CHAPTER 47: Shadow “Psst! Ophelia!” There goes my name again. Nagpalinga-linga ako, subalit wala naman akong makitang taong tumatawag sa akin. Lahat ay abala sa kaniya-kaniyang gawain at wala sa modo para magloko pa ngayong ilang oras na kaming nakababad sa initan na siyang rason kung bakit namumula na ang balat ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtatrabaho. We had to finish planting these seeds today dahil katatapos lang ng ani. Naalala ko na naman ang nakita kahapon. Ang plano kong magsumbong kay Madam Afomia ay nabaliwala nang malaman kong isa siya sa mga pasimuno nang gano’ng gawain. Iwinaglit ko na lang ang sa isipan ang nangyari. Like what Madam Afomia said, this is not my place to rule. Here, she is the boss, and my opinion is considered unimportant. Kung wala ako rito, baka paki

