Lexie’s POV May ilang oras na ako dito sa loob ng banyo, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kanina ay okay naman ang pakiramdam ko ngunit ngayon ay walang tigil ako sa pagduwal, kulang na nga lang pati bituka ko ay isuka ko na. Nanghihina na tumayo at tinungo ang beranda, naupo ako sa silya at itinaas ko ang aking mga paa saka niyakap ang sariling mga tuhod. Mula rito ay natatanaw ko ang magandang view ng Makati dahil nasa ika sampung palapag ako ng gusali. May kamahalan ang renta sa Condo na aking tinutuluyan ngunit ayon sa management at bayad na raw ang renta nito sa buong taon. Nawindang ako sa aking nalaman, lalo na ng sabihin nila na pati ang pagkain ko dito ay libre, lahat ay na settled na halatang pinaghandaan, kumbaga ako na lang ang kulang. Ang swerte ko naman a

