Prologue
"Pag-ibig na hindi matagpuan,
Hintayin na yumabong upang mas maintindihan."
-Edited-
"Really?" Natutuwang tanong ni Fond habang nag di-dinner kami. This is the fourth time na nag date kami and I can say that she's happy to be with. Walang dull moments kapag siya ang kasama. She's also a good listener kaya naman nagkakasundo kaming dalawa. "You're such a cutie!" Compliment niya. Nag kwe-kwento kasi ako tungkol sa high school life namin ni Ella at sa mga kalokohan namin noon.
Speaking of Ella. Sa pag alala ko sa nakaraan ay para bang may mabigat na dumagan sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay may ganito pa rin siyang epekto sa akin. She can makes me feel sad and happy at the same time.
Ella is my best friend. My childhood crush. My first love. Oo, nabilang ako sa mga tao na nain-love sa mga best friends nila. Cliche, is'nt it? After a years of great friendship, of long phone calls, of making fun of each other, of challenging each other to grow, of seeing each other at our worst, of rooting for each other, I realised I was in love with her and scared the crap out of me.
I realised it when we were on our fourth year in highschool. That time, I don't know what to do. I can't admit to her about my feelings. I'm afraid of losing the friendship that I have with the most amazing person I've ever met that I am paralyzed on taking a chance.
At katulad ng mga pulis sa mga Tagalog movies, huli na ako. Bago pa man ako umamin sa nararamdaman ko ay may isang patpatin at iyakin na bata na nagparamdam sa kanya ng mga bagay na dapat ako ang gumawa. Napaka tapang nito para habulin, kulitin at iparamdam kay Ella ang pagmamahal nito. Habang ako ay nasa tabi lang ni Ella at pinagmamasdan siyang mahulog sa iba.
I can't believe I did f*cking survived it. Watch her flirt with someone and not die inside each time. Counsel her through bad dates and not scream, 'Choose me! Ako na lang, Ella!'. Panoorin siyang masaktan dahil sa pag ibig na kung sa akin niya ibinigay ay papalitan ko ng mas higit na pagmamahal.
Napaka duwag ko pero sabi nga nila, it is better to late than never. So I admitted her about my feelings and unfortunately, the feeling's not mutual. She's in love with someone else and it broke me.
Akala ko masakit na 'yung mag mahal ka ng malayo sayo, pero mas masakit pala 'yung mag mahal ng malapit. 'Yung abot-kamay mo na pero hindi mo pa rin mahawakan, hindi pa rin maging iyo. Bagay talaga sa akin ang isang sikat na kanta ng Parokya ni Edgar.
Minsan, hindi ko maintindihan.
Parang ang buhay natin ay napag ti-trip-an.
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
Nine long years of being her best friend is not a joke. Not a joke dahil ang kalahati ng mga taong iyon ay ang mga taon na may romantic feelings na ako sa kanya. But I respect her decision na manatili kaming mag kaibigan. Hindi ko ipinipilit ang nararamdaman ko para sa kanya. Tanggap ko na hanggang best friend lang ang papel ko sa buhay niya. Best friend na palaging nasa likod upang sumuporta at palaging nasa unahan upang mag protekta. Tanggap ko ng hindi sa tabi niya ang pwesto ko at hindi magiging.
Nakakalungkot lang na umalis siya ng wala man lang kaming idea kung saan bansa sila nag punta upang magpagamot. Iniwan niya kaming lahat dito habang nag aalala. Maging sa akin ay hindi man lang niya magawang mangamusta. Sabagay, pinutol nga niya 'yung connection niya sa taong mahal niya, sa akin pa kaya na best friend lang? I don't know kung bakit sa isipin na ito ay hindi na ako nakakaramdam ng lungkot o sakit. Siguro ay tuluyan na talagang nawawala ang romantic feelings ko for her. Iba talaga ang epekto kapag buo mo ng natanggap ang papel mo sa buhay niya.
Deactivated na rin ang lahat ng accounts nila ng pamilya niya and I don't have any idea kung kamusta na ba sila? Kung naging successful ba ang surgery niya? Kung babalik pa ba siya?
But I need to move forward. Unlike Gabb, hindi dapat tumigil ang buhay ko dahil wala si Baba. Sa totoo lang ay naaawa na ako sa kaibigan ko. Araw-araw na lang yata ay naglalasing siya. Umiiyak at palaging hinahanap si Ba sa'twing malalasing siya. Isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit napatunayan ko na unti-unti ng nawawala ang feelings ko kay Baba, dahil kung mahal ko pa talaga siya, siguradong araw-araw akong kasama ni Gabb para mag lasing. Ang isa pang dahilan ay si Frances. Lately ay narararamdaman ko na may nag iba sa akin. Nag iiba ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko naman kung saan ito papunta, kaya hanggat maaari ay pipigilan ko na. Letse talaga 'tong puso ko! Doon pa nagkakagusto sa mga taong malabong magustuhan din ako. Una sa best friend ko. At mukhang ngayon, sa pinsan naman ng best friend ko! Kay Frances na halos nasubaybayan ko ang paglaki. Kay Frances na itinuring kong nakababatang- kapatid. So, tell me, sinong hindi mag frea-freaked out kapag nalaman mong attracted ka sa isang bata na halos apat na taon ang tanda sayo? Sa bata na ipinagkatiwala sayo ng buong pamilya niya? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya niya sa akin? Isa akong bantay-salakay?
That's why I'm here. Trying to divert my attention. I decided to save my heart for someone who I know is going to give me her heart fully in return. At sa tingin ko ay natagpuan ko na ang babaeng tutulong sa akin para tuluyan ng makalimot sa kung anumang nararamdaman ko para kay Frances. Sana ang babae ng nasa harapan ko ngayon ang magsasalba sa puso ko.
Sana siya na nga.
"And you're beautiful, Fond." Balik compliment ko because she's really beautiful. She's the former Miss. E.I.S kaya walang duda na maganda siya. Nakakaakit ang mga mata niya na para bang nangungusap. She's also have a pointed nose and a kissable lips. Mestisa siya dahil meron siyang foreign blood. To sum it all up, I can say that she's almost perfect.
Muli akong napatitig sa mapula niyang labi. Para itong nag aanyaya ng isa na namang halik. You can do it, Gia! Bahagya akong lumapit at napalunok ng makita ang pag pikit niya. Mas lumapit ako para tawirin ang pagitan ng mga mukha namin. Palapit ng palapit hanggang tumunog ang cellphone ko dahilan upang maudlot ang tangka kong pag halik sa kanya. Naman oh! Wrong timing! Letse!
"Uhm sorry, can I take this call?" Nahihiya kong tanong kay Fond na kasalukuyang namumula ang pisngi. Cute!
Tumango lamang siya kaya mabilis akong nag excuse para sagutin ang tawag. It's from Captain Ecka.
"Hello, Captain? Why?!" May himig pagkairita kong tanong.
"Galit na galit gustong manakit?" Natatawa niyang sagot na lalong nag pa init sa ulo ko.
"Panira ka talaga!" Bulyaw ko sa kanya saka muling tumingin sa direksyon ni Fond at alanganin na ngumiti. Narinig yata nito ang pag sigaw ko.
"Uh-oh! Mukhang may naudlot." Pang aasar pa nitong kausap ko. Naririnig ko ang maingay na tugtog sa background niya kaya sigurado akong nasa Synthesis siya, which is bar nila Boss Dana.
"Shut up! What do you need?" Naaasar ko pa rin na tanong saka bahagya pang lumayo upang hindi marinig ni Fond. Baka isipin nitong pala-sigaw at war-freak ako. Baka maturn-off pa ito sa akin dahil sa kagagawan ni Ecka. Lagot talaga siya sa akin pag nagkataon!
"Chill! I have something to tell you." Pasigaw na rin ang boses niya dahil na rin sa ingay sa paligid niya.
"What? Make sure it's worth of my time, Captain." Babala ko sa kanya dahil kapag ito one of her pranks lang, malalagot talaga siya sa akin!
"Yung alaga mo, nandito." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"What?" Nagtatakang tanong ko.
"Frances , the one who you baby sit." Sa pangalan na narinig ay lalong nangunot ang noo ko. Mabilis yata akong tatanda dahil sa matinding stress.
"She's a minor. Hindi siya makakapasok dyan." Nag aalangan kong sagot. Maging ako ay hindi sigurado sa sinabi. Alam ko kung anong kayang gawin ni Frances.
"Hindi pa malabo ang mata ko, Supremo." Himig siguradong sagot niya. Gusto ko na tuloy maniwala dahil pagdating sa babae ay malinaw talaga ang mga mata niya. Lol.
"Are you sure about that?"
"Oo nga. I'll take a picture of her para maniwala ka."
"Okay, send it, asap." Ibinaba ko ang tawag saka muling lumapit sa direksyon ni Fond.
Hindi pa ako nakakaupo ng tumunog ang notification ng cellphone ko.
Kaagad ko itong binuksan at halos lumaki ang mga mata ko sa picture na ni-send ni Captain.
Tinitigan ko pa ito upang masigurado na si Frances nga ito. Sa tindig pa lamang at sa naka messy bun niyang buhok ay nasisigurado kong siya nga ito. Ang ipinagtataka ko lang ay ang suot niya. She's wearing a red fitted crop top, combined with a white jeans and a pair of stiletto. Ibang-iba ito sa high school student na si Frances. She's like a hot chic college girl!
"Hey, Gia? Is there something wrong?" Nag aalalang tanong ni Fond kasabay ng pag upo ko.
"Ahm, Fond..." Nahihiya ko siyang tiningnan. "S-Sorry but I have to go."
"Why?" Kunot-noong tanong niya. Mababakas sa maganda niyang mukha ang disappointment.
"Ecka called. There's an emergency." Pagdadahilan ko.
"Is she okay?" Nag aalalang tanong niya dahil kahit naman may bad image si Ecka sa school ay may mga tao pa rin naman na malapit sa kanya like Fond.
"Yeah, I think so." Napangiwi ako dahil hindi naman si Captain ang inaalala ko kundi si Frances.
"Okay. Drive safely." Nakakaunawa niyang sabi kasabay ng isang ngiti.
"Thank you. I'll make it up to you some other time." Mabuti na lamang at may dala siyang kotse kundi ay wala na akong mukhang ihaharap sa kanya kung mag co-commute pa siya sa pag uwi.
"Promise?" Malambing niyang tanong.
"Promise." Itinaas ko pa ang kanan kong kamay saka walang babala na hinalikan siya sa pisngi bago tuluyang umalis.
Kaagad akong nakarating sa parking lot ng bar at mabilis na pumasok sa loob. Hindi na ako sinita ng dalawang bouncers sa harapan dahil madalas naman ako rito.
Madali kong nakita ang apat na kaibigan dahil nasa usual spot naman sila.
"Ang bilis natin ah." Pang aasar kaagad ni Captain habang hawak ang bote ng alak.
"Gia, the flush." Segunda ni Master Abby na mukhang dito pa yata na trip-an na mag compute ng mga pautang niya.
"Where is she?" Kunot-noo kong tanong.
"There." Turo ni Boss Dana. Napansin ko pa si Gabb na nasa tabi niya. Mukhang marami na itong nainom dahil nakatungo na ito sa table na ino-occupied nila. Hindi ko na naman maiwasan na makaramdam ng awa nang sulyapan ko siya. "I think she's tipsy. Go, get her from those jerks." Utos ni Boss Dana na muling nagpabalik ng atensyon ko kay Frances.
Tumingin ako sa direksyon na itinuro ni Dana. And yes, there she is, dancing like there's no tomorrow. Ang nakakagigil pa ay ang mga lalaking nakapaligid sa kanya. Ang isa pa sa kanila ay nakaakbay na parang pagmamay ari siya nito. Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil ayokong isipin na nagseselos ako dahil lang sa mga bata. Ugh! Calm down, Gia. Calm down.
"To be fair, she's hot. Kung hindi lang ako malalagot kay Engot girl..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa ni Captain. I can't take this!
Kaagad ko siyang pinuntahan and for sure, kahit si Gabb ay hindi maipipinta ang pagmumukha ko.
"Ohh let's be wasted tonight!" Masayang sigaw niya ng makalapit ako sa grupo nila. Hindi niya ako napansin dahil nakatalikod siya sa direksyon ko.
"Go, queen!" Cheer pa ng kasamahan niyang babae na mukhang wasted na rin. Paano ba nakapasok ang mga 'to dito? I need to talk to Boss Dana after this sh*t!
"What the...hey, who are you?!" Hinila ko ang braso niya at walang babala na kinaladkad siya palabas ng bar. "Let go of me you, jer...G-Gia?" Makikita sa mukha niya ang pagkagulat. Matapos ng ilang segundong pagkagulat ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Baliw! Binitawan ko ang braso niya nang tuluyan kaming makalabas sa bar.
"Gia, wait!" Sumunod siya sa akin sa parking lot na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti. Mukhang lasing na talaga siya dahil wala ng poise ang paglalakad niya.
Tumigil ako sa tabi ng sasakyan at kunot-noo siyang hinarap. "Sakay!"
"No. Mico and Karla are waiting inside." Umiral na naman ang katigasan ng ulo niya. Hindi pa ako nasanay! Siguradong pahihirapan muna niya ako bago ko pa siya maiuwi sa kanila. Siguradong kanina pa rin nag aalala si Nanay Melba sa kanya.
"Sasakay ka o ibabalik kita sa mga manyak na kasayaw mo? You choose!" Tiim-bagang kong tanong dahil umiinit na talaga ang ulo ko sa kanya lalo na sa suot niya. Mabuti hindi siya nilalamig sa suot niya. Kaya naman pala minamanyak na siya ng mga lalaki kanina dahil sa revealing niyang suot!
"Fine!" Padabog siyang pumasok at naupo sa shot gun seat. Pumasok na rin ako kasabay ng pag abot ko sa jacket na kahuhubad ko lang. "Wear it."
Walang pag tutol na tinanggap niya ito at isinuot. Mas nag mukha siyang hot chic na kolehiyala dahil sa maong jacket na suot. "Okay, I'm ready for your sermon."
"What the hell are you doing here, Frances?" Seryoso kong tanong habang pinipigil ang nararamdamang inis.
"I'm just having fun, Gia." Balewala niyang sagot kasabay ng paghawak niya sa sentido. Mukhang any minute now ay makakatulog na siya. Ginagawa lang niyang kama si baby Andretti.
"Ate!" Pagtatama ko. "How many times do I have to tell you, call me ate!" Dahil ang salitang 'yan ang pumipigil sa akin para mas magustuhan ka!
"Ayoko! Sister ba kita?" Nakakaloko pa niyang tanong. Bumaling ako sa kanya para bigyan siya ng nakamamatay na tingin. Please, Frances, h'wag mo na akong pahirapan pa! "We're not even related by blood." Na mukhang hindi naman effective dahil nakangisi pa siya sa akin habang may namumungay na mga mata.
"At least show me some respect!" Show me a reasons na magpapabago ng nararamdaman ko para sayo dahil hindi 'to pwede!
"Okay PO. Sige PO."
"Frances!" Tiim-bagang ko siyang tiningnan ng may pagbabanta.
"What?" Maang-maangan niyang tanong. Mukha siyang inosenteng bata. Bata. Note with sarcasm.
"Hindi ka dapat nasa lugar na 'to. Hindi 'to lugar para sa mga bata!" Sermon ko sa kanya.
"Hindi na ako bata!" Nagtaas siya ng boses dahil sa sinabi ko.
"Bata ka pa! You're still a minor!" Pagtataas kong boses para na rin ipaalala ito sa sarili.
"For Pete's sake, Gia! I'm not a kid anymore!" Kitang-kita ko ang pagkairita sa mukha niya.
"Then don't act like one." Madiin ko naman na sagot.
Tumitig siya sa akin kasabay ng pag lapit niya sa pwesto ko. Naaamoy ko na ang vodka honey sa bibig niya senyales na sobrang lapit na niya sa akin. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba.
"I will prove to you that I'm not." Bulong niya na ikina-tuwid ko sa pagkakaupo. Ang pag bulong niya ay nagdala ng kiliti sa buong katawan ko. What the f*ck!
The next thing I knew, she slammed her lips to mine and nearly knocked all wind from my lungs. It's passionate and demanding. I want to pull away before I lose myself but I can't seem to. In this moment, my senses have been seduced and can't no longer think straight.
I admit that I love it. I love the way her body melted into mine. The way our lips fit like two puzzle pieces.
Sh*t! Sh*t! Sh*t! Hindi pwede 'to! Makukulong akoooo!
A.❤