"IS SHE my lost daughter?"
Nadinig kong tanong ng isang babae kaya't agad na kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Napahawak pa ako sa dibdib ko at saka huminga ng malalim.
Daughter? Sino ba ang tinutukoy ng nito?
Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at marahil isa sa mga iyon ang anak niya. Pero, puro nakasuot ng unipormeng pangkatulong ang mga naroon.
Hindi kaya... Naipilig ko bigla ang ulo ko.
Aligaga akong tumayo nang makita kong tumayo sina Tiya Sonia at Aling Solidad at saka humarap sa bagong dating.
"Magandang umaga po, Don Armiendo at Miss Adriana!" sabay-sabay at magalang na bati ng mga naroon.
Ngunit nagulat ako ng kasabay no'n ay magsiyukod ang mga ito ng kani-kanilang ulo kaya't nakigaya na rin ako sa mga ito. Pero may kung anong nagsasabi sa akin na angatin ko na ang ulo ko upang makita ang dalawang matanda.
Napatingin ang mga ito sa akin na may malawak na mga ngiti. Ginantihan ko naman ang mga ito.
Saka na nagsipag-angatan ng ulo ang mga naroon.
Nanatili akong nakatingin sa dalawang matanda kung kaya't nadinig ko ang mahinang bungisngisan ng ilan.
Lihim akong kinalabit ni Tiya Sonia kaya napalingon ako sa kanya.
"Bakit di ka yumukod kanina bilang pag galang, Leigh?" bulong ni Tiya Sonia na ikinakaba ko.
"Yumukod po ako, Tiya. Nauna ko lang pong inangat ang ulo ko. P-Pasensiya na po." sagot ko kaya marahan naman siyang tumango.
"Sa susunod, sasabay ka amin, ha?" anya.
"Opo."
Nakaramdam tuloy ako ng pagkaasiwa at pagkapahiya. Ngunit naramdaman ko naman ang marahang pagdampi ng isang kamay sa balikat ko kaya agad ko itong nilingon. Napalunok ako at saka napatitig sa napakagwapo niyang mukha.
Sino 'to?
"Don't be shy. That's okay." boses ni Sir Kean! Saka niya ako binigyan ng pagkatamis-tamis na ngiti kaya bahagya akong natulala. "Smile. Your beautiful when you're smiling."
Pilit akong napangiti. Hindi ko akalain na napakagwapo niya! Ang mga mata niya.. Para akong matutunaw sa titig niya!
"Ehem!"
"Ehem!"
"Ehem!"
Narinig ko ang mahinang tikhiman sa paligid ko. Napayuko ako para itago ang pamumula ng pisngi ko. Ramdam ko kasi ang pagiinit nito.
"Honey? Is she my lost daughter?" muling tanong ng matandang babae na Miss Adriana ang pangalan kaya't napaangat akong muli para titigan ito. Napangiti ako habang nakikita kong niyugyog nito ang braso ng matandang lalaki na si Don Armiendo na hindi naman mapuknat ang ngiti sa mga labi. "Tell me, Honey! Did you find her already?"
Sumulyap muna sa akin si Don Armiendo bago muling bumaling sa naglalambing na si Miss Adriana. Hinaplos niya ito sa namumula nitong pisngi. "No, honey. She's our new cleaner here." anya at tumingin sa akin. "She's the niece of your Nanny Sonia. However, she can be your nanny if she wants too. I'll double pay her salary, then." nakangiti nitong sabi at muling bumaling sa akin. "What do you think, young lady?"
"Cleaner? Nanny?" sabad na tanong ni Sir Kean. Napatingin naman ito sa akin ng may pagtataka. "But, she's not suitable on that job, Tito. Can I steal her so I can give her an adequate mission to do? Instead of cleaning this huge house?"
Napaawang ang bibig ko. Seryoso ba siya?
Kumibit ng balikat ang Don at matamang tumingin kay Sir Kean. "What adequate mission can you offer her?" Nanunuksong tanong nito.
"Well, you know, so many unoccupied job on my office, Tito." Tugon naman ni Sir Kean. Determinado.
Nanatili namang tahimik ang mga naroon at nakikinig lang. Ngalay na ngalay na ang mga paa ko dahil sa wala yatang balak magsi-upo ang mga ito. Tinitiis ko lang.
"Hmm.. Okay, then. Ask her." Napapailing na lamang na sambit ni Don Armiendo.
Saka naman bumaling si Sir Kean sa akin at hinarap ako. "You want a better job right? I'll hire you immediately. Hindi ka bagay maging katulong dito." tiningnan niya ako mula ulo hanggang—pati yata buko-buko sa paa ko!
Nabigla rin ako sa narinig. Hindi ako makapaniwala.
Hindi raw ako bagay sa pagiging katulong? Eh, ano naman ang ibig niyang sabihin?
Kumukurap-kurap pa ang mga mata ko bago ako nakapagsalita. "Gusto ko po, Sir, sana.. Kaso.. pagiging katulong po talaga ang pinasok ko dito, eh. 'Tsaka, hindi pa po ako nakakapagtapos ng pagaaral kaya wala pa po akong ibang alam na trabaho lalo na po pagdating sa opisina. Kaya, pasensya na po, hindi ko matatanggap. Baka maging pabigat lang po ako sainyo, eh."
Biglang nalungkot ang mukha ni Sir Kean. Maya-maya'y, nakita kong biglaang tumiim ang bagang niya kaya kinabahan ako. Maging sina Don Armiendo at Miss Adriana ay sandali ring natahimik.
Napalunok ako. Gano'n na rin ang lungkot na naramdaman ko. Mukhang dis-appointed sa akin si Sir Kean. Akala niya siguro ay propesyunal na ako. Hindi niya yata alam na mababang uri pa lang ako sa lipunan. Isa lang akong alipin.
Nagulat na lang kami nang biglang pumalakpak ng kung ilang beses si Miss Adriana. "I had a new nanny! I had a new nanny!" tuwang-tuwang sambit nito habang napapayakap pa kay Don Armiendo. "She's my new nanny, right, honey?"
Tumango-tango naman ang Don at dinampian ng halik ang noo ni Miss Adriana. Saka ito bumaling sa akin. "Young lady?" Nagtatanong ang mga mata nito.
Kaagad ko rin namang naintindihan ang paraan ng tingin nito kaya't nakangiti naman akong tumango. "Opo. Ako po ang bago niyong yaya, Miss Adriana."
Sa tuwa ay napatakbo sa akin ang matandang donya at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti ako at maging ang ilang mga naririto. Samantalang seryoso lamang si Tiya Sonia at si Aling Solidad.
Nakapagtataka lang ang ikinikilos ni Miss Adriana. Hindi ito tugma sa edad niya. Masama mang isipin na isip-bata ito o may deperensiya sa pagiisip, ay hindi ko maiwasang pansinin iyon.
Pero, wala namang problema sa akin. Kakayanin ko ang trabahong nakaatang sa akin at kung ganoong dodoblehin pa ang sahod ko ay mas lalo kong pagbubutihan. Naisip ko rin na mas malaki ang maipapadala kong pera kina tatay pag nagkataon.
"Thank you." Nakangiting sambit ni Miss Adriana nang kumalas niya sa akin. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang pisngi. "You know what? You look like my lost baby.."
Nabigla ako sa sinabi niya. Maging ang ibang nakarinig. Tumingin ako sa kanya ng deretso at gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko.
"Honey.. Come on." Lumapit na si Don Armiendo para kunin si Miss Adriana na titig na titig pa rin sa akin. "Pasensya ka na sa kanya, hindi pa kasi umi-epekto 'yong gamot niya." baling naman niya sa akin.
Nagpaalam na ang ibang mga naroon pati na si Aling Solidad na magluluto raw ng almusal kaya kaming lima na lamang nag natira. Si Don Armiendo, Miss Adriana, Tiya Sonia, at si Sir Kean na prenteng nakaupo na sa sofa habang nakapandekwatro pa at nakikinig lang.
"I forgot! Let's have a seat." ani Don Armiendo. Kaya agad na rin kaming tumalima ni Tiya Sonia. Pagkuwa'y ay muli na naman itong tumingin sa akin. "So, what's your name, young lady?" tanong ni Don Armiendo.
Kinabahan ako. Nilakasan ko na lamang ang loob ko. "A-Ako po si Lori Leigh Samañiego." iyon lang ang nasabi ko sapagkat hindi ko kayang salubungin ang titig nito na wari'y kinakabisa ako.
"Lori Leigh..." anya, wari'y may iniisip. Mas lalo akong kinabahan. "Your name sounds familiar.." anya pa.
"Is she?" sabad naman ni Sir Kean habang nakatunghay sa akin. Maayos na ulit ang awra nito.
Marami naman siguro akong kapangalan.. Pero, mukhang importanteng kakilala ang naaalala nitong kapangalan ko.
"Nurse Lori... Nurse Lori..." Bubulong-bulong ni Miss Adriana.
"Oh! Yeah! Yeah! Si Nurse Lori Leigh Sedalgo! Alam mo bang kapangalan mo ang nagpaanak kay Adriana sa pangalawa naming anak?" Nakangiti pang saad ni Don Armiendo.
Tumaas naman ang kilay ni Sir Kean. "Really, Tito?" tila nagkaroon ng interes sa kwento ng Don.
"Yeah." tipid nitong tugon.
"So, where is she now, Tito?" tanong pa ni Sir Kean.
Nakita kong nangunot ang noo ni Don Armiendo. Ngunit ilang saglit lang ay nagkibit-balikat na lamang. "I don't know where she is now. Noong pagkatapos niyang paanakin si Adriana ay agad na ring siyang nawala sa Mental Hospital." paliwanag nito.
Mental Hospital? Ibig sabihin... baliw si Miss Adriana? Pero... baka okay na siya ngayon dahil nakalabas na nga siya sa Mental.. Ngunit base sa ikinikilos nito kapag hindi pa umi-epekto ang gamot, mukhang hindi pa siya totally okay.
Lihim kong naipilig ang ulo ko. Kung anuman ang sakit ni Miss Adriana, kakayanin kong alagaan siya.. Alang-alang sa mga magulang ko.
Nakita kong tahimik nang nakatungo si Sir Kean habang isinusuklay ang mga daliri sa magulo niyang buhok na bagay na bagay sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.
"So, pamangkin mo siyang buo, Sonia?"
Umiling si Tiya. "Hindi po, Don Armiendo. Anak po siya ng pinsan kong si Armando." saka tipid na ngumiti.
"Hmm.. Gano'n ba." Tumango-tango ito saka bumaling sa akin. "Anyway, nasambit mo kanina, hija, na hindi ka pa nakakapagtapos ng pagaaral? Tama ba ang rinig ko?" Maawtoridad nitong tanong.
Tumango ako. "Opo, Don Armiendo." at tipid ding ngumiti.
"I can help you with that. You can study here while working. 'Yon ay kung gusto mong magpatuloy pa sa pagaaral?"
Napaawang na naman ang bibig ko at hindi ako makapaniwala!
"O-Opo! Gusto ko po, Don Armiendo!" Napalakas ang tono ng boses ko dala ng excitement. "Ahh.. Pasensya na po.. Natutuwa lang po ako." Malawak ang ngiting tumingin ako kag Tiya Sonia na nakangiti rin.
"That's normal, baby— I mean, Lori Leigh.. May I call you Leigh?" Kagat-labing tanong niya na ikinalunok ko.
Naging abnormal ang t***k ng puso ko. "O-Oo naman po, Sir.." Hindi ako makatingin ng deretso.
"But, anyway.. Let's talk about your work here, Lori Leigh." napatungo ako at tumingin ng deretso kay Don Armiendo. "Si Sonia na ang magtuturo sa iyo ng mga parte ng lilinisan mo. Lima kayong tagalinis rito at may kanya-kanya kayong pwesto. At kapag naman may bakante kang oras o kaya naman maaga kang natapos sa duty mo, maaari mo ng puntahan sa silid si Adriana upang painumin ng gamot niya. Tulong kayo ni Sonia. Kakayanin mo ba?"
Magalang akong tumango. "Opo. Kaya ko po." maagap kong tugon sabay ngiti.
"Okay. Good." anya saka luminga-linga. "Where's Beverly?"
"Yesss poooo!!! I'm here po, Don Armiendo!" Nakabungisngis na bungad nito at mukhang galing pa sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron. "Hello! Good Morning! Good morning everyone!!!"
Tiningnan naman ito ni don Armiendo ng nakakunot ang noo ngunit agad ding sumeryoso. "Call the staff of Saint Gregor University, tell them I had a new scholar to enrolled in."
"Right away, Chairman! Copy!" Tugon ni Beverly. Sa sobrang pagkapitit niya, gano'n na lang kalakas ang boses niya. "Give me your personal file later, sissy!" anya nang bumaling sa akin.
Nankangiti naman akong tumango. "Oo." saka ako tumingin kay Don Armiendo na nakaakbay sa humihilik ng si Miss Adriana. "Salamat po, Don Armiendo." walang mapaglagyan ang saya ko. "Pagbubutihan ko po ang trabaho ko."
"And, if you have more vacant time, you can visit on my office, Miss Leigh." Hindi ko alam na may kaunting kapilyuhan siyang tinatago.
"Po?" nagulat ako syempre. Bakit niya ako pinipilit sa opisina niya?
"Kean Xander." saway ni Don Armiendo kay Sir Kean na ngiting-ngiti kanina at pagkuwa'y biglang sumeryoso.
"What? I'm serious, you know? I'm not joking here guys. I forgot that my personal assistant is on leave. So, I badly need someone to take care of my personal things." aniya na sa akin pa rin nakatingin.
"Hindi na niya kakayanin iyon, Kean Xander." ani Don Armiendo na umiiling-iling na. "Find another one."
"Twice or trice a week lang ang magiging work niya sa 'kin. What do you think, Miss Leigh?" pangungulit ni Sir Kean, hindi man lang natinag sa pananaway ni Don Armiendo.
Natagalan bago ako nakapagdesisyon. "Sige po, Sir." Inisip ko na lang na makakadagdag pa iyon sa pangangailangan ng nanay ko.
"Alright!" nakabungisngis na sambit ni Sir Kean. Mukhang naka-jack pot sa lotto.
"Don Armiendo, marahil ay ililibot ko po muna si Lori Leigh sa buong mansyon upang huwag siyang maligaw dito at saka ituturo ko na rin po sa kanya ang pwestong paglilinisan niya." sabad naman ni Tiya Sonia.
"O, sige. Pero, sa tingin ko ay hindi mo na rin kakayanin ang libutin ang buong mansyon, Sonia. May kahinaan na 'yang tuhod mo. May rayuma ka na." bahagyang natawa si Don Armiendo kaya natawa na rin kami. Saka ito bumaling sa nakangiti ring si Sir Kean. "Kean Xander..
"Yes, Tito?"
"Aren't you busy?" Tanong ng Don at umiling naman si Sir Kean. "Okay. Ikaw na lang ang aatasan kong ilibot itong si Lori Leigh sa mansyon."
Lumiwanag ang mukha niya at sumulyap sa akin. "Yes, Sir!" sumaludo pa.
Isipbata rin... anang isip ko. Lihim akong napangisi.
"Okay. Sige na at mag-almusal muna kayo at magpahinga. Marahil pagod pa rin kayo sa biyahe niyo." ani Don Armiendo at nauna ng tumayo. Sakto namang nagising si Miss Adriana kaya inaya na niya ito papatalikod sa amin.
Kung kaya't naiwan kaming tatlo nina Tiya Sonia at Sir Kean na pawang mga nakatayo na rin.
"Mauuna na rin po kami, Ser Kean. Magpapahinga lamang muna kami saglit." pagpapaalam ni Tiya Sonia kay Sir Kean na matamang nakatingin sa akin.
"Mauuna na po kami sa inyo, Sir Kean." nangunyapit na ako sa braso ni Tiya.
"Ihatid ko na kayo sa silid niyo." presinta niya.
"Naku, Sir, 'wag na po. Maaabala ka pa po namin. Ihahatid ko na lamang si Leigh sa silid ninyo mamaya po para makapagsimula na kayong libutin ang mansyon." nakangiting saad ni Tiya Sonia.
"Hmm.. Ako na lang ang susundo sa kanya mamaya sa quarters niyo." anya ngunit sa akin pa rin nakatingin.
Nakakailang tuloy.
Tsk! Ano ba 'tong pakiramdam kong 'to! Hindi ko maipaliwanag..
"Kung gano'n, sige ho, Ser. Mauna na po kami." ani Tiya Sonia at hinila na ako papalayo kay Sir Kean.
Tumungo kami sa napakalaking kusina at doon mabilisang kumain ng almusal. Marami pang naging usapan ngunit hindi naman ako masyadong maka-relate sa usapan ng mga nandodoon.
Pagkatapos kumain, marami pang pasikot-sikot kaming dinaanan bago namin narating ang Servant's Quarter o silid ng mga katulong. Pagkapasok namin ay agad kaming sumalampak ng upo ni Tiya Sonia sa malambot na kutson.
Nilibot ko ang paningin sa buong quarters. May kalakihan ito at purong puti ang pintura ng silid. May sampong kama at may isang parehabang mesa sa may dulo. Malamig din dahil nakabukas pa ang aircon. May nakita akong air cooler sa itaas na bahagi ng pintuan. Marahil nakalimutang i-off ng huling lumabas na katulong.
"Napapansin ko ang panaka-nakang tingin ni Ser Kean sa 'yo Leigh." Hayon na naman si Tiya Sonia sa pagoobserba niya. Kasalukuyan siyang nagpapalit ng damit.
Maging ako ay napapansin din iyon.
"Mukhang tinamaan ng pana ni kupido ang isang 'yon, Leigh, ha? Sa tingin mo?" nangingising kantyaw niya.
Agad akong pinamulahan ng mukha. "H-Hindi naman po siguro, Tiya. Mayaman po iyon at imposibleng magkagusto sa akin ang katulad no'n." napapailing kong tugon at saka naghalungkat na rin sa bag ko ng pamalit.
"Hindi imposible iyon, Leigh. Ramdam ko. Simula nong sunduin niya tayo hanggang papunta rito ay napapansin ko ang pasulyap-pasulyap niya sa 'yo. Hindi iyan ganyan sa iba, Leigh. Kahit pa doon kay Miss Gale, hindi siya ganyan.. sa 'yo lang." anya habang nakahiga at nakapikit na.
Lihim akong nangiti pero hindi ko ipinahalata iyon. Nagpatuloy ako sa pagbibihis.
"Mukhang na love at first sight sayo si Ser Kean." Paos niya nang sabi..
"Naku.. Trabaho po ang ipinunta ko rito, Tiya Sonia.. Ayaw ko po munang isipin 'yan. Magulang ko muna ang uunahin ko. At ang nasa isip ko ngayon ay kung kamusta na ngayon si tatay at nanay? Kumusta kaya 'yong unang araw na hindi nila ako kasama. Kung kumain na ba sila? Kung nakainom na ba sila ng gamot? At kung malungkot pa rin ba sila? Kasi ako, nalulungkot pa po ako, Tiya.. Pero, kung si Sir Kean man ang isa sa makapagaalis ng lungkot ko rito... hahayaan ko siyang mapalapit sa akin. Okay lang naman. Pwede naman kaming maging magkaibigan." mahaba kong pahayag ngunit nang bumaling ako kay Tiya ay humihilik na ito.
"Magka-ibigan..." napatalon pa ako nang bigla itong magsalita at saka muli na namang humilik.
"Si Tiya talaga..." mahina kong sabi.
Napangisi na lamang ako habang napapailing at saka tinungo na rin ang bakanteng kama na katabi lamang ng kama ni Tiya Sonia. Pagod na rin akong humiga.
Ilang minuto pa akong binubulabog ng mga nangyari bago ako nakatulog ng mahimbing...