CHAPTER FOUR

3013 Words
"COME here! Just sit beside me, Miss Leigh. Don't be shy," aya sa akin ni Sir Kean nang maupo ako sa upuan na malayo sa kanya. "S-Sige po." Nahihiya man ay lumapit na lamang ako sa kanya. "Salamat po," sabi ko matapos niyang pagpagan ang silyang uupuan ko na nasa katabi niya. "You're welcome. Anyway, hindi kasi tayo magkakarinigan kung napakalayo ng agwat natin." "Pasensya na po, Sir." Tipid ko siyang nginitian bago ako bumaling sa ibang dereksyon. Nilulukob din kasi ako ng pagkailang kapag nakikita ko siyang titig na titig sa 'kin. "You don't have to say sorry, Leigh." Dinig kong sambit niya kaya muli ko siyang nilingon at tinanguan na lamang. Kanina pa kaming naglilibot sa mansyon. Halos dalawang oras na yata mula no'ng sunduin niya ako sa quarter namin. Nakakahiya nga din dahil pinaghintay ko pa siya kanina ng ilang minuto. Napasarap din kasi 'yong tulog ko. Natagalan pa ako sa pagbihis. Mabuti at hindi naman siya nainip kahihintay sa 'kin kanina. Itinuro niya sa akin ang mga kwarto na paglilinisan ko sa araw-araw. Bale lima iyon. Nakakatuwa din dahil may kanya-kanyang pangalan ang bawat pinto ng kwarto kaya't alam ko kung sino ang nagmamayari no'n. At isa rin sa paglilinisan ko ay ang kwarto ni Sir Kean. "Did you like the view?" Napukaw ako sa tanong niya. Kaya naman ay sandali akong lumingon at nakangiting tumango sa kanya. "Isn't nice in here?" "Opo, Sir. Napakaganda po ng view dito. Napakasarap ng simoy ng hangin," tugon ko at sandali kong ipinikit ang mga mata ko para samyuhin ang hangin na yumayakap sa 'kin. Muli pa akong tumayo at idinipa ang dalawang kamay ko. Nasa rooftop kami sa ngayon. Bale nasa limang palapag ang mansyon at talagang napakalaki. Niyaya niya ako rito sa itaas para raw makalanghap kami ng sariwang hangin matapos naming mapagod sa paglilibot sa napakalawak na mansyon. "I always here whenever I need some fresh air to breathe. It's so relaxing here, right?" Nagulat ako dahil naramdaman ko ang init ng katawan niya. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko na nasa tabi ko na siya at nakadipa rin ang mga braso. Ang isang braso niya ay halos nasa likuran ko na. "Right?" Nakangiti niyang tanong. Napapalunok akong tumango. "O-Opo." Kinakabahan ako sa pagkakalapit ng mga katawan namin. "Let's stay here for a while. Nagpadala ako ng snacks para may makain tayo while we're taking some rest and enjoying the view in here." Lihim akong napapangiwi habang tumatango.. Muli akong pumikit at sinamyo ang hangin. "S-Sige po," medyo late ko ng tugon. Bakit kailangan pa naming kumain dito na kaming dalawa lang? Tuloy, lalo akong nakakaramdam ng pagkailang sa kanya. "You know what? You look alike with Althea.." Sabi niya na ikinagulat ko. Naimulat kong muli ang mga mata at napatingin ako sa kanya. Saka ko lang napansing titig na titig pala siya sa 'kin. "Do you know that?" "Hindi ko po alam, Sir. Hindi ko pa po kasi nakikita si Miss Althea, eh," kinakagat ko ang labi ko na huwag akong mautal. Naaapektuhan kasi ako ng mga titig niya. "Hmm.. Oo nga pala. Mamayang gabi makikita mo 'yon. Maaga kasi siyang pumasok sa opisina. She's very workaholic just like Tito Armiendo." "Gano'n po ba.." Tumatango-tango kong tugon. "Yup! She looks like an angel... Just like you," anya sa paos na boses. Pakiramdam ko ay biglang namula ang mga pisngi ko sa papuri niya sa hitsura ko. "S-Salamat po, S-Sir," kagat-labi kong pasalamat. Hindi ko akalain na may iba pang lalaki ang makaka-appreciate ng hitsura ko. Akala ko ay si Jake Laurence lang. "You look so fragile and very innocent just like Althea. But, I can sense that you are a strong and brave woman just like Amirah." Wala akong masabi kaya ngiti lamang ang naisukli ko sa mga sinabi niya. "Anyway, may I know why did you choose to work for this kind of job? I mean.." "Kung bakit ko po ba ginustong mamasukan bilang tagalinis?" Patuloy ko sa nais niyang sabihin. Tumango siya. "Yeah.. I just want to know why. Well, nasabi mo na rin naman na kanina kay Tito ang dahilan mo pero sigurado akong may iba ka pang mabigat na dahilan kung bakit ganito ring kabigat na trabaho ang pinasukan mo," napakaseryoso ng hitsura niya ng sabihin niya iyon. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot. Bigla kong naalala sina tatay at nanay. Napabuntong hininga ako ng malalim para sikilin ang nararamdamang lungkot sa dibdib ko. "I'm sorry.. You don't have to answer me if it is hard to let out," nagaalala niyang paumanhin. Umiling ako. "Okay lang po. A-Ano kasi.. Kailangan ko po kasi ng malaking pera para maoperahan ang nanay ko. May sakit kasi siya sa kidney at kailangan na po 'yong gamutin. A-Ayaw ko po'ng mawala ng maaga ang nanay ko." Napayuko ako para itago ang pagtakas ng ilang butil ng luha sa mga mata ko. Napakagat na naman ako ng labi at saka ko niyakap ang sarili. Para akong biglang nanlamig. "I'm sorry to hear that.." Nagulat ako nang biglang dumapo sa likod ko ang mainit niyang palad at marahan niya akong hinagod para pakalmahin. Kaagad ding napalitan ang lungkot ko ng kaba. Animoy hinahabol ako ng malalaking sawa! Napakainit ng palad niya at talagang naku-comfort niya ako. Naipikit ko pa ang mga mata ko dahil sa ibang pakiramdam na dulot ng haplos niya. Maya-maya'y huminto siya at pinakatitigan ako sa mga mata ng iangat ko ang mukha ko. Ngunit, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig niya. "Ahm.. Wala naman po sa akin kung mabigat o mahirap man ang trabahong papasukan ko.. Ang mahalaga po sa 'kin ngayon ay ang makapagipon ng pera. 'Tsaka, panahon na rin po para ako naman ang magsakripisyo para sa kanila.." "Your family are very lucky to have you. You're so kind, Leigh." Sandali kong kinalma ang pagdadagungdong ng dibdib ko at saka ko siya tipid na nginitian. "So many blessings are coming with you, just claim it," anya sa medyo paos na boses. "Salamat po, Sir." Ngayon pa lang ay sadyang masuwerte na ako dahil sa napapalibutan ako ng mga mababait na tao katulad nila. Nakangiti akong tumingin sa kanya bago ko ibinaling sa magagandang tanawin ang paningin. Pareho na kaming nakamasid sa tanawin habang nakaplaster ang ngiti sa mga labi namin. Hindi na rin kami bumalik sa pagkakaupo. Ngunit, maya-maya lamang ay pareho kaming nagulantang sa biglaang kalabog sa likuran namin. Napalingon kaming dalawa at nakita ko ang napakagandang babae na ngayo'y nasa may pintuan na salamin habang nakatingin sa amin ni Sir Kean. Nakita kong napailing si Sir Kean nang mapadako ang paningin niya sa pagkain na nagkalat sa may paanan ng babae. Dali-dali akong lumapit dito at sinimulang ligpitin ang mga nahulog na pagkain. "A-Akin na po ang tray, Miss." Kinuha ko ang tray sa pagkakahawak ng naestatwang babae ngunit nagulat ako nang pabalya nitong iabot sa akin ang tray at kamuntikan na akong tamaan. Mabuti na lang ay agad kong naiiwas ang mukha ko. Subalit, katawan ko naman ngayon ang nahihirapan sapagkat isang maling galaw ko lang ay siguradong matutumba ako at mauupuan ko ang mga nabasag na baso. Pero, nabigla ako ng may mga kamay na pumulupot sa beywang ko at itinayo ako. Kinakabahan akong lumingon at doo'y nakita ko ang nakasalubong na kilay ni Sir Kean! Kaagad niyang kinuha ang tray sa kamay ko at ipinatong niya iyon sa pabilog na mesa habang nakaalalay pa rin siya sa likuran ko. Napalunok ako at mas lalo akong kinabahan. "What's the meaning of this, Kean Xander?" Pagalit na tanong ng babae habang nakatingin kay Sir Kean. Saka lumipat ang tingin nito sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. "What are you waiting for? Just clean the mess!" "P-Po? S-Sige po—" nagulat ako nang kinabig ako ni Sir Kean at pinaupo sa upuan. "Stay there. Don't mind her, okay?" nakangiti niyang utos sa akin na ikinangiwi ko. Tumango na lamang ako at pasimple kong tiningnan ang babae. "What are you doing here, Gale?" Dinig kong tanong niya sa babae na tinawag niyang Gale. So, siya pala 'yong pinaguusapan nila kanina sa kotse. Matalim akong tinitigan ni Miss Gale bago niya inilipat ang paningin kay Sir Kean at biglang nagbago ang aura nito. Lumambot ang mukha nito at ngumiti ng ubod tamis. "I miss you, that's why I'm here, my gosh! Aren't you happy that I'm here, sweet?" Nagulat na lamang ako nang lumapit ito kay Sir Kean at bigla nitong halikan sa labi! Naibaling ko ang paningin sa iba. Para akong tinusok ng karayom sa nakita. At nakakainis lang dahil sa harapan ko pa nila ginawa iyon. Ngunit may kung anong nagsasabi sa akin na muli silang tignan kaya iyon ang sinunod ko. Nakita kong mahinang itinulak ni Sir Kean si Miss Gale kaya't hindi nagtagal ang halikan nila. Biglang hinila ni Sir Kean si Miss Gale palayo. Napayuko ako at muling ibinaling sa ibang tanawin ang atensyon. Ginawa ko ay mabilis kong nilinis ang mga kalat. Mabuti na lang din at walang gaanong bubog doon. Matapos ay bumalik ako sa upuan at hinintay pa ng ilang minuto si Sir Kean. Para naman akong praning kakaisip kung ano ba ang ginagawa nila ngayon. Nagaaway ba sila ngayon o ano? Baka doon nila pinagpatuloy ang paghahalikan nila. Kaso, ano naman ang karapatan kong manghimasok sa kanila? Katulong lang naman ako dito. At.. Sino ba ako? Maya-maya lamang ay bumalik si Sir Kean na hindi na kasama si Miss Gale. Hindi ko alam kung nasaan na ang babae dahil wala na ito sa rooftop nang luminga-linga ako. Mukhang wala sa mood at wala ng mababakas na anumang emosyon sa mukha ni Sir Kean nang maupo siya sa kaharap kong upuan. Pagkuwa'y tiningnan niya ako na para bang humihingi siya ng kapatawaran. Hindi ko maintindihan kung bakit. Tipid ko siyang nginitian bago ako yumuko. "Why did you clean the mess? It is her fault. Siya dapat ang naglinis no'n, not you." Nagangat ako ng paningin sa kanya at nakita kong madilim ang mukha niya habang nakatingin sa may pintuan. "Ahm.. Ayos lang po 'yon, Sir. Total trabaho ko naman po ang maglinis, eh. 'Wag na po kayong magalit." Buntong-hininga lang ang itinugon niya sa 'kin. Siguro nga ay nagaway sila kanina.. Pareho kaming walang imik hanggang sa magyaya na siyang bumalik kami sa ibaba. Hindi ko malaman kung bakit nakatingin lamang siya sa 'kin habang binabaybay namin ang daan papuntang hagdan at parang hinihintay niya rin akong maunang magsalita. Kung kaya't ginawa ko na iyon. "Thank you po, Sir Kean," paunang sabi ko at nangunot naman ang noo niya. "For what?" "Ahm.. Sa pagtu-tour mo po sa 'kin dito sa mansyon. Medyo nalilito pa ako sa mga pasikot-sikot pero alam ko po'ng sa una lamang iyon." "Oh, okay. Yeah.. Makakabisado mo rin dito. And, nandiyan naman si Manang Sonia. She will guide you too." Tugon niya. Tumango na lamang ako. "Be careful." Sabi niya sa 'kin nang magpatiuna na ako sa pagbaba sa hagdan. Lihim na lang akong nangiti. Pero, naiilang ako habang nauuna sa pagbaba. Pakiramdam ko ay na sa akin ang paningin niya. Bumibilis na naman tuloy ang pintig ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakadikit sa akin ang katawan niya dahil nararamdaman ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. Inihinga ko na lamang ito ng malalim. Halos sampong minuto bago kami nakarating sa ground floor. Hinarap ko na si Sir Kean bago pa man kami makarating ng servant's quarter. "Ahm.. Sir, 'wag niyo na po akong ihatid sa quarter namin. Malaking abala na po iyon sayo. Salamat po ulit sa pagsama sa 'kin." Nakangiti kong saad. Nakapamulsa siyang tumingin sa akin. "Its okay. Don't mind it. So, ayaw mo ba talaga na ihatid kita?" Seryosong tanong niya. Tumango ako. "Opo, Sir. Nakakahiya na po kasi sainyo." "Its my duty. Utos ni Tito Armiendo na samahan ka, right?" "Ahm.. Oo nga po kaso kalabisan na po na hanggang sa quarter namin ay ihahatid niyo pa po ako. Nakakahiya naman po sainyo, eh. Okay na po ako dito, Sir. Alam ko na po ang papuntang quarter namin. Salamat po ulit." Nginitian ko siya ng ubod tamis na ikinatitig niya ng matagal sa 'kin. Maya-maya'y kumibit siya ng balikat. "Okay.. Sige. So, I'll call you whenever I need your service on my office okay? I have your number already." Sabi niya at ipinakita sa akin ang phone niya. Nangunot ang noo ko. Nagtataka naman ako kung papaano niyang nakuha ang number ko. Pero, ikinibit ko na lang din ng balikat iyon. Walang imposible sa mga ito. "Sige po, Sir. Thank you po ulit." "You're welcome. I'll go ahead." saka na niya ako tinalikuran. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at binaybay ko ang daan patungong servant's quarter. Subalit, bago ako makarating doon ay madadaanan ko pa ang malawak na kusina. Sigurado akong sa mga oras na ito ay abala na ang lahat ng mga katulong dahil malapit ng mananghalian ang mga amo. Nakayuko ako habang nagmadali sa paglalakad kung kaya't hindi ko napansin ang taong makakasalubong. Walang ano-ano'y bigla akong bumangga rito at kamuntikan na akong matumba kung hindi lang ako nakakapit sa malaking poste. Nasaktan ako ngunit mas inisip ko ang taong nabangga ko at mabilis ko iyong nilingon. Nang makita ko nabangga ko ay laking takot ko nang makitang si Miss Gale iyon! Namimilipit siya sa sakit habang nakahandusay sa sahig! "Miss Gale?! S-Sorry po!" Dali-dali ko siyang dinaluhan at inalalayang makatayo ngunit marahas niyang tinabig ang kamay ko kaya't kamuntikan na naman akong mabuwal. Nakita ko siyang tumayo at nanggagalaiting lumapit sa akin at malakas niya akong itinulak. "Why did you bumped me?! How dare you!!" Sigaw niya habang dinuduro ako. "M-Miss Gale.. S-Sorry po.. H-Hindi ko po s-sinasadya. P-Pasensya na." Utal-utal kong sambit dahil sa panginginig ng bibig ko. Dahan-dagan akong tumayo habang sapo-sapo ang balakang ko dahil pagkakabagsak ko. "You mean it! Sinadya mo! Tonta ka!! Kebago-bago mo pa lang, ang lakas na ng loob mong banggain ako?!" Galit na galit niyang sigaw sa mismong mukha ko. "P-Pasensya na po talaga.. H-Hindi ko po kayo napansin." Pinanggigiliran na ako ng luha. "Ang sabihin mo, tanga ka lang! Umalis ka nga diyan sa daraanan ko!" Anya at itinulak akong muli kaya't napasubsob ako sa malapit sa may lalagyan ng mga basurahan. "Diyan! Bagay na bagay ka diyan! Hampaslupa! 'Wag na 'wag ko ng makikita na dumidikit ka kay Kean.. Or else, I will dump you out of this place!" Pagbabanta niya sa 'kin bago niya ako tinalikuran. Nanginginig ako habang dahan-dahan uling tumayo. Ayaw niya akong makitang kasama si Sir Kean? Bakit naman kaya.. Natatakot din akong baka isumbong ako nito kina Don Armiendo dahil dito. Ayaw kong mawala sa akin ang trabahong ito at ang ibinigay sa akin na oportunidad para makabalik sa pagaaral. Kahit pa nasaktan ay pilit kong kinalma ang sarili ko at binalewala na lamang ang nangyari. Ngunit, hindi ko naman hahayaan na umabot pa sa sukdulan ang gagawin nito sa akin. Kailangan ko munang magtimpi at balewalain ang ginawa nito. Sabagay, kasalanan ko rin naman dahil binangga ko ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita ni isa mang tauhan o katulong. Ni wala man lang nakarinig sa amin. Pagkarating ko sa servant's quarter ay sandali akong namahinga sa kama ko at kinalma ang sarili. Ilang minuto ay agad kong kinuha ang phone ko na nakasilid sa bag. Mabilis kong idinayal ang numero ni tatay Armando. "Hello, anak?" tugon ni tatay sa kabilang linya. "H-Hello, 'tay? K-Kumusta po kayo diyan?" Garalgal kong tanong. Nagsisimula na namang bumikig ang lalamunan ko. "N-Namimiss ko na po kayo ni nanay.." "Anak, namimiss ka na rin namin. Pero, kailangan muna nating pagtiisan. At 'wag kang masyadong magalala, maayos naman ang kalagayan namin dito. Nakakainom kami ng nanay mo ng gamot kaya pareho kaming malakas ngayon. Ikaw? Kamusta ka diyan?" Gusto ko sanang isumbong ang nangyari kanina ngunit mas pinili ko na lang na 'wag itong sabihin. Baka makasama lang ito sa kanila. "O-Okay lang din po ako dito, 'tay. Mababait po ang mga amo ko. At alam niyo po ba, tutulungan din po nila akong makapagtapos ng pagaaral ko.. Mataas din po ang magiging sahod ko kaya't mapapaopera po kaagad natin si nanay," nangingiyak kong kwento. "Gano'n ba, 'nak? Salamat sa Diyos dahil nakatagpo ka ng mga among ganyan. Magpakabait ka rin diyan lalo, ha? 'Tsaka, ingatan mo ang sarili mo. Kung sakali mang may mangaapi sayo, labanan mo. Huwag kang papaapi, 'nak." Isa sa mga paalala niya na hindi ko nagawa kanina. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. "Opo, 'tay. 'Wag din po kayong magalala sa 'kin." "Sige na, anak, at kami'y manananghalian muna. Kumain ka na rin diyan. Huwag kang pagugutom." "Opo. Ingat po kayo diyan, ha?" "Oo. Sige na, anak. Bye." Anito at pinutol na ang linya. Muli akong napabuntong hininga. Mabilis ko ng isinilid ang phone sa bag ko at saka ako bumangon para tumungo sa cabinet ko. Nagpalit ako ng damit at pagkatapos ay muli akong humiga sa kama. Nakakaramdam na ako ng gutom ngunit pinagsabihan ako ni Tiya Sonia na dumito lang muna ako sa quarter namin pagtapos na kami ni Sir Kean sa paglilibot. Gusto ko na sanang tumulong sa kusina ngunit baka mapagalitan naman ako kung susuway ako. Bumangon akong muli at tinungo ang may kalumaan na ring tukador. Malinaw pa rin naman ang salamin kaya't kitang-kita ko ang repleksyon ko. Sinipat ko ang sarili ko. May nararamdaman akong masakit sa may likod ng braso ko kaya't tiningnan ko iyon. Nagulat ako dahil nagkaroon ng pasa iyon! Nang mapadako ang paningin ko sa leeg ko ay gano'n na lang ang kaba ko dahil wala na roon ang kuwintas ko! Dali-dali akong lumabas ng quarter at pinuntahan ang lugar kung saan kami nagkabanggaan ni Miss Gale. "Nasaan na 'yon..." Mangiyak-ngiyak kong sambit habang tinitingnan ang bawat sulok ng pasilyo. Kabilin-bilinan pa naman sa akin ni Tatay na huwag kong wawalain ang kuwintas na iyon. Parte daw iyon ng pagkatao ko! "Are you looking for this?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD