Halos hindi ko matitigan sina Mommy na masarap ang kuwentuhan kina Kuya. Aliw na aliw itong binibida ang mga kuwento niya noon. Nakakaengganyo nga rin na makihalo kaya lang sa tuwing sinusubukan ko ay naaalala ko ang ginawa namin ni Santi, lalo na kaninang umaga. Napapatitig din nga siya sa akin ngunit pinanlalakihan ko na lang ng mga mata, para matigil at maalala niyang hindi biro ang mga nangyari. Alas nuebe nang nag-aya si Mommy na bumisita sa Farm Aguis, mas maganda kasi roon... maraming bulaklak at malapit sa dagat kaya maraming floating cottages na pwede namang gawing hainan ng pananghalian. I like the idea too... kung tutuusin, nakakatakot nang mag-isa rito sa bahay. Baka mamaya niyan maisipan ni Santi na magpaiwan at kung saan na naman kami dadalhin ng kalibugan niya. "Couple,

