Almani’s POV HINDI KO mapigilan ang paglipat-lipat ng tingin kina Ereneya at sa Sefira Ayla. Tila ba ay may kakaibang awra ang lumalabas sa Sefira na hindi ko mawari. Kakaiba ang kaniyang ikinikilos at ang kaniyang mga tingin ay tila naunuri at nanghahamon, hindi katulad ng dati na tila lagi ay nangungusap ang kanyang mga mata. There is so much confidence in her na manliliit ang sinumang makakaharap nito. At iyon ang nararamdaman ko ngayon maging si Ereneya. Maging si Ereneya ay batid kong nalilito sa nais niyang gawin ngayon. Alam kong hindi siya makapagpasya dahil kahit alin man kina Ayla at Res ang piliin niya ay siguradong masasaktan siya. “Sampung atake lamang ang gagawin ko, Ereneya,” wika ng Sefira na matamang nakatitig kay Ereneya. Nanatili lamang kaming nakamasid sa maaari

