Dapat hinahayaan ko na lang si Mommy na mag-ayos tungkol dito sa debut ko ngunit dahil iniisip ko si Santi ay hindi ko rin napigilan na makisali. Napapangiti na lang si Mommy sa tuwing isinisingit ko iyong gusto kong mangyari. Sobrang galak lang siguro kaya ganito ako at hindi mapakali. Katawagan ko pa si Santi sa loob ng mga araw na yon. Confirmed na rin na makakauwi siya noon. Kasama rin si Kuya Josh. Kaya dalawang araw bago ang debut ay napatanong na ako rito... I just have to make sure, mahirap na rin kasi at dalawang araw na lang. And I am not very pleased when he said that he's still at their barrack. Binilang ko ang oras, at hindi talaga sasakto kahit pa nonstop na bus pa ang sakyan nila. "Hindi ka makakahabol," hindi ko na naitago ang tampo. Bumuntong hininga naman ito at nilap

