Josephine, Hindi ko alam kung paano ko nagawang lumabas ng CR ng buhay. Pero as soon as I stepped out, I sprinted down the hallway like my dignity was chasing me. Pagkarating ko sa bar counter, agad kong nilingon ang kinauupuan namin ni Rea, pero wala na siya roon. Nilibot ko ng tingin ang paligid, hoping she was just somewhere nearby—nagse-serve ng alak o baka nasa gilid lang ng bar habang nakikipag-usap sa ibang customer. Pero wala. Not even a glimpse of her jumpsuit and bright red lipstick. “Mark!” tawag ko habang lumapit ako sa counter kung saan umupo kami kanina ni Rea. Pareho silang busy ni Elmo sa pag-serve ng drinks pero napatingin sila sa akin, nang mapansin nila ang itsura ko na parang galing sa running competition. “Uy Jo! Okay ka lang?” tanong ni Elmo habang pinupunasan a

