3: MAY NAKA-SÊX KA NA BA

2003 Words
Killian Montemayor, Jetlag hits different when you land with a mission you didn’t sign up for. Tatlong araw pa bago ang birthday ni Lola Soledad, pero pakiramdam ko para na akong naka-enlist sa isang special operation na ako lang ang hindi fully briefed. Ang pagkakaiba lang… walang intel, walang mapa, at higit sa lahat, walang exit strategy. The heat hit me the moment I stepped out of the airport. Hindi lang basta init, parang init na may kasamang sermon ni Lola. Yung tipong—‘Abay mabuti nalang effective ang pagbabanta kong itatakwil kitang apo at hindi ibibigay ang pamana, dahil napilitan kang umuwi.’ Classic. Hindi pa man kami nagkikita, naririnig ko na siya sa utak ko. I adjusted my sunglasses and tightened my grip on my luggage handle. Dalawang taon na rin yata mula nang huling umuwi ako sa Pilipinas, at ngayon, sa pagbabalik ko… hindi lang birthday ni Lola ang dahilan. I was walking straight into a trap. Isang mission na hindi ko pinirmahan, hindi ko inaprubahan– Lola’s mission. Or more accurately… her matchmaking scheme disguised as a birthday wish. Paglabas ko sa arrival area, mabilis kong napansin si Mang Romy, ang driver ni lola, na may hawak na cardboard sign na may nakasulat– Captain Killian Montemayor Hindi ko mapigilang ngumiti. Same old, same loyal, same unmistakable Mang Romy. Nasa late fifties na siya, pero kahit na halata na ang kulubot sa mukha, hindi pa rin kumukupas ang tikas ng tindig niya. Mula pa noong nag-aaral ako ng highschool, siya na ang taga-hatid sundo at taga-salo ng galit ni Lola kapag late akong umuuwi, at minsan, taga-pagtago ko rin ng sikreto. "Captain!” sigaw niya habang inaangat ang kamay na may hawak ng cardboard sign. “Mang Romy,” I greeted him with a tired smile, shaking his hand firmly. “Kumusta po kayo?” “Heto tumatanda na," he laughed lightly, pero kitang-kita ko sa mga mata niya yung genuine na tuwa sa pagbabalik ko. “Ikaw? Aba’y lalong gumuwapo ang paboritong apo ni Madame Soledad, ah!” I chuckled, shaking my head. “Mang Romy, ako lang naman kasi ang apo niya. Wala siyang ibang choice kundi ako ang maging paborito.” “'Yan nga ang punto, iho! Solo ka na nga, solo ka pang paborito.” "Solo rin po sa sermon." We both laughed as he grabbed my suitcase and led the way to the car. Pero habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, naramdaman ko na agad ang tension sa dibdib ko. Pagpasok ko sa kotse, naamoy ko agad ang kombinasyon ng bagong linis na upholstery at isang bagay na nostalgic...parang amoy ng lumang bahay na puno ng alaala. I leaned my head back against the seat as Mang Romy started the engine. “Excited ka na bang makita si Madame Soledad?” "Excited? More like… mentally preparing." Tumawa si Mang Romy habang iniikot ang manibela palabas ng airport parking. “Ewan ko ba, Mang Romy. Every time umuuwi ako, parang may surprise mission si Lola na biglaan niyang ibinubulgar habang kumakain kami ng almusal. Wala man lang consultation. Walang consent. Walang due process. Last time, pinauwi niya ako dahil ang rason niya may sakit siya. Pero pagdating ko rito sa Pinas, pinasama niya ako sa Thailand sa isang templo para ipagdasal na makahanap na ako ng asawa. Imagine, I was in a temple...barefoot, sleepless, jetlagged at nakaluhod sa harap ng malaking gintong Buddha habang may mongheng nagwiwisik ng tubig sa ulo ko.” Napatingin ako kay Mang Romy. He was trying so hard not to laugh. “Ay naku, ganyan talaga si Madame. Pero aminin mo, mahal ka niyan. Lahat ng ginagawa niya, may dahilan.” "I know, Mang Romy. I know she means well... pero minsan hindi ko maintindihan kung bakit nagmamadali siya na magkaroon ako ng asawa." "Siguro kasi tumatanda na rin si Madame Soledad. Gusto lang siguro niyang makita kang masaya… may kasama. May pamilya." I appreciated how Mang Romy said it without making it sound like a lecture. Minsan, yun talaga ang magic niya. He could say the truth without making it sting too much. Parang tatay na rin siya sa akin sa dami ng sikreto naming dalawa. Sumandal ako sa upuan at tumingin sa labas. Metro Manila looked the same. Chaotic, humid, alive. But for some reason, everything felt heavier today. ••••••• PAGDATING namin sa mansion ni Lola, automatic na bumukas ang gate. Wala pa rin pinagbago ang mansion. The white-and-ivory grand Montemayor estate stood like a stubborn monument of old money. Hindi ko mapigilang humanga kahit ilang beses ko na itong nakita. From the detailed tiled steps to the hand-carved wooden doors. Every corner of this house had her fingerprints. Dating architect sa Spain si Lola kaya bawat detalye ng bahay ay may halong European sophistication. Pagkababa ko ng sasakyan, hindi pa man ako nakakailang hakbang sa entrada, bumukas na ang double doors ng main house. And there she was. Standing tall sa gitna ng pintuan, in her usual emerald green silk dress and signature pearls, was the legend herself–Madame Soledad Montemayor. "Killian Rafael Montemayor!" I froze for half a second. Hearing her say my full name always hit differently. Lumapit ako sa kanya, dala ang isang pilit na ngiti saka siya hinalikan sa kanang pisngi. "Hi, Lola. You look elegant as always.” “Don’t flatter me. You’re late by two years. You missed two Christmas, three Holy Weeks, and two annual Montemayor Foundation gala. At ngayon lang ulit kita nakita, three days before my birthday. Very strategic timing." Sabi ko na nga ba sermon agad ‘to. Nothing new with Lola. Regal, intimidating, and completely dramatic. “You made it when it’s convenient for you, Killian. But fine, since it’s my birthday week, I’ll pretend to be gracious." Napakamot ako sa batok. “Thanks for the royal pardon, Madame.” “Don’t push it,” she raised an eyebrow, clearly unimpressed. “Come in. We have a lot to discuss. Pasalamat ka at na-miss kita." Agad siyang naglakad papasok. Ako naman napangiti nalang. For all the craziness she puts me through, mahal na mahal ko pa rin siya. She raised me when no one else could. She prayed for me when I didn’t believe in anything. She loved me like her own mission in life was to make sure I never forget I belonged somewhere. I followed her inside. The air was filled with the comforting scent of vanilla and lavender. Ganitong-ganito rin ang amoy ng bahay noong bata pa ako. It was like coming home to a memory that refused to fade. Pagpasok namin sa main foyer, agad bumungad ang signature hospitality ni Lola. Fresh flowers in every corner, antique vases mula sa mga European travels niya, at ang paborito niyang grand chandelier. “Halika na. Kumain ka muna. You must be starving from that long flight.” Hindi na ako nagreklamo. Sa pagkakakilala ko kay Lola, kapag hindi sinunod ang alok niyang pagkain, parang insulto na rin ‘yun sa pagkatao niya. Isa pa, gutom na rin talaga ako. Pagdating namin sa dining hall, para akong nasa isang royal banquet. The long mahogany table was already set, with polished silverware and embroidered linen napkins. May tatlong staff na nakaabang sa gilid, and one of them pulled out my chair. “Umupo ka na,” utos ni Lola habang siya naman ay pumuwesto sa head of the table. “I had Manang Cora prepare all your favorites...lengua, callos, paella, and that garlic prawns na ayaw mong aminin na paborito mo.” "Lola, you don’t have to bribe me with food just to say what you want to say.” “Bribe? Excuse me, iho, this is tradition. This is heritage. This is the Montemayor welcome-home protocol.” Napatawa ako kahit ayaw kong aminin. Ganito talaga siya. Hindi mo pwedeng talunin sa usapan. Wala siyang sinasayang na linya. Lahat may saysay, lahat may direksyon. She raised an eyebrow, habang inaangat ang wine glass niya. “At kung ang kasunod ng pagkain ay konting usapan tungkol sa buhay pag-ibig mo, e ‘di bonus na ‘yon.” I almost choked on my water. “Lola, can’t we just eat in peace? Pwede bang 'wag muna nating pag-usapan ang bagay na 'yan?" “Tignan mo ‘tong batang ‘to. I’ve waited two years for this conversation. Alam mo bang kahit ang mga madre sa kumbento na tinulungan ko, pinagdasal kang matauhan ka na? At ngayon, sasabihin mong huwag muna natin pag-usapan?” “Lola…” I groaned, dropping my fork gently. “I had a terrible jetlag. My body thinks it's 3:00 a.m and my brain feels like mush. Hindi pa nga nakapag-adjust ang katawan ko sa timezone, pinapa-adjust mo na agad ako sa idea ng kasal?” "Fine, I won’t pressure you, for now. I’ll just ask one question.” “One question?” I narrowed my eyes. Bakit masama ang kutob ko dito sa isang tanong ni Lola. She nodded innocently. Too innocently. She clinked her wine glass softly on the table and gave me that look. “May naka-séx ka na bang babae, Killian?” "Lola?!" halos malaglag ko ‘yung kutsara sa gulat. Napansin ko ring nagpipigil ng tawa 'yong tatlong servant sa may likuran. “Are we really doing this right now, Lola? Over lengua and garlic prawns?" "Yes. And I’m not going to judge you, okay? Hindi ako magagalit kung nakabuntis ka nang kahit sinong babae. Gusto ko lang makasigurado… baka may apo na ako at hindi mo sinasabi." That made me sit up straight. “What?” "You heard me. At my age, I don’t have the luxury of time to wait around for surprises. I deserve to know kung sakaling may apo na ako sa labas. Gusto ko lang naman siyang makilala at mabigyan ng pamana bago ako pumanaw." I looked away and sighed. “This is not a normal lunch conversation.” "Killian, hindi kita huhusgahan. I just need facts " “Look, Lola… I’m not a saint. But I’ve always been careful. I mean, I’ve never been the type to just hook up for fun.” Tumigil si Lola sa pagsubo at tumingin ng diretso sa akin. “Pero may naka-sêx ka na nga?” “Lola, you said one question. That’s three questions in one.” “Answer it, Killian. Kahit mamatay ako, hindi matatahimik ang kaluluwa ko hangga’t hindi ko alam kung may lahi na akong umaaligid sa kung saang probinsya.” Napapikit ako ng mariin, tying to find the most respectful way to say yes without triggering a novena. “Fine. Yes, may babae na akong nakasama. But it wasn't serious." Napatingin agad si Lola sa akin. Hindi man siya nagreact agad, kita ko sa pagkislot ng kilay niya na hindi sapat ang sagot ko. “Hindi seryoso?” ulit niya, habang nilalapag ang tinidor sa tabi ng plato. “Ibig mong sabihin parang mutual understanding lang?" "Yes. It was one of those things na parehong alam ng dalawang tao na temporary lang. Walang promises. Walang drama. Just companionship and comfort. No expectations.” “Babae ba ‘to sa abroad?” “Hmm...She’s half-Filipina and daughter of a diplomat. We met at an embassy dinner, hit it off and spent a few months seeing each other. But from the start, malinaw sa amin na walang future ‘yung samahan namin. She had her own plans. I had mine.” “Did you love her?” "No. Maybe we liked each other. But love? We both knew it wasn’t that kind of story.” Napahinto si Lola. Tahimik lang siyang tumitig sa akin–para bang kinukuwestyon niya kung nagsisinungaling ako o hindi. Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago siya biglang sumandal sa upuan, napabuntong-hininga, saka mahinang napabulalas... “Thank You, Lord.” Napakunot ang noo ko. “Lola?” “Akala ko kasi bakla ka, iho.” TO BE CONTINUED ᯓ ✈︎ ✈︎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD