Res’ POV EKSAKTONG alas nueve y medya nang makarating kami sa covered court ng Solana. Nakakabingi ang tunog ng sound system at marami ng tao ang nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Halos mapuno ang covered court sa dami ng tao. Nang tuluyan kaming makapasok ay naagaw namin ang pansin ng mga naroon lalo na ng mga kalalakihan dahil sa limang babaeng kasama namin. Agaw pansin at lutang na lutang kasi ang kanilang ganda. Hinawakan ko ang kamay ni Ereneya na tila manghang-mangha sa dami ng tao. Lumapit kami sa stage at tumayo roon. Sandali naming pinagmasdan ang mga nagsasayawan sa gitna. Yumuko ako nang tumingala sa akin si Ereneya at mukhang may sasabihin. “Ang daming tao. Mukhang marami pa ang hindi pumapasok dito.” “Ganito talaga ang sayawan kapag may piyesta. Maraming dumada

