Nakatulog naman ako kahit na bumabagabag sa akin ang katotohanang niloko ako ni Santi. Gusto ko mang magalit, mapagsabihan ito, ay pagod na pagod na ako para maisipan pa iyon. Itinulog ko na lang iyon, at nagising kinahapunan na pagal pa rin ang katawan sa pagod. Hinanap ko si Santi na hindi ko alam kung nasaan, gusto ko mang kumpirmahin sa pamamagitan ng pagsilip sa kung saan. Sa kung saan man siya nagtatago, o kaya sa banyo ay talagang hindi na kinaya ng katawan ko. Nakatulog ulit ako roon, ngunit makalipas lang ang tatlumpong minuto ay nagulat ako ng naramdamang may yumakap sa akin. Na nalingunan kong si Santi na bahagyang nakaangat ang ulo at sumisilip sa tulog kong anyo. Uminit na naman ang pisngi ko at nahihiyang tumalikod bago pumikit. "Good afternoon, sleepy head. Natutulog ka

