"ARE YOU looking for this?"
Gulat akong napatayo at napalingon nang may magsalita sa likuran ko. At nang mapagsino ang kaharap ko ay kusang napaawang ang mga labi ko. "L-Laurence??" Naikurap-kurap ko pa ang mga mata ko para siguruhing siya nga ang nakikita ko.
Nag-smirk siya bago pa nagawang lumapit sa akin at saka inabot ang kuwintas na hinahanap ko. "Yeah! Your prince charming, young lady!" Kumindat pa siya sa akin matapos na mailagay sa kamay ko ang kuwintas.
"B-Bakit ka nandito?" Takang tanong ko. Di kasi ako makapaniwala na dito rin siya pupunta.
Sumeryoso siya saka luminga-linga sa harap at likod ng hallway. "Because, I just want to be with the girl that I dreamt for a long time." Muling sumilay ang ngiti niya pagkabigkas niya no'n.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit nangilabot ako sa sinabi niyang iyon.
"By the way, what are you doing here also?" Tanong niya at pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa ko.
Napabuntong-hininga ako bago ko nagawang magsalita. "Dito ako magtatrabaho," sagot ko.
Tumaas ang kilay niya, nagtataka. "You are going to work here? Really?" Di siya makapaniwala.
Tumango-tango ako bilang tugon.
"What kind of work? Personal assistant? Secretary? Clerk?" Nakangunot-noong tanong niya.
"Katulong," deretsahan kong sabi.
Naningkit bigla ang mga mata niya. Sinusuri kung tama ba ang nadinig niya mula sa akin. "Maid? Are you kidding me? Hindi ka bagay na maging maid here, Leigh! You're so beautiful!" Tumaas pa nga ang boses niya.
Napangiwi ako. "Iyon naman talaga ang papasukan ko rito, Laurence. 'Yon ang totoo. Hindi ko kailangang magsinungaling sa'yo at hindi ako marunong magbiro," seryosong sabi ko.
"But why?" Nakasimangot na siya. "Hindi bagay for you, eh."
"Ayos lang naman sa 'kin 'to. Mas malaki kasi ang in-offer na sahod sa akin at marami pa akong benefits na makukuha kaysa do'n sa dating trabaho ko. Mas matutulungan ko pa ang parents ko."
Lumaylay ang mga balikat niya. "You know what? Sana sinabi mo sa 'kin. Kinuha na lang sana kitang assistant ko at dodoblehin ko pa ang sahod na in-offer sa 'yo ni Tito Armiendo."
"Tito mo si Don Armiendo?"
Umiling-iling siya. "Not really. I used to call him " tito" coz my dad is one of the investors of Del Fuego Realty," pagpapaliwanag niya.
"Ahh.." Tumango-tango ako. Hindi naman lingid sa akin na mayaman talaga sila. "Siya nga pala, salamat at nakita mo 'tong kuwintas ko. Napaka-importante neto sa 'kin kaya hindi 'to pwedeng mawala," pagbabago ko ng usapan.
Ikinumpas niya sa ere ang kamay. "No problem. Ilang beses mo ng nawala 'yan at ako lagi ang nakakahanap. Haha!" Natawa siya.
Nangiti na rin ako. "Oo nga, eh. Thank you talaga." Saka ko muling isinuot ang kwintas at itinago iyon sa loob ng damit ko.
"You're much welcome." Inilagay pa niya sa dibdib ang isang palad saka matamis na ngumiti sa 'kin. Subalit ilang segundo lang ang pagitan ay biglang nagbago ang ekspresyon niya. Muli siyang sumimangot. "Are you really sure na papasok ka as a maid here, Leigh?"
Napabuga ako. Akala ko kasi kung ano na, eh!
"Hey? Answer me, please!" Pangungulit niya pa.
Napairap tuloy ako sa kanya. "Paulit-ulit ka naman, eh. Nasabi ko na sa 'yo kanina, 'di ba? Oo, katulong ang pinasok kong trabaho dito. Alangan namang pumasok ako dito bilang amo! Ano kaya 'yon?" Napapahagikhik ko ng saad.
Napangiwi siya sa 'kin saka kumibit na lamang ng balikat niya. "Fine. So, when do you start?"
"Bukas pa. Inilibot muna ako dito ni Sir Kean para daw ma-memorize ko ang pasikot-sikot ng mansyon."
Biglang sumeryoso ang mukha niya at hindi ko malaman kung bakit ako nakaramdam ng kakaiba sa kanya pagkarinig niya ng pangalang nabanggit ko. Napaismid pa nga siya.
Inignora ko na lamang ang nakita ko sa kanya.
"Ahm.. Thank you ulit dito, ha? Kanina pa akong hanap ng hanap dito sa kwintas ko, eh. Sige na at babalik na ako sa quarters namin."
Tumango siya at tipid na ngumiti. "Okay. See you around, Liegh." Saka na siya tumalikod sa akin at malalaki ang hakbang na binaybay ang hallway.
Nananatili pa ako sa kinatatayuan ko habang tinitignan ang papalayong bulto ni Jake Laurence nang biglang may tumikhim sa likuran ko.
Kaya naman, kaagad akong lumingon dito.
"Do you know that guy?"
Napalunok ako at saka tumango. "O-Opo, Sir Kean.." Di ko alam kung bakit kinakabahan ako ng gan'to!
'Kanina pa ba siya diyan?' Bubulong-bulong ng isip ko.
"How?" Napaka-intimidating ng hitsura niya ngayon.
"Ahm.. M-Magkababayan po kasi kami ni Jake Laurence. Nagkakilala po kami sa kompanya nila kung saan pareho po kaming modelo at endorser ng kanilang produkto," sabi ko at hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.
Wala siyang naging tugon at nakatutok lamang ang mga paningin niya sa 'kin.
Tumatagaktak ang pawis sa noo ko kaya't pinunasan ko iyon gamit ang palad ko.
Nang mapatingin ako kay Sir Kean ay kita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya habang nakatingin sa braso kong nakaangat pa.
Kaagad siyang lumapit sa akin at napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Ah-aray ko, Sir.. M-Medyo masakit po ang braso ko." Napangiwi pa ako.
Binitawan naman niya ako pero hindi maalis ang tingin niya sa braso ko.
"Anong nangyari diyan?? Bakit may pasa ka sa braso mo? Wala naman 'yan kanina, right? What happened?" Nasa tinig niya ang pagaalala ngunit hindi nagbabago ang ekspresyon niya.
Napangiwi ako lalo at saka napayuko. "W-Wala 'to, Sir.. Nabunggo lang po ako sa pinto kanina pagpasok ko sa kwarto namin." Ayaw kong aminin ang nangyaring banggaan sa pagitan namin ni Miss Gale. Baka kasi paginitan pa ako no'n kung magsusumbong ako.
"Are you sure of that?"
Umangat ako ng tingin at saka ako tumango. "O-Opo, Sir. May vertigo po kasi ako at inatake ako kanina. Nag-blurred 'yong paningin ko at 'di ko nakita 'yong babanggaan ko." Lihim kong nakurot ang tagiliran ko sa paggawa ko ng alibi.
Malalim siyang bumuntong-hininga at saka hinaplos pababa-taas ang braso ko. "Be careful next time, okay? And, you have to go to the clinic para ma-check up ka. I think there is a medicine for that case," mungkahi niya.
"M-May gamot na po ako, Sir.. 'Wag na po kayong magalala," napapalunok kong tugon. "E-Eto na lang pong pasa ko ang lalagyan ko ng yelo."
"Oh, okay. So, I think, let's go to the kitchen. Samahan mo na rin akong kumain dahil wala akong kasabay. I know also na hindi ka pa kumakain."
Wala na akong masabi pa at kumakalam na rin ang sikmura ko kaya't tumango na ako at saka sumunod sa kanya.
Nauuna siyang naglakad patungo sa kusina at nananatili akong nasa likuran niya. Kaya naman, kitang-kita ko kung gaano siya ka-gwapo kahit nakatalikod. Para siyang prinsipe. Kulang na lang ay magsuot siya ng katulad sa suot ng mga prinsipe sa ibang bansa.
Napapikit ako at inimagine ang hitsura ni Sir Kean habang nakasuot ng pang-prinsipeng damit. Napakagwapo niya! Napaka-swerte ng magiging nobya niya siguro.
Nangingiti ako ng palihim dahil sa mga naiisip ko.
"O, Leigh? Anong iningingiti-ngiti mo diyan?"
Bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Tiya Sonia. "P-Po?" Nagpalinga-linga pa ako at nakita kong wala na sa harapan ko si Sir Kean. "N-Nasaan na po si Sir Kean, Tiya?"
"Asussssss! Siya ang iniisip mo, ano ga? Hehe! Kaya pala nakangiti ka diyan habang nakatulala, eh!"
Dinunggol ko si Tiya gamit ang braso ko. "Tiya naman! Baka may makarinig sa 'yo, eh!" Napapahiya kong saad at nagpalinga-linga pa ulit.
"Asus! Walang tao rito, Leigh. Biglang may tumawag sa cellphone ni Sir Kean kaya umalis muna. Emergency yata. Ako ang inutusan niyang maglagay ng yelo diyan sa pasa mo. Hay! Ano ba kasing nangyari sa 'yo at nagkapasa ka?"
"Nabunggo po ako sa pinto, eh," sabi ko at saka ako naupo sa isa sa mga upuan doon.
"Ay gano'n? Tsk! Bakit kasi di ka nagiingat. Batang 'to! Tignan mo tuloy at nadungisan 'tong balat mo," anya habang idinadampi na ang yelo sa braso ko.
"Ayos lang po, Tiya. Mawawala din po 'to."
Matapos lagyan ng yelo ni Tiya ang braso ko ay hinainan niya na ako ng pagkain sa plato ko. Nahihiya pa nga ako dahil dapat ako na mismo ang magaasikaso sa sarili ko pero siya na ang gumawa no'n dahil nga sa may tama daw ang braso ko.
Hindi ko na rin nakasabay si Sir Kean dahil nga sa nagkaroon ito ng emergency call. Di na nga ito nakapagpaalam sa akin at ni hindi ko pa napansin na wala na pala siya sa kusina.
Kinagabihan, eksaktong alas otso no'ng dumating si Miss Althea galing sa opisina. Sobra akong na-starstruck sa kanya pagkakita ko. Grabe kasi! Para siyang anghel sa sobrang ganda! Nahiya tuloy ako do'n sa sinasabi ng ilan na kamukha ko raw ito.. Pakiramdam ko ay sobrang layo ko.
"Good evening po, Miss Althea!" Bati ng mga kasambahay, syempre kasama ako do'n.
"Good evening everyone!" Nakangiti ding bati ni Miss Althea. Hanggang sa mapadako ang paningin niya sa akin. "Hi?" Iniangat pa niya ang kamay at saka kinawayan ako.
"H-Hello po, M-Miss Althea." Nahihiya ngunit nakangiti kong tugon.
"Are you one of our visitors? Come! Let's join me. I'm hungry na and I'm going to eat my favorite dish," masaya niyang anyaya sa akin.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko na naroon at kina Tiya Sonia at Aling Soledad bago ko ibinalik ang tingin kay Miss Althea na naghihintay sa akin na dumulog sa mesa.
"Ahm.. M-Miss Althea, hindi po ako bisita dito.. Ah, b-bago niyo po akong katulong."
Natigilan naman si Miss Althea. Kapagkuway, ngumiti uli sa akin. "Aw, it's okay. Still, join me. Look, wala akong kasabay na kumain. I'm so sad," kunwari pa'y malungkot na nangalumbaba at itinukod ang mga braso sa mesa.
"Sige na, Leigh. Samahan mo na si Miss Althea," nakangiti ding sabat ni Tiya Sonia.
"O-Okay po."
"Yehey! Come here! Dito ka na sa harap ko maupo para makapag-kwentuhan tayo," ani pa ni Miss Althea.
Sumunod na lamang ako kahit pa nahihiya ako ng sobra sa kanya.
Si Aling Soledad ang naghain ng pagkain sa mesa at nagsilbi sa amin.
Hiyang-hiya ako ng sobra sa mga kasamahan ko dahil kebago-bago ko ay nagmistula na akong amo.
Pero, ayos lang naman daw iyon para sa mga kasamahan ko at kila Tiya Sonia at Aling Soledad. Mabait lang talaga kasi ng sobra si Miss Althea at gano'n talaga nito kung itrato ang mga katulong sa mansyon.
"Kumain na ba sina Dad at Mommy Iana, Manang Sol?" Tanong ni Miss Althea.
"Oho, Miss Althea. Kailangan na ho kasing kumain ni Miss Adriana dahil me-bago ho siyang gamot. Maaga ho silang kumain ni Don Armiendo," tugon ni Aling Soledad.
Tumango-tango si Miss Althea habang sarap na sarap sa kinakaing isda na sinabawan. "How about Ate?"
"Dinalhan ko na po siya ng pagkain sa room niya, Miss Althea," sabat ng isa sa mga kasama ko.
"Kinain ba niya, Angeline?"
"Kukunti lang po ang nabawas sa pagkain niya, Miss Althea, eh."
"Baka ayaw niya ng food? Di kaya?"
"Paborito niya po 'yong dinala ko. Wala lang po sigurong gana si Miss Amirah. Mainit din po 'yong ulo kanina. Kamuntikan pa nga po akong sabunutan dahil kinukulit ko siyang kumain."
Nalungkot ang maamong mukha ni Miss Althea sa sinabi ng kasamahan ko.
Sa narinig ko, mukhang nakakatakot ang kapatid ni Miss Althea. Pero, sabagay, gano'n naman talaga siguro ang mga anak mayaman. Pasalamat na lang ako dahil mas madami ang mababait dito sa mansyon.
Ilang araw na rin ang lumipas at masaya na rin akong nakapagsisimula sa trabaho ko. At sa iilang araw na iyon ay naging maayos ang buong maghapon ko. Hindi ko na nakakasalamuha pa si Miss Gale at hindi ko rin nakikita ang anino ni Jake Laurence. At ilang araw na rin ako dito pero hindi ko pa nakikita si Miss Amirah. Ni hindi ko rin nagagawang pasukin ang kwarto nito para linisan dahil ayaw daw nitong may pumapasok doon na kung sino-sino.
Napai-enroll na rin ako sa eskwelahan ng sekretarya ni Don Armiendo at nagsimula na 'yong klase ko kahapon. Sa online class ako at pang-gabi pa kaya naman nagagawa ko pa rin ang ibang trabaho ko pagkatapos kong maglinis sa designated area ko. At, after class ko, naaasikaso ko rin si Miss Adriana—ayaw nitong patawag na 'Donya o Madam' kaya 'Miss' ang tawag namin dito.
Nakakapagod ang trabaho ko pero kaya ko. Kahit kakaunti na lang ang oras na itinutulog ko ay ayos lang. Wala naman kasing magaan na trabaho, eh. Kailangan ko ding mag-tiyaga para sa mga magulang ko.
"How's your study, Leigh?" Tanong ni Sir Kean habang naroon ako sa kwarto niya at abala sa pagaayos ng nagusot niyang kama.
Napahinto pa ako sa ginagawa ko at agad akong lumingon sa kanya. Naroon siya sa sopa habang kaharap ang laptop. "Maayos naman po, Sir," tugon ko at pinagpatuloy kong muli ang ginagawa ko.
"Hindi ka ba nahihirapan sa schedules mo?" Muli niyang tanong pero nasa laptop pa rin ang paningin niya.
"Hindi naman po, Sir."
"Good to know that. But, you can tell me kung nahihirapan ka, hmm? I will help you in any way I can. Maghahanap na ako ng ibang papalit sa 'yo para makapag-focus ka sa study mo."
Muli akong napalingon sa kanya. Nagkataon naman na nakatingin na rin siya sa 'kin. Nagkasalubong tuloy ang mga paningin namin at dahil sa naiilang ako sa kanya ay ako mismo ang unang umiwas. "Di na po, Sir. Kaya ko naman pong pagsabayin, eh. Salamat po." Tipid ko siyang ginawaran ng ngiti matapos ko siyang sulyapan.
"Okay. Sabi mo, eh," nakangiti niyang sabi.
Pakiramdam ko ay nasa akin lang nakatutok ang paningin niya. Hindi ko tuloy maikilos ng maayos ang katawan ko. Kung bakit naman kasi nandito siya sa loob gayong oras ng paglinis ko dito sa kwarto niya.
Kasalukuyan ko ng kinukuha ang mga pinagbihisan niyang damit na kung saan-saan nakasampay nang muli siyang magsalita.
"Lately, you mentioned that you are a former model. Why did you left that job, Leigh?"
Humarap ako sa kanya at ibinaba muna ang karga kong laundry basket. "Humina po kasi 'yong benta no'ng produkto namin, Sir. Kasi po, may sumikat na bagong labas na skincare ngayon. Kaya, lumiit din po 'yong sahod ko doon sa kompanya at pati na rin 'yong kumisyon. Mapagtya-tiyagaan ko pa naman po sana kaso lang nagkataon naman po na kakailanganing maoperahan ng nanay ko," malungkot kong tugon.
Lumambot naman ang ekspresyon niya habang nakatitig sa akin. "Bakit ooperahan ang nanay mo?"
"May sakit po kasi siya sa bato, eh."
"Oh!" Reaksyon niya habang napapatango-tango pa. Bakas din sa mukha ang lungkot sa nalaman. "So, that's the reason why you have to earn a high salary just for your mom's operation?"
"Yes po, Sir." Malungkot akong napabuntong-hininga at napatingin sa kawalan. "S-Sobrang nakakalungkot nga po kasi dapat ako 'yong nagaalaga sa kanila ngayon dahil may mga sakit na sila, k-kaso, kailangan ko pong malayo muna sa kanila para may maipadala akong pera pampaopera," nangingilid na ang luha kong sambit. Napayuko pa ako para itago ang isa-isang luha na bumabagsak mula sa mga mata ko.
Subalit, napapitlag ako nang maramdaman ko ang mga braso ni Sir Kean na pumupulupot sa katawan ko. Hindi na ako nakagalaw pa at para akong hindi makahinga!
"Just cry. Don't hide it, Leigh. You can cry on me," bulong niya sa may banda ng tenga ko.
Hindi ko alam kung naramdaman niya ang pagtayuan ng mga balahibo ko. Pigil ko ang hininga ko at tila biglang naglaho ang lungkot na naramdaman ko kanina. Kinakabahan na ako at parang hinahabol ng sampong kabayo sa bilis ang pagtahip ng dibdib ko!
Ilang saglit pa ay kumalas na siya sa akin. Pinakatitigan niya ako at saka marahang tinapik sa braso. "Are you okay now?" Nakangiting tanong niya.
Napapalunok akong tumango. "Opo. Salamat, Sir." Hindi ko makayanang tumingin ng matagal sa kanya.
"From now on, just call me Kean, okay? And, please removed that 'opo' when we were talking. Feeling ko kasi, napakatanda ko na para i-po! Hehe!"
"P-Pero, Sir... Nakakahiya po. Katulong lang po ako dito, eh. Baka po pagalitan ako kapag may ibang makarinig."
"Then, I told them that I'm now your friend."
"Eh.. S-Sige po, Sir.."
"Yan pa. 'Wag mo na akong tatawaging 'sir', will you?"
"Wala na po akong respeto sa 'yo niyan, Sir, kapag lahat ng 'yon ay inalis ko," napanguso pa ako.
"You're so cute." Nagulat ako ng kurutin niya ang pisngi ko. Sunod-sunod akong napalunok. "Sige na, get my laundry to the laundry area and take your cleaning tools. Baka kasi, di ko na mapigil ang sarili ko at mahalikan kita."
Halos masamid ako ng sarili kong laway ng dahil sa huling sinabi niya.