bc

Frantic Young Love (R18)

book_age18+
927
FOLLOW
5.2K
READ
age gap
playboy
goodgirl
bxg
soldier
highschool
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

First love really does hurt but you can grow it old. Kata's first love was Santi but the latter had no idea that he hurt the 12 year old Kata.

And new things happened, will she be able to endure all those? Considering that she hated the facts now, things are complicated and she also grew it old.

Baka pag ipinilit nilang pareho ay pareho rin silang masasaktan?

Kilala bilang mahilig sa babae si Santi at kilala rin si Kata bilang isang masunuring anak. Minsan na nga lang siya umibig ay doon pa sa taong hindi sigurado at alam niyang napakahirap abutin.

Paano kung nagkagusto ito sa isang naging kaibigan? Kakayanin kaya ng bata niyang isipan? Paano kung sinaktan siya nito, without any idea that he'd hurt her, at paglipas ng panahon ay nagkita muli ang dalawa at mukhang si Santi na naman ang maghahabol. Matigas na kasi ang puso ni Kata at talagang sinanay na ang sarili na burahin ang nararamdaman kay Santi.

What things could go wrong and change? If Kata change a lot.

chap-preview
Free preview
1
1 "Mommy, sana huli na 'to." Sabi ko kalaunan. Lumaki akong hindi pumipirmi sa iisang lugar. Sa klasi ng trabaho ni Daddy ay talagang kinailangan naming magpalipat-lipat. Kung saan may malaking proyekto... doon kami. I somewhat understand their reasons... kaya lang nakakapagod na laging ganoon. Ang hirap na kalimutan na lang ang mga iniiwan. "Yes... this will be the last." Ngiti ni Mommy. Hindi ako kumbinsido. The last time she promised me that, anim na buwan lang ay nasa Tagaytay na kami. Kaya nga ang hirap maniwalang ito na ang huli. Gusto ko namang maranasan na manatili ng matagal sa iisang lugar. Na doon pwede akong gumawa ng mga alaala. Pero parang imposible para kay Daddy iyon. I don't understand how my Mom endured all these things. I heard from grandma that my Mom was once a beauty queen but she chose to live her life like this. Sabi pa ni Lola, sobra-sobra raw magmahal si Mommy kaya nagawa nitong kalimutan ang pangarap. Ganoon nga yata talaga. "Kata..." tawag niya habang nilalapag ko sa ibang stool ang mga gamit. "Halika anak... meryenda muna." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Pagkatapos nito ay pwede na akong lumabas para makipagkilala sa mga kapitbahay. Masarap pa ring magkaroon ng mga bagong kaibigan. Saka nakita ko sa labas, bibo ang mga batang naglalaro. Pakiramdam ko madali lang silang pakisamahan. Hindi tulad noong huli na pakiramdam ko kaya lang naman sila nakikipagkaibigan sa akin ay dahil kay Mommy. Maganda naman kasi talaga si Mommy. Namana niya ang namumula at makinis na balat ni Lola... ngunit di rin maipagkakaila kung kanino talaga siya nagmana. Sa Lolo kong Hapon na ewan ko kung nasaan na ngayon. "Umuwi ka ng maaga, Kata... ipagluluto kita ng paborito mo." Tumango ako at nilunok ang pagkain na hindi ko pa masyadong nanguya. Natawa lang naman si Mommy at hinaplos ang buhok ko. Minsan talaga, nas-starstruck pa rin ako kay Mommy kahit Mommy ko naman talaga siya. Maganda talaga si Mommy e... kahit nga mga kaibigan ko noon alam kong may crush din kay Mommy. At bilang anak... masaya akong ganoon ang tingin ng lahat. Mabait pa kung hindi nila alam. Maswerte talaga si Daddy... na sabi nga ni Lola, hindi naman kagwapuhan. Pero alam kong mabait si Daddy kaya nagustuhan ni Mommy. "Sige na, Kata... maglaro ka na." As if dismissing me. Tumango ako, hindi na nagsalita. Sapat na yon para malaman niyang aalis din naman ako. Ala una at nasa ilalim ng sikat ng araw ang mga batang magiging kapitbahay ko. Nanood lang ako sandali bago lumapit sa isang nasa malapit. Napatitig ito sa akin at kalaunan ay ngumiti saka may tinawag na 'Boboy' sa malayo. Dahilan kung bakit nagsilapitan din ang iba. Medyo nahihiya pa akong magsalita ngunit sa huli kinalimutan ko na ring hindi ko nga pala sila kilala. "Kata Reina Bil..." ngiti ko. Humagikhik naman ang nasa tabi at pinisil ang pisngi ko na siyang dahilan kung bakit natawa ako at napaatras. "Maiinitan ka, bata... okay lang?" Tanong noong nilapitan ko. Nakangiti pa rin ako at tumango. Bakit naman hindi? "Anak mayaman ka ba?" Tanong pa no'ng isa. Namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling saka sumilip sa likod kung saan may maliit lang na tarangkahan ang nirerentahan naming bahay. "Diyan kami nakatira... at saka, hindi kami mayaman. Tatay ko yong foreman na tutulong diyan sa pinapatayong Mall." Magalang na sabi ko. Himagikhik na naman ang nasa tabi ko. "O? Gusto mong sumali? Sabi mo okay lang kahit mainitan ka?" Tumango ako at naglahad ng kamay. Humagikhik na naman ang nasa tabi ko. Masyado yatang pormal ang mga ginagawa ko. Kaya nahihiyang binawi ko na lang ang kamay. "Giselle... iyan ang pangalan ko." Sabi ng batang nilapitan ko kanina. "Ilang taon ka na ba, Kata?" "9." May tumango at may humila na rin sa kamay ko paalis doon sa kinatatayuan namin. Ilang minuto lang ay humihingal na akong nakikipaghabulan. Pawis na pawis na rin ako. Okay lang naman ang mabilad paminsan-minsan sa ilalim ng sikat ng araw. Kung ganito naman kasaya, bakit hindi? "Bukas ulit..." sabi ni Joy. Tumango ako at napakamot pa sa sariling braso bago sinabing bukas nga talaga ulit. Pawis na pawis ako... amoy pawis pa. Hindi na mahalaga iyon, ang importante ay nakapagsimula ulit ako ng mga kaibigan. Nakakapagtaka lang na bukas na ang tarangkahan. Siguro nandiyan na rin si Daddy. Maaga yata ang uwi nito hindi tulad noon. Baka nga mabilis lang ang trabaho nila ngayon. Hindi ko yata napansin ang pagdating niya kanina. Okay lang naman... para kahit papa'no kasama naman namin si Daddy sa hapag. Minsan na lang namin nagagawa iyon dahil sa klasi ng trabaho ni Daddy. Gusto ko naman sanang maranasan ulit. "Mommy..." tawag ko. Napabaling si Mommy sa akin... and then I realized she's not alone. Maliban kay Daddy, may isa pang binata itong katabi. Nagtatataka naman ako... sa tingin ko nga, ilang taon ang agwat naming dalawa. Bakit mukhang seryoso ang mga mukha ng mga magulang ko ngayon? May pinag-uusapan ba silang importante na hindi ko dapat marinig? "Kata, anak. Come, lapit ka kay Daddy." Anyaya niya. Hindi naman yata para lang sa kanila iyon. Kasama ako sa pinag-uusapan. Iyon ang sigurado ko noon. Kung hindi, bakit iritado na ako ngayon na hila-hila ni Kuya Josef itong bag ko paalis sa unang palapag?! Hindi niya ba alam na may meeting pa kami at ako ang pinakaimportanteng tao roon? Paanong hindi nakaattend ang Presidente kung alam ng lahat na siya naman itong nagpasimuno ng meeting na yon. "Kuya Josh! Naman e..." iritableng sabi ko pa. Natigil siya sa isang tabi at hinila ang isang braso ko. Para sana ikubli ako sa mga dumadaang nakikiusyuso. Ano ba kasing problema? May nagawa ba ako? "Kaya mo namang e-forge itong pirma ni Pops, di'ba Kata?" Namamawis na tanong niya. Nagtwitch ang labi ko sa narinig. Now, I understand why he's this persistent. "Kuya... no way!" Awkward naman itong patawa-tawa lang habang nilalabas ang mga papeles mula sa sout niyang backpack. "Sige na, Kata... please? Malapit na ang graduation, submission na ng mga requirements. Nauna na ang mga kaibigan ko mula sa kabilang school. Please, Kata? Promise ibibili kita ng kahit anong gusto mo." Mas lalong naningkit ang mga mata ko sa pamimilit niya. Alam niya ba talaga iyang desisyon niya? Paano kapag nalaman nina Daddy? Hindi ko naman intensyon na makinig, pero nitong huling away nilang dalawa... may kinalaman na sa pagsusundalo ni Kuya Josh. "Kata... ayaw mo talaga?" Malungkot na tanong niya at ibinalik sa loob ang mga nilabas na papeles. Konsensya ko pa tuloy! Hindi ko kayang lokohin si Daddy. Lalo naman si Mommy. Alam ng dalawa kung paano ko pinahahalagahan ang mga desisyon nila. But seeing Kuya Josh... the way he threw me his disappointed look? Sige... I'll try na tulungan siya pero hindi sa paraang gusto niya. "Kakausapin ko si Mommy. Siya ang ipapakausap ko kay Daddy. At hindi ko pepekein ang pirma para diyan." Irap ko kunwari. Napangiti tuloy ito at niyakap ako ng mahigpit. Hudyat na rin iyon para balikan ang mga naiwang myembro para sa isang mahalagang meeting. "Kata, I have a question..." taas kamay na agaw pansin ni Giselle. Ngumiti ako at tinaguan siya, "Paano tayo makakalikom ng ganyang halaga? Alam mo naman na kapos tayo sa budget ngayon. At saka, alam mo rin kung saan ginamit ni Ma'am Gertrude ang huling fund." Napaisip talaga ako sa sinabi ni Giselle. Saan nga ba dapat? Matutulungan kaya ako ni Kuya Josh? Alam ko na matutulungan talaga ako noong isa. Siya ang madalas na may raket, siya rin ang madalas na kumita sa aming dalawa. Wala akong alam na raket e... ngunit alam ko rin kung ano ang kapalit. Kaya ko ba? No! Kukumbinsihin ko na lang si Daddy. Makikinig naman ang isang yon. "Ako na ang bahala roon. Balak ko rin namang magfund raising. Pero alam ko hindi rin sapat iyon." Bumuntong hininga tuloy ako at napapaisip na rin sa mga gagawin. "Tutulong kami Ms. President." Sabi ng ilang Senior... Paano ko ba ipapaliwanag kay Daddy? Alam ko na ayaw talaga nitong maging sundalo si Kuya Josef. Kahit ako ayaw din, ano. Ngunit alam ko rin ang kayang gawin ni Kuya Josh para lang masunod ang gusto nito. Matayog ang pangarap noon. Noong una ko siyang makita, noong unang ipinakilala ni Daddy na anak niya nga sa dating ka-live in, ay alam kong mataas talaga ang expectation nito sa buhay. Pakiramdam ko nga siya itong tunay na mayaman talaga. Kaya lang di niya naman sinasabi sa akin kung totoo nga ba ang mga haka-haka ko o hindi. "Anong plano mo?" Tanong ni Giselle habang naglalakad kami pauwi na ngayon sa Street namin. "Iniisip ko si Kuya Josef, alam mo naman na maraming pera iyon. Kaya lang, may kapalit." "Ano?" Naniningkit na baling niya sa akin. Yakap-yakap niya ang mga iuuwing libro. Ako nama'y mahigpit ang pagkakapit sa strap ng cross bag. Paano ko ba sasabihin? "Forge... pepekein ang pirma ni Daddy." Napatapal siya sa sariling noo at mabilis ding kinurot-kurot ang braso ko. "Aray! Ano ka ba naman?" Nakangusong saway ko. "Pumayag ka?! Pumayag ka?" Mabilis naman akong umiling at natatawang tumakbo palayo. Hinabol naman ako noong isa at hinampas ng dala niyang bag. "Akala ko ba matalino ka?!" Iritableng sabi niya pa rin. Humihingal ako noon ng napatitig sa kabila. Nandoon si Kuya Josef at may kausap na ilang kalalakihan. Nakatalikod sa amin ngunit alam ko kung saan nag-aaral ang mga iyan. Mayayaman... at magagarang sapatos. Kausap pa nila iyong Kuya kong hindi maipagkakailang galing sa isang public school. Ang layo naman ng agwat. Plain na puting polo iyong kay Kuya, samantalang may iba't ibang kulay sa manggas noong iba. Pakiwari ko nga may badge pang nakalagay diyan sa tapat ng mga dibdib nila. "Si Kuya Josef." Sabi ni Giselle ng napansin na din sa wakas kung saan ako nakatitig. Hapon na at madalas talagang nasa carwash si Kuya para magtrabaho. Kung minsan nag-aayos din ng sasakyan ang isang yan. Ewan ko nga ba kung bakit todo kayod ito gayong dumoble na ang sweldo ni Daddy mula sa nakalipas na mga taon. Kaya na kaming tustusan ni Daddy. "Oy, Kata..." kaway ni Kuya bago pa man kami nakaalis doon. Nagsilingunan ang mga nakatalikod. And for the first time in my life, doon lang talaga ako nastarstruck sa isang lalaki. Alam ko na maraming kaibigan si Kuya Josef galing sa ibang school. At never... never ko pa yatang nakilala ang isang lalaking naroon at nakatitig lang sa'min ni Giselle. Nakalimutan kong may iba pa nga pala silang kasama roon. Nagpokus na kasi sa isang lalaking ang mga mata ko. Hindi ko alam na may kaibigan siyang... ganito kagwapo. Medyo seryoso nga lang talaga. Mukhang snob. At mukhang nang-iindiyan ng babaeng ka-date. "Nandito ka..." Masarap sanang asarin si Kuya kaya lang masyadong intense ang titigan namin noong lalaki na hindi man lang yata kumukurap habang nakatitig sa amin. Mas matangkad pa siya kesa kay Kuya. May matangkad din naman sa kabila ngunit mas matangkad talaga ito ng ilang pulgada. Mukha siyang hindi highschool o Senior. "Dayo?" Bulong ni Giselle ng kumapit sa braso ko. Hindi ako makasagot, napalunok lang ako at ganoon na lang ang gulat ko ng bumaba ang mga mata ko sa lalamunan niyang marahan ding napalunok. At mas nawindang pa talaga ang buo kong pagkatao ng ngumiti siya. Nakarekober na yata sa pagkakatulala. Napapisil na sa braso ko si Giselle. Tulad ko yata ay mukhang nastarstruck din siya sa nakitang lalaki. Gwapo... mukhang lalaking-lalaki talaga sa likod niyang sout niyang uniporme na tama nga ang hula ko kanina, may kalakip na badge sa tapat ng dibdib. "Anong pangalan mo Miss?" Siya pa itong unang nagtanong. Sinikmura tuloy ako noong narinig ang boses niya. Malalim pero buo. At lalaking-lalaki... "Ka—" "Gis— ah, teka... sino nga pala?" Nahihiyang tanong ng kaibigan ko. Kumabog ang puso ko sa kaba. Mapapahiya ba ako? Sino nga? Sinong Miss? "Ikaw? Anong pangalan mo Miss Gis?" At napahiya na nga ako ng tuluyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unwanted

read
532.5K
bc

The ex-girlfriend

read
145.2K
bc

The Sexiest Man Alive (Completed)

read
63.2K
bc

Twin's Tricks

read
560.4K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
897.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook