Ereneya’s POV MALUNGKOT akong nakapangalumbaba rito sa bintana ng silid ko habang pinagmamasdan ang nagkikislapang mga bituin sa paligid ng napakaliwanag na sinag ng buwan. Mapayapa ang gabing ito ngunit ang isip ko ay kanina pa hindi matahimik. Kanina pa tumatakbo sa utak ko ang kabuuan ng imahe ni Res. Ang matitiim nitong titig na tila humihigop ng aking kaluluwa, ang pagkunot ng noo at pagsalubong ng kilay nito na parang laging hindi gusto ang mga salitang naririnig mula sa akin. Ang pagnipis ng labi nito na waring pinipigil ang sariling magsalita ng masama at ang sarili kong damdamin kahit ganoon ang pakikitungo sa akin ni Res. Pakiramdam ko ay laging may paruparo sa tiyan ko kapag nasa malapit siya. Bumibilis ang t***k ng puso ko at gumugulo ang takbo ng isip ko. Kaya sa tuwing

