
"Don’t expect me to love you. Mag-asawa lang tayo sa papel pero kinakahiya kita. Para sa'kin, isa ka lang babaeng bayaran."
—Killian Montemayor
•••••
Ang dalagang si Josephine Madrigal ay napilitan na mamasukan sa isang exclusive bar. Gusto pa niya sanang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo pero kailangan niya ng malaking halaga ng pera para maipagamot ang nakakabata niyang kapatid.
Sa bar kung saan siya nagtatrabaho, nakilala nito ang masungit na si Killian Montemayor, ang 35 years old na nag-iisang tagapagmana ng multi-billion real estate empire. Isa siyang walking contradiction—isang gwapong perpektong lalaking may pusong yelo. A man you’d either want to hate or helplessly fall for.
At para makuha ni Killian ang pamana sa kanya. Kailangan niyang sundin ang gusto ng lola niya– ang makapag-asawa at magsimula ng pamilya kay Josephine.
Pero sa loob ng puso ni Killian, walang puwang para sa pag-ibig. Para sa kanya, isang simpleng transaksyon lang ito, isang kasunduan na walang halong emosyon.
Matutunan kayang mahalin ni Killian si Josephine bilang asawa kung ang turing nito sa dalaga ay isang babaeng bayaran?
Hanggang kailan magtitiis si Josephine sa mga pang-aalipusta sa kanya ni Killian?
Aasa pa rin ba siyang baka isang araw magbago ang turing sa kanya ng asawa? O tatanggapin niya nalang ang annulment para tuluyan na siyang makalaya sa isang kasal na puno ng luha at pagdurusa?
Magsisi kaya si Killian kung paglipas ng ilang taon, makita niya ulit ang dating asawa na mas masaya at lalong gumanda?
Makaramdam kaya siya ng selos kapag nalaman niyang ibang lalaki na ang dahilan ng ngiti ng ex wife niya–na dati'y siya?

