Lexie’s POV Kay bilis na lumipas ng panahon hindi ko sukat akalain na nagdadalang tao pala ako sa anak namin ni Cedric. Hindi ko alam na isang buwan na pala akong buntis ng lisanin ko ang Mansion ni Cedric. Sampung buwan na rin ang lumipas at ngayon ay isang buwan na ang anak ko, nagsilang ako ng isang malusog na sanggol na lalaki. Kung noon ay iniisip ko na tila patapon na ang buhay ko ngayon ay patuloy akong nangangarap na sana ay tuluyan ng magkaroon ng katahimikan ang buhay ko. Ang anak ko ang inspirasyon ko, dahil sa kan’ya ay naging positibo na ang pananaw ko sa buhay. At dahil din sa anak ko ay nagkaroon ako ng plano na magkaroon ng isang maayos na trabaho at normal na buhay. Alam ko na napakaimposible ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa alang-alang sa anak ko. Wala

