Erwin’s POV “Ito ba ‘yong address?” tanong ko sa tauhan kong si Pakito nang iabot niya sa akin ang isang kapirasong papel. “Oo. Medyo mahirap pasukin ang lugar dahil maliban sa mataas ang gate, kagubatan pa ang likuran no’n. Nababakuran ng barbwire ang gubat. Sa tingin ko ay lupain iyon ng may-ari ng bahay,” imporma nito. “Hindi na importante iyon. Ang kailangan lang natin ay iyong babae.” Napangisi ako. “Humanda kayo. Ngayong gabi ko gagawin ang paghihiganti ko sa Res na iyon!” “Yes, boss!” halos sabay na sagot nila at lumabas na ng hide out. Napahigpit ang hawak ko sa papel. “Pagsisisihan mong ako ang kinalaban mo. Pagsisisihan mo.” Ereneya’s POV NAGISING ako ng dis-oras ng gabi dahil nakaramdam ako ng uhaw. Nilinga ko si Zea na katabi kong matulog. Nakapamaluktot ito at naba

