Res’ POV NATAWA ako nang mahina nang pabiro akong suntukin ni Jus sa braso. Nandito siya ngayon sa silid ko at kinukumusta ang kalagayan ko. “Langya ka, Bor. Talagang sinolo mo ang aksyon, ah! Nayayabangan tuloy sa ‘yo si Ereneya. Wala ka naman daw binatbat.” Napalatak ako sa sinabi ni Jus. “Akalain mo ‘yon? Nahimatay ka?” patuloy nito at humagalpak ng tawa. Kung malakas lang talaga ang mga braso ko ay nabigwasan ko na ang isang ito sa pang-aasar nito. “Ikaw kaya ang pagpapaluin ng tubo? Tingnan ko lang kung hindi madurog iyang patpatin mong katawan,” asik ko. “Ang lakas ng loob mong sumugod doon ni ballpen panaksak wala kang dala. Ano’ng katangahan naman ‘yon!” patuloy na pangangatyaw nito. Tiningnan ko nang matalim si Jus. “Imbes na kamustahin ako iyan ang gagawin mo? Buk

