Ereneya’s POV “Pakiusap... pakawalan ninyo na ako,” pagmamakaawa ko nang tanggalin nila ang nakadikit na bagay sa bibig ko. Labis ang takot ko habang may kausap ang lider ng grupong dumukot sa akin sa cellphone. Siguradong si Res ang kausap nito at ayokong pumunta si Res dito para iligtas ako. Lubhang mapanganib dahil maraming nag-aabang sa kaniya rito at balak pang gumanti. Mas ikinakatakot ko ang kaligtasan nito kaysa sa sarili ko. Ayokong manganib ang buhay niya dahil sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ng lider na nagngangalang Erwin. Siya iyong lalaking nabugbog ni Res sa gitna ng sayawan. “Pakawalan? Hinding-hindi kita pakakawalan, Ereneya. Magiging akin ka!” “Hindi mangyayari ang gusto mo! Kaya pakawalan mo na lamang ako!” Lumapit ito at hinaplos ng magaspang nitong palad

