Res’ POV ITINAKIP ko ang braso ko sa mga mata ko nang biglang may tumamang nakakasilaw na liwanag sa mukha ko. Ngunit agad din akong napangiwi nang kumirot ang braso at buong katawan ko. Napamura ako sa isip nang maramdaman ang sumisigid na sakit ng katawan ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at sa kabila ng nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ay unti-unting nagiging malinaw sa paningin ko ang bulto ni Ereneya. Malamlam ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito sa nag-aalalang boses. Nagtangka akong bumangon ngunit pinigilan ako ni Ereneya. “Huwag mo munang piliting kumilos. Nasisiguro kong kumikirot pa ang iyong mga sugat.” Napahinga ako nang malalim at pinakatitigan si Ereneya. Umupo siya sa tabi ko habang nakapagkit na sa labi

