Nakatatlong kurap pa ako bago napagtanto na nasa tabi ko na nga si Santi. I feel so weak now that he's here and just standing beside me. Di ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa ginawa ko noon. Sa dami ng mga nakasaksi at nakiusyuso, siya lang ang tanging naglakas loob na mag-abot sa akin ng tuwalya. Sa dami nang mga nandito, siya lang. At naiiyak ako roon... dahil nababalisa ako rito sa ideyang nasa tabi ko lang siya. Abot na abot. Naaamoy at nakikita. Sa loob ng tatlong taon, siguro ang dami ng nabago. Itong sitwasyon namin at sigurado ang nararamdaman na rin ng isa't isa ay nagbago na rin. And I have confirmed it now. Iyong mukha niya, parang galit na hindi ko mawari. Parang inis na naaawa. Kaawa-awa ba ako? Oo nga yata, sa sitwasyon ko? Sitwasyon ngayon? O dahil mukha akong tang

