"LEIGH.. gising na. Leigh?"
Nagising ako sa marahang pagtapik ni Tiya Sonia sa balikat ko. Napamulat ako ng mga mata at kinisap-kisap ito gamit ang dalawang kamay.
"Tiya.." Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.
"Mabuti naman at gising ka na. Ayusin mo na ang sarili mo at naghihintay na 'yong susundo sa atin." anya kaya napaayos na ako ng upo.
Subalit, hirap pa rin akong dumilat dahil sa namamaga ang mga mata ko, masakit din. Magdamag ba naman akong umiyak at halos nakatulugan ko na nga ito. Ni hindi ko nga alam kung anong oras na akong nakatulog. Pero, pakiramdam ko ay hindi naman talaga ako natulog. Napakabigat kasi ng ulo ko.
"Leigh?" muling pukaw ni Tiya kaya sinikap ko ng umakto ng maayos at animo'y gising na gising. "Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Nahalata niya ako.
Umiling ako. "Opo. Pero, ayos lang po ako, Tiya.." mabilis ko nang inayos ang sarili ko at pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana. Maliwanag na kung kaya't kitang-kita ko na ang buong paligid. "Anong lugar po ito, Tiya Sonia?" tanong ko habang sinusuklay ang nagulong buhok.
"Nandito na tayo sa terminal ng Alabang, Leigh. Kaya't magdali na tayo at bumaba na. Mainipin 'yong sundo natin." yakag niya sa akin at agad nang nagpatiunang tumayo para kuhanin ang mga bagahe.
Kaya agad-agad na rin akong tumayo para kuhanin din ang mga dala kong bagahe. Bale, dalawang back pack ang dala ko at isang body bag. Mabigat ang isa sa mga iyon ngunit kaya ko namang bitbitin.
Minabuti ko ng sumunod kay Tiya Sonia na nagpatiuna ng naglakad papalabas ng bus. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya dahil baka malingat na naman ako at saka natatakot din akong mawala rito. Bagong salta pa naman ako, mahirap na.
"Sumunod ka sa akin, Leigh, ha? Napakaraming tao rito at baka mahiwalay ka sa akin. Nandoon pa sa parking lot ng mall 'yong sundo natin kaya doon pa tayo pupunta. Tatawid pa tayo doon sa over pass."
Napatingin ako sa tinutukoy ni Tiya na mataas na hagdan at animoy tulay na nakalutang sa hangin. Nalula ako sa taas no'n. "Sige po." tugon ko saka hinawakan ng mahigpit ang mga dala-dala ko at sumabay sa paglalakad kay Tiya Sonia imbes na sumunod.
Dumaan nga kami sa over pass dahil sa kabilang kalsada pa ang parking lot na sinasabi ni Tiya Sonia. Habang nasa itaas ay napapanganga ako sa nakikitang mga gusali na nagtataasan, naglalakihan billboard ng mga sikat na artista at napakarami kaming taong nakakasalubong at nakakasabay. Nang mapatingin ako sa ibaba ay napakararami ding sasakyan paroo't-parito na akala mo'y mga langgam.
Ibang-iba sa nakasanayan kong probinsya. Dito ay halos wala ka ng makitang mga damo at puno.
Tuluyan na kaming pumasok sa parking lot ng mall kung saan daw nakapark ang susundo sa amin.
"Hayon 'yong sasakyan!" Nakita kong lumawak ang ngiti ni Tiya Sonia nang papalapit na kami sa kulay itim na sasakyan na itinuro niya. "Leigh, bilisan mo!"
"Opo."
Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay agad nang bumukas iyon at lumabas ang lalaking nakaitim na jacket at nakatalukbong pa ang hood nito sa ulo.
Nangunot ang noo ko at saka ako natigilan para pagaralan ang kabuuan nito.
Hapit sa balat ang itim nitong pantalon at naka-face mask ding itim. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa naka-sunglass ito kahit wala pa namang araw. Kaya hindi ko rin masyado makita ang kabuuan ng mukha nito. Tanging ang matangos lang nitong ilong ang makikita mo dito. May katangkaran din ito at mukhang nasa 6'2 ang taas. Sa tindig pa nga lang ay masasabi mong isa rin itong modelo.
"Leigh, natulala ka na diyan," pukaw sa 'kin ni Tiya Sonia kaya natinag ako kakasuri sa lalaking hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala. Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Tiya bago ito pumasok sa loob ng sasakyan.
Nahiya ako kaya napayuko ako.
"Give me your luggage too, Miss. Sa compartment ko ilalagay itong mga gamit mo para maging comfortable ang biyahe mo. Do you have any important things here to bring?" anang lalaki na may pagka-husky din ang boses.
Umiling ako. "W-Wala po. N-Nandito na sa body bag ko ang importante." utal ko pang tugon. Mas lalo akong napahiya.
"Give me your bags."
Napaangat ako ng tingin aa kanya at iaabot ko na sana ang dalawang bag nang magdalawang isip ako. Napalunok ako nang makita ko ang mga kamay niya nang ilahad niya iyon para abutin ang mga gamit ko. Napakaputi niya! Sing-puti iyon ng bulak kaya't nahiya akong ibigay ang mga dalahin ko.
"A-Ako na po ang maglalagay sa compartment, S-Sir.. N-Nakakahiya po sa inyo at saka medyo may kabigatan din po ito."
"No, it's okay! Let me do it. Give it to me," agad niya ng kinuha ang bag na bitbit ko at nakasukbit sa likuran ko. Nasundan ko na lamang siya ng tingin habang ipinapasok sa compartment ang mga iyon. "How did you carried those heavy bags?" tanong niya matapos niyang isara ang pinto ng compartment.
Pilit akong ngumiti. "Ahh, sanay po kasi akong magbitbit ng mabibigat, Sir." sa wakas naging maayos na ang pagsasalita ko.
Hindi ko man makita ang mga mata niya ay pakiramdam ko'y nanunuot sa akin ang mga titig niya. Nakakahiya lang dahil alam kong magang-maga pa ang mga mata ko.
"Hmm.. Okay! Come, on," anya at naglakad saka binuksan ang pinto ng passenger seat. "Dito ka na umupo sa unahan."
Ha? Magkatabi kami?
Lihim kong naipilig ang ulo ko at saka nahihiyang tumingin sa lalaki. Medyo nagaalangan akong sumunod. "S-Sir, pwede po ba na doon na lang po ako sa tabi ni Tiya Sonia?" suhestyon ko saka sumilip sa loob ngunit hindi ko makita, napakadilim ng salamin.
Umiling ito. "Sorry, you can't. Dalawa na silang nakaupo sa hulihan, eh. Come on, dito ka na lang. Mas magiging kumportable ka dito," anya at mas nilawakan pa ang pagkakabukas ng dadaanan ko.
Napalunok ako. Kung alam lang niya na mas lalo akong hindi magiging kumportable kapag nakatabi ko siya. Nahihiya ako.
Pero, wala na akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Ngunit, hindi ko maihakbang ng maayos ang mga paa ko. Nanghihina ako dahil sa kabang lumulukob sa dibdib ko.
Mas nakakahiya rin naman kung pagaantayin ko pa siya kaya nagmadali na rin akong pumasok sa loob ng sasakyan at maingat na umupo. Napapalunok pa ako habang yakap-yakap ang body bag ko.
Naramdaman ko na lang ang pagdantay ng kamay ni Tiya Sonia sa balikat ko. "Ayos ka lang diyan?" tanong niya.
"Opo, Tiya." sagot ko.
Gustuhin ko mang lingunin si Tiya Sonia at maging ang katabi nito ay hindi ko na ginawa dahil nakita kong nagmamadaling lumigid papunta sa driver seat ang lalaki. Kaagad siyang pumasok at saka agad na binuhay ang makina.
Deretso akong napatingin sa unahan ngunit nakikita ko sa gilid ng mata ko na sandaling sumulyap ang lalaki sa akin bago pinaandar ng matulin ang sasakyan. Tuloy, hindi ko magawang ikalma ang sarili ko. Mas lalo akong kinakabahan.
Mahaba-habang katahimikan at marahil napansin din iyon ng lalaki kung kaya't pinindot niya ang stereo sa harapan. Doon ay pumailanlang ang isang awitin.
? ᵃʳᵉ ᵗʰᵒˢᵉ ʸᵒᵘʳ ᵉʸᵉˢ
ⁱˢ ᵗʰᵃᵗ ʸᵒᵘʳ ˢᵐⁱˡᵉ
ⁱ'ᵛᵉ ᵇᵉᵉⁿ ˡᵒᵒᵏⁱⁿᵍ ᵃᵗ ʸᵒᵘ ᶠᵒʳᵉᵛᵉʳ
ᵇᵘᵗ ⁱ ⁿᵉᵛᵉʳ ˢᵃʷ ʸᵒᵘ ᵇᵉᶠᵒʳᵉ ?
Sa hindi ko inaasahan ay napatingin sa akin ang lalaki kaya't napalingon din ako sa kanya. Kahit suot pa rin niya ang sunglass ay alam kong sa akin siya nakatingin.
Pagkatapos ay muli ko ng itinuon ang paningin sa labas ng bintana at nakinig sa tugtugin.
? ᶠᵒʳ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ᵗⁱᵐᵉ ⁱ ᵃᵐ ˡᵒᵒᵏⁱⁿᵍ ⁱⁿ ʸᵒᵘʳ ᵉʸᵉˢ
ᶠᵒʳ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ᵗⁱᵐᵉ ⁱ ˢᵉᵉ'ⁱⁿ ʷʰᵒ ʸᵒᵘ ᵃʳᵉ
ⁱ ᶜᵃⁿᵗ ᵇᵉˡⁱᵉᵛᵉ ʰᵒʷ ᵐᵘᶜʰ ⁱ ˢᵉᵉ
ʷʰᵉⁿ ʸᵒᵘ ˡᵒᵒᵏⁱⁿᵍ ᵇᵃᶜᵏ ᵃᵗ ᵐᵉ
ⁿᵒʷ ⁱ ᵘⁿᵈᵉʳˢᵗᵃⁿᵈ ʷʰʸ ˡᵒᵛᵉ ⁱˢ
ˡᵒᵛᵉ ⁱˢ... ᶠᵒʳ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ᵗⁱᵐᵉ ?
Damang-dama ko ang bawat lyrics ng kanta.. Tugmang-tugma iyon kanina habang pareho kaming nakatingin ng lalaki sa isa't-isa. Hindi ko alam pero parang nanunuot ang titig nito sa akin. Ibang-iba..
Nagulat na lang ako ng sinabayan niya ang huling liriko ng kanta.
"Such a long time ago I had given up on finding this emotion.. ever again.. But you're here with me now, yes I've found you somehow and I've never been so sure..." Nagulat na lang ako ng sinabayan niya ang huling liriko ng kanta at saka panaka-nakang napapatingin sa akin.
Napakaganda ng boses niya...
Naguguluhan naman ako sa mga ikinikilos niya. Tuloy ay parang nagra-rambol ang mga lamang loob sa tiyan ko.
"Wow! Napakaganda talaga ng boses mo, Sir Kean! Ngayon ko lang uli narinig ang boses mo!" dinig kong papuri ng babae na marahil ay 'yong katabi ni Tiya Sonia.
"Small thing." anya at nangisi pa.
Kean pala ang pangalan niya.. at Sir Kean ang tawag sa kanya. Ibig sabihin.. isa siya sa mga amo ko? Pero, bakit naman siya ang sumundo sa amin at siyang nagmamaneho ngayon? Wala ba silang driver?
Nakakapagtaka naman..
"Oo nga po Ser Kean.." ani Tiya Sonia. "Bukod ho sa napaka-gwapo niyo na ay napakagaling mo ding kumanta. Di ba, Leigh?"
Lihim akong napangiti at saka tumango. Pagkuwa'y lumingon ako sa likuran. Nakita ko roon si Tiya Sonia na napakalawak ang ngiti at gano'n din ang katabi niya na may kaliitang babae ngunit may pagkamestisa rin. Ngumiti ako sa mga ito. Saka ko ibinalik ang tingin sa harapan ngunit bago pa iyon ay nadaanan ng mga mata ko ang mukha ni Sir Kean na ngiting-ngiti rin.
"Thank you, Manang Sonia and Beverly," nakangiting pasalamat ni Sir Kean.
"Small thing din,Sir! I'm your number one fan! Woohooo!!!" anya Beverly, ayon sa pagkakadinig ko sa pangalan nito.
Natawa na lang si Sir Kean saka bahagyang lumingon sa akin. "How about you, Miss? What can you say about my voice, hmm?"
Nagulat ako kaya mas lalo tuloy akong nahiyang tumingin. "Uh.. Maganda po ang boses niyo, Sir Kean," sabi ko habang ibinabalik sa pagkakaipit ang lumilis na buhok sa harapan ko. Saka ako napabuga.
"Hmm.. Really? Now I believe that I have a nice voice! Tatlo na kayong fan ko, eh!" saka siya natawa.
Di ko rin napigilang mapangiti.
Mukhang masayahin itong si Sir Kean. Napapa-head bang pa siya habang nakikinig ng panibagong kanta na hindi ko na gaanong maintindihan.
Sinasakop na kasi ang utak ko ng samot-saring alalahanin ukol sa umuusbong na pagtingin para rito.
Ngunit, isinantabi ko muna iyon!
Mabait lang siya at marahil wala namang ibig sabihin ang mga ikinikilos niya.
Nagpapasalamat na lang ako dahil ganyan kabait ang pagsisilbihan ko.
Kinakabahan din kasi ako noong una dahil sa isip ko ay baka masasama ang ugali ng mga magiging amo ko. Pero, base naman sa kwento ni Tiya Sonia ay mababait naman talaga ang mga Del Fuego.
"Mukhang masaya po kayo, Sir Kean, ah? Kayo na po ba ni Miss Gale?" dinig kong tanong ni Beverly.
Kung gano'n.. may girlfriend na pala siya...
Napalunok ako dahil parang pinitik ang dibdib ko. Bigla akong nalungkot doon. Napatingin tuloy ako kay Sir Kean na agad namang natigil sa paghi-head bang. Saka niya tiningnan si Beverly sa rearview mirror.
"Don't ask me about her, Beverly.. Alam mo kung ano siya sa akin," seryoso niyang tugon at saka muli ng itinuon ang tingin sa harapan.
"Oppss! Sorry po, Sir Kean.. Pasensiya na powsss," ani Beverly.
"Do you wanna know why I'm happy and acting so weird now, huh?" Maya-maya'y tanong ni Sir Kean. Muling bumalik ang sigla sa boses niya.
Nagtaka naman ako nang tumingin siya sa akin.
"Bakit nga ba, Sir?" balik tanong ng may kakulitan na babae. "Bakit nga ba ang saya-saya niyo magmula pa no'ng umalis tayo sa mansyon hanggang ngayon?"
Natawa muna siya at napailing-iling. "Hmm.. Maybe, because, I finally found my happiness.."
"Huh? Sino po? Kagabi niyo ba na-meet?" may galak sa tanong ni Beverly. Dumukwang pa ito sa gitna namin ni Sir Kean para malinaw nitong marinig ang sagot.
"Secret! Tsk! Go back to your seat, Beverly. Baka masubsob ka pa diyan, eh. Imbes pabalik na tayo sa mansyon ay baka dumiretso pa tayo sa hospital!" natatawang sabi ni Sir Kean.
"Ay! Ang daya naman ni Sir! Di pa kasi sabihin, eh.. Pero, sige! Ayaw ko din naman kay Miss Gale, eh. Ang sama ng ugali no'n! Napakasungit at grabe pa kung makapagutos.. Talo pa niya sina Miss Amirah at Miss Althea, eh."/bubulong-bulong na sambit ni Beverly nang makabalik sa inuupuan.
Tanging halakhak lang ang itinugon ni Sir Kean habang napapailing pa.
"Sus! Ikaw talaga, Beverly! Ang bibig mo, naku! Kaya lagi kang nasasabunutan ni Miss Gale, eh. Dahil tinitira mo din siya patalikod," ani Tiya Sonia at may ininulong pa.
Hindi ko alam kung anong ibinulong ni Tiya kaya biglang natawa ng malakas si Beverly.
"Hahaha! Hay naku, Manang Sonia.. Subukan niya lang galawin.. Mukhang di niya kakayanin ang taong magtatanggol diyan," ani Beverly.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito kaya binalewala ko na lamang. Nanatili akong tahimik at hindi ko inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko magawang ituon ang paningin sa harapan dahil baka mapansin ko na naman ang pasulyap-sulyap ni Sir Kean sa akin. Lalo lang akong nahihiya.
"Nandito na tayo," ani Sir Kean habang minamaniobra ang sasakyan papasok sa napakalaking gate na kusang bumukas.
Sa unahan ay doon ko nakita ang mga nakaunipormeng lalaki na animo'y mga sundalo.
Pagkapasok sa gate ay mahaba pang daan ang dinaanan namin kaya inabala ko muna ang sarili ko sa katitingin sa paligid. Napapaawang na lang ang bibig ko sa nakikita kong tanawin. Napakalaki ng bahay ng mga Del Fuego! Parang palasyo.. Napakaganda ng pagkakagawa ng bahay at mukhang pinakamagagaling na arkitekto at inhenyero ang gumawa nito.
Napapadako rin ang paningin ko sa dinaanan naming garden na punong-puno ng mga nag gagagandahang bulaklak. Ni hindi ko alam ang mga pangalan niyon. Mayroon din silang pine tree na sa pagkakaalam ko ay baguio lang din makikita.
Nahinto ako sa pagmamasid ng mga nadadaanan namin dahil pumasok na sa may kadiliman na parking lot ang sasakyan. Nang huminto ito ay agad ko nang inalis ang seatbelt ko ngunit nahihirapan akong tanggalin ito. Nagkabuhol-buhol ito sa katawan ko kaya hindi ako makaalis.
"Paano 'to?" mahina kong bulong. "Nailagay ko nga kanina pero ngayon..."
"Ako na." Nagulat na lamang ako ng dumukwang si Sir Kean para alisin ang pagkakabuhol ng seatbelt ko.
Napigilan ko tuloy ang hininga ko!
Napapalunok ako habang tinitingnan ng malapitan ang mukha niya na seryosong nakatutok sa pagtatanggal ng seatbelt ko. Nang maramdaman kong nakalas na niya ang seatbelt ay doon ako nakahinga. Subalit, nang umangat siya ng tingin ay muntikan pang dumikit ang mga labi namin!
Mabuti na lang ay matatangos ang mga ilong namin kaya iyon lang ang nagkaumpugan. Gano'n pa man, bulta-bultahing kuryente na ang dumaloy sa katawan ko sa simpleng pagdidikit ng mga ilong namin.
Nagkatitigan tuloy kami.. Doon ko naaninag ang mga mata niya. Pero, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya nagiwas ako ng tingin.
Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ako. Kaagad na akong bumaba at hinanap ng paningin si Tiya Sonia.
Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. Marahil ay pulang pula din ang mukha ko ngayon dahil maging ang katawan ko ay umiinit din.
Lumapit na ako kay Tiya Sonia at agad na kinalma ang sarili. Ayaw kong ipahalata dito na apektado ako sa karisma ng lalaking ngayon ko lamang nakita.
"Halika na, Leigh," yaya sa akin ni Tiya Sonia at hinila na ang braso ko.
"Tiya Sonia, 'yong mga bagahe po natin?"
"Nauna na sa atin. Dinala na ni Rommel."
Napatango ako. "Ah, okay po."
Magkapanabay na kaming pumasok sa pinto kung saan may nakapaskil na Imployees Intrance.
Parang mall lang, ah? Sa isip ko saka lihim na humagikhik.
Sabagay, sa laki ba naman ng bahay na ito na parang singlaki lang din ng mall ay posibleng may ganito dito. Panigurado din na napakadami ng mga tauhan at mga katulong rito..
"Magandang umaga sa inyo! Maupo kayo!" Bati sa amin ng babaeng kasingedad ni Tiya Sonia, nasa singkwenta pa lang. "Diyan muna kayo at kukuha ako ng maiinom niyong kape."
Kaagad naman akong pinaupo ni Tiya Sonia at tumabi na rin siya sa akin.
Ilang sandali pa ay bumalik na ang babae at inabot sa amin ang umuusok pang kape. Agad ko itong tinikman dahil humihilab na rin ang tiyan ko.
"Salamat, Solidad," ani Tiya Sonia.
"Salamat po." sabi ko naman.
"Magpahinga muna kayo diyan at tatawagin ko si Don Armiendo para sabihing nakabalik ka na at kasama ang maganda mong pamangkin," anya at tumingin sa akin at ngumiti. Kaya agad ko din itong ginantihan ng ngiti.
"O, sige. Salamat." tugon ni Tiya.
Ilang minuto pa nang marinig ko na ang mga yabag ng sapatos at tunog ng sandalyas kaya't bigla akong kinabahan. Napaayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim.
"Is she my lost daugther?"