HIDING THE GOVERNOR'S SONUpdated at Dec 10, 2025, 18:50
Desperada si Avianna na maabot ang pangarap niyang maging doctor, pero dahil mahal ang tuition at wala naman siyang sapat na ipon, napilitan siyang maging practical. Ginamit niya ang ganda at alindog niya para mang-akit ng mayayamang lalaki.
Sa isang exclusive bar nakilala niya si Hendrix Montero, isang bilyonaryo pero supladong politiko. Some people admire his discipline, and others are intimidated by it. Pero isang bagay ang malinaw sa lahat ng nakakakilala sa kanya. Wala sa bokabularyo niya ang pag-ibig. Para sa kanya, if feelings didn’t serve a strategic purpose, they were irrelevant.
Pero nang makilala niya si Avianna, nabasag ang disiplina niya. Naakit siya sa taglay nitong ganda at pumayag na maging sugar daddy ng dalaga.
At kung kailan handa na si Avianna na magseryoso, saka naman niya aksidenteng narinig ang sinabi ni Hendrix dahilan para masaktan siya.
Buntis si Avianna, pero hindi niya na sinabi. Nagpunta siya sa ibang bansa at itinago ang anak niya sa ama nitong si Hendrix Montero.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil pagkatapos ng mahabang walong taon... muling nagtagpo ang landas nila sa hindi inaasahan na pagkakataon.
Aminin kaya ni Avianna na may anak sila?
Malaman kaya ni Hendrix ang totoo, na sa walong taon na pagkawala ni Avianna, may anak pala siyang itinago sa kanya?