dalawa. " " Totoo kasi ang pagmamahalan nila..hindi one sided love lang. Si lolo Kean ay ang kauna unahang torpe sa angkan...pangalawa lang si lolo Uno. Hahaha pero sobrang pagprotekta niya kay lola Maliyah noon, halos nalalaman niya kung may sugat at naaaksidente nito." Nagtaka ako. " how come? Nalaman niya kung nasa ibang bansa ito." Tinignan niya ako sa mga mata. " technologies asawa ko. May mga device sila na connected to satellite namin." Tsk may sarili silang Satellite ? Hindi kaya alam.na nila? " nalalaman niyo kung ganun kahit nasa sulok sila ng mundo?" " yap! Pero naaactivate lang ito kung ang mismong supremo ang nag pa activate." SinO ang supremo nila? Si King? Bullet pov Hindi pa alam ni Brisies na ako na ang supremo. Ang alam lang nito ay si King. Hindi pa kasi pormal na ako ang nakaantas na bagong supremo. " asawa ko alam mo ba na natakot ako nung kasal natin. Kasi sa lahat ng kwento ng mga angkan namin. Kinikidnap ang mga bride. Buti nalang at hindi nangyari sayo yun." " sino naman gagawa saakin asawa ko. Wala naman kayong kaaway hindi ba?" Bumangon ako at umupo at nakatutuk ang mga mata sa tv. " meron na ngayon, ang magnanakaw ng mga weapon sa mga range. Hindi pa namin sila kilala but soon malalaman din namin" Tumayo ako dumeretso sa kusina. " gusto mo ng kape asawa ko?" pag aalok ko sa kanya. Nakita ko ang mga mata nito ang pagkagulat. Asawa ko! Bakit anong kasalanan namin sa inyo? Sino ang nag uutos sayo? Bakit ? Maraming bakit sa isipan ko. Kahit sabihin nila na si Brisies ang magnanakaw pinipilit ko padin na hindi maniwala. Gusto ko na ako mismo makatuklas sa mga lihim at paggawa niyang pagnanakaw. Natulog na kami after nag kape. Kung nagtataka kayo bakit mabilis akong inaantok,well ganun talaga. Immune na ang katawan ko sa kape kaya di na tumatalab sa akin hahhaha Kinabukasan. Maaga kaming namalengke at bumili ng regalo para kay Mama at bumiyahe sa probinsya sa parteng Nueva Vizcaya. Sinalubong kami nila mama. Pero bakit parang kakaiba ang aura ang nakikita. Hindi dahil hindi nila ako pinapansin ,kundi parang wala silang problema. " salamat anak sa regalo...halina kayo at magsisimula na ang bday ko. Sana baby na next ang regalo niyo sa akin ha...VANYA" Diniin pa niya ang pangalan na Vanya " Ma naman... Soon okey ..ngayon yan muna regalo hahaha" " well I know very very soon magkaka po na ako sa inyo... My blood knows." Napakaewan talaga ni mama. My bloods know daw. Tsk Halos completo na ang lahat ng mga angkan. Lumapit si Reishel sa amin na halos umbok na ang tiyan. " Bullet pahiram nga saglit si Vanya. Papasama lang ako sa itaas. Si King kasi may kausap sa phone" " sure... Sige doon muna ako kina Lupin." " excuse asawako ha..." paalam ni Brisies. Nakita ko kung paano ako tignan ni Reishel . Mukhang pati siya alam na niya. Ang hirap ng ganito. Papaano ko masosolve ng walang masasaktan at mawawala. Knowing lola Maleficent.. Hindi siya ganun ka bait para palampasin ang mga nawawalang weapon ng org. Last time na may trumaydor sa grupo halos I double dead na niya... Hanggang maging abo at maging hangin ito. At ayoko mangyari sa asawa ko. Isang tapik ang bumalik sa aking pagka ulirat. " ngayon ko lang nakita ang isang Bullet na problemado ah" King " hindi madali sa akin ito King. Sana matulungan mo ako. Ayoko mawala ang asawa ko." " totoo na ba nararamdaman mo sa kanya at hindi awa?" " unang kita ko palang sa kanya agad natamaan ito" sabay turo ko sa puso ko. " relax Bullet. . Kasama mo kami sa problema mo. Hindi ka namin iiwan." " hawak niyo na ba siya?" " yes... Kina tito Galaxy muna siya habang isinasagawa yun..at hindi pa niya alam tungkol sa kanya" " king paano niyo nagawa?" pagtataka ko. " hahaha Bullet walang imposible sa angkan natin. May mga bagay na madaling gawin kapang alam mo agad ang kahinaan. Ang isang pa-in ay hindi agad agad maniniwala pero pag ang tuso ang gagawa. Sa isang iglap lang hawak mo na siya" Biglang sumungit si Lupin. " guys... Maya na ang tsismisan magbloblow ng cake si tita Katana. So Bullet ..?" Agad naman bumaba sina Reishel at Brisies. Inalalayan ko ang asawa ko at lumapit kay mama. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa asawa ko. Sorry asawa ko pero kelangan mong malaman .... Hindi ko alam ang mangyayari matapos nitong gabi pero aasahan ko na sasabhin mo ang katotohanan. " happy bday to you!" Kanta namin kay Mama. Sa edad na 43 ni mama napa fresh parin ito. " mag wish ka na tita...." sigaw ni Reishel " ang wish ko sana...magka apo na ako sa nag iisang anak ko na si Bullet." At hinipan ang candila. Nagpalak pakan kaming lahat. " asawa ko ano ginawa niyo ni Reishel sa taas?" " binalot lang namin yung gift niya kay mama..bakit asawa ko?" " wala naman.... " 12am ng natapos ang kainan. Nagpa parlor games pa kasi kaya medyo nagabihan na. Pinauwi ang mga iba lalo na ang mga bata. At ngayon na ang simula ... Si lola Male ang humatak kay Brisies upang alamin ang mga binabalak niya sa angkan.. " bakit po lola?" Pinaupo ito " Artemis Eira Apolinar" buong buo ang pagkakabigkas ni lola ang totoong pangalan ni Brieses este sa asawa ko. Nagulat siya sa narinig niya. " po?" " magaling ka magtago iha..pero mas magaling ata kami. Hindi ako galit sayo sa pagnanakaw mo ng mga weapons ko sa mga extension ko. " Hindi ito kumibo at tinignan lang niya ko. Wala akong pinakita na emosyon. Titig na titig lang ako sa kanya. " sorry..." " alam namin na ginagawa mo lang ito dahil may isang bagay kang prinoprotektahan. Pero Eira hindi kami ang kalaban dito." May ipinalag si King na sobre. " tignan mo yan iha...at malalaman mo kung sino ang kalaban o kakampi mo" Binuksan niya ito at doon na siya nagsimulang umiyak. Lalapitan ko na sana siya ngunit pinigilan ako ni Loki. Eira!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD