"Makakauwi naman kayo sa 18th birthday nito, Josef?" Turo ni Mommy sa akin na abala sa kausap. Natigilan tuloy ako sa kakatawa noon at binalingan na lang si Mommy na ngayon nga'y nakatingala kay Kuya Josh... abala rin kasi ang isa at inaayos ang mga gamit sa likod ng sasakyan. "Susubukan Ma, mahirap din naman kasi mangako at ganito ang trabaho namin." I understand! Kaya nilingon ko ulit si Santi na nakangising nakatitig sa akin. Nag-init na naman tuloy ang pisngi ko at binalingan ulit si Mommy na abala pa rin sa habilin nito kay Kuya Josef. Naputol rin kalaunan ang mga kuryusong titig ko roon nang kinalabit na ulit ako ni Santi. Si Daddy kasi hindi na naghintay dahil sa trabaho nito, ang mga kapatid ko ay nasa bakuran lang... naglalaro. Kaya kaming apat ang narito sa labas. At naghihint

