Lexie’s POV “Huminto sa gitna ng kwarto si Mr. Hilton at ang mga tauhan nito, pumasok naman ang dalawang lalaki na may bitbit na isang malaking bag. Pagkababa nila ng bag sa sahig ay kaagad na binuksan ito ng isa sa kanila. Tumambad sa aking paningin ang ilang magagandang klase ng baril at ang lahat ng iyon ay mga bago pa. “Mukhang hilig yata ni Gov ang mangoleksyon ng iba’t-ibang klase ng baril.” Anya sa aking isipan. Nakita ko na isa-isang sinuri nito ang mga baril bago inaabot sa kan’yang tauhan. Isinasabit naman ng tauhan nito ang mga baril sa pader kung saan ay may mga bakal na sabitan nito. Nang matapos maidisplay ang mga baril at lumabas na si Mr. Hilton ng kwarto habang sa likuran niya ay nakabuntot ang mga tauhan nito. Bigla akong naalarma ng napagtanto ko na maaari nilan

