Chapter 36

2146 Words
“W-What are you standing there? Hindi niyo ba nakikitan hina-harass kami? What’s wrong with you people? Wala man lang magvi-video sa inyo?” singhal ng babae. Natawa naman si Bela. “Video? Ginagawa lang iyan ng mga pakialamera sa buhay ng ibang tao. Mga taong walang ibang pinagkaabalahan kung hindi ang pagkakamali ng iba pero bulag sa sarili nilang baho. Tingin mo ang mga tao rito ay nagbakasyon para mangialam sa iba? Hindi sila katulad mo. They’re not hungry for attention. Mayayaman ‘yan at matatalino. Hindi kagaya mo, wala na ngang laman ang utak wala pang respito,” aniya rito. “Ma’am tama na po ito,” sambit ng guwardiya. Pinunasan ni Stefano ang gilid ng kaniyang bibig at nilapitan ang tatlo. “My wife is the one aggravated here. Huwag na kayong makialam pa,” sabat ni Stefano. “Sir, duty namin na pangalagaan ang security and safety ng resort. Kung ano man ‘tong problema na ‘to ay puwede niyong pag-usapan sa opisina kasama ang owner,” sambit nung isang guard. “Wala naman kasi silang alam. Hindi nila alam na tito ko ang manager ng resort na ‘to,” nagmamalaking wika ng babae. “Ma’am, kailangan po nating kumalma,” wika nu’ng isang guard. Natawa naman si Bela. Nilapitan niya ito at hinila ang kuwelyo saka malakas na sinuntok sa tiyan. Napaungol naman ito sa sakit. “Kumalma? Ha? Kalmado pa ako sa estadong ‘to kaya umayos-ayos ka,” gigil niyang wika. Akmang lalapit pa ang isa nang mabilis na nasuntok ito ni Stefano sa leeg. Tumba ito at humandusay na rin sa lupa. “Ano ang nangyayari rito?” Nagmamdali ang bakla na nilapitan sila. Umiiyak na nagsumbong naman ang babae rito. “Tito, they’re causing so much trouble here,” saad nito. Galit na tiningnan naman sila ng bakla. “Ano ba kayo? Hindi dahil guest kayo ay puwede na kayong manakit ng ibang guests dito. Hindi niyo pagmamay-ari ito. Ipapatawag ko kayo sa police. May VVIP kami rito tapos mangugulo lang kayo? Nakakahiya!” anito at nagmamadaling denial ang cellphone. “Sir? Yes sir, nagkagulo po kami rito dahil sa dalawang customer na nananakit,” sumbong ng bakla. Natawa naman nang pagak si Bela. “Siuro naman tama lang na alamin mo muna ang totoong nangyari. Masiyado ka yatang biased sa kapamilya mo,” ani Stefano. “Hindi ko na kailangang magtanong pa. Tingnan mo nga sila, deserve ba nila iyan?” singhal nito kay Stefano. Akmang tatampalin ni Bela ang bibig nito nang pigilan siya ng asawa. “Hayaan mo na,” aniya rito. Huminga nang malalim si Bela at tiningnan ang bakla. “Hintayin na lang natin ang boss mo,” aniya rito. “Talaga, sisiguradohin kong maba-ban kayo sa lugar na ‘to,” anito. Ilang sandali pa ay dumating na ang owner na nag-welcome sa kanila kanina. “Sila ba ang tinutukoy mo?” tanong ng may-ari sa bakla. “Yes po sir, ang dalawang ‘to ang gumawa nang hindi maganda. Look at them,” wika ng manager. Umiiyak naman ang babae. Para bang nasasaktan talaga. Natawa naman si Bela at napailing. “I’m sure magiging totoo iyang iyak mo,” ani Bela at napailing. “See? Napakasama ng ug—” Hindi na iyon natapos ng bakla nang basta na lang itong sinampal nang malakas sa bibig niya. “Stop it! Hindi mo ba alam na sila ang VVIP’s ng resort ha? Palibhasa kasi lagi kang wala rito. Frown now on, you’re fired. Lahat ng pamilya nila banned from this place,” galit na wika ng owner. Hindi naman naka-react ang bakla at nakangangang nakatinin sa kanila pati na ang babae. “A-Ano po ang ibig niyong sabihin?” tanong nito. “It means you’re fired! Mag-impake ka na at umalis. Hindi kita kailangan dito. Upos na ang pasensiya ko sa ‘yo. Ilang beses na ring nakarating sa ‘kin na ginagamit mo ang posisyon mo rito para manakot ng ibang guests. Ikaw ang sisira sa reputasyon ng resort na ‘to, ikaw na trabahante lang,” dagdag ng owner at sinenyasan ang security na alisin ito. “Sir! Please, pag-usapan muna natin ‘to,” sigaw nito. Napailing na lamang ang may-ari at tiningnan ang mag-asawa. “I’m so sorry for this unfortunate trouble, Mr and Mrs Monti,” sambit nito. Halatang hiyang-hiya. “If ever naman na may narinig kang complaints tungkol sa workers mo, take it seriously. Huwag mo ng bigyan ng pagkakataon pa lalo na kung masiyadong offensive. The more you gave them the chance, the more na lalaki ang ulo nila. Iisipin nila na they’re too precious para alisin. Hanggang sa hindi mo nalalamang sira na ang business mo. May tamang sitwasyon para sa awa,” seryosong wika ni Bela. Nilapitan ni Bela ang tatlong babae na ngayon ay hindi na makatingin sa kanila. “I wonder why ang lakas ng loob niyong manggulo sa iba. Nananahimik ako bigla-bila kayo mangingialam,” aniya. Nagtulakan naman ang mga ito. “It’s because that one pestered me earlier and got rejected. I told her countless times I’m married. I already warned her pero ayaw makinig,” sambit ni Stefano. Natawa naman si Bela at nilapitan ang babae. “Ikaw iyong sobrang tapang kanina ah. Masiyado ka yatang naging prima dona. Bakit? Maganda ka ba? Masiyado ka bang habulin para umabot sa tuktok ang confidence mo? Tibay mo ah. Kahit may asawa, papatulan mo. Mahiya ka naman sa sarili mo. Mataas nga ang confidence mo wala ka namang self-worth. Payag ka lang na maki-hook up kahit kanino? Dalaga ka naman siguro tapos papatol ka sa may asawa. Gawain mo siuro iyan. Na-timing ka sa lalaking maayos ang utak kaya sakit-sakitan ang peg mo. Sabagay masakit naman talaga ma-reject at deserve mo ‘yon. Maawa ka sa magulang mo kung may konsensiya ka pa. Nagpakahirap na palakihin ka sa mundong ‘to tapos papatol ka lang sa may asawa,” litanya niya. “You don’t know,” singhal nito. “You don’t know mo mukha mo. You don’t know pa rin eh timbog ka na nga. Gagawin mo pa akong tanga. Turnilyohan kita eh,” asik niya rito. Natahimik naman ito. “Masiyado kang mapanglait. Tanggalin mo kaya ‘yang make-up sa mukha mo. Kun sino pa ‘tong walang maibubuga siya pa ang sobrang taas ng tingin sa sarili. Ano ‘yan? Defense mechanism mo? Uunahan mo ng lait para kwits ka? Ayusin mo ‘yan. Naba-back to you ka kasi. Kahit ilang beses mo pa ipagawa iyang ilong mo kung bulok pa sa bulok iyang ugali mo walang papatol sa ‘yo. Nakakainis ka! Nandito ako para magbakasyon pero sinisira mo ang peace of mind ko. Kung hindi ka lang talaga, naku!” “Kung hindi ano?” matapang nitong sabat. “Kung hindi ka lang pangit, kanina pa kita binangasan. Kaso napagisip-isp ko na huwag na lang. Wala na rin namang ipapangit ‘yang mukha mo,” aniya at sumenyas kay Stefano na umalis na sila. “How dare you? At least hindi ko ginagawang under ang isang lalaki. I let them lead. You’re giving alpha female na akala mo naman ikina-alpha mo talaga,” sambit nito. “Tama na,” pigil s akaniya ng isnag kaibigan nito. “Kung ako sa ’yo tumahimik ka na lang. You’re just lucky na hindi ako pumapatol sa babae,” inis na wika ni Stefano. Natawa naman si Bela at nilapitan ito saka rektang sinapol ang mukha ng suntok. Napaatras naman ito at napakapit sa dalawang kasama pa nito. “How about that? It’s giving Manny Pacquiao,” wika ni Bela. Inuubos talaga nito ang pasensiya niya. This is one of her most toxic traits. Kapag nauubos ang pasensiya niya she tends to be physical. Wala ng sabi-sabi sapak agad. “I’ll sue you! I’ll surely sue you!” umiiyak nitogn wika. “H-Hindi mo ba alam na general ang daddy niya?” sambit nu’ng isa. Natawa naman si Bela. “Tinatakot mo ako? Do it better next time. Kahit iharap mo pa siya sa ‘kin. Pag-untugin ko pa kayong apat,” ani Bela at umalis na. Bumalik na sila sa Villa nila at inis na napaupo sa sofa. Thaimik lang si Stefano. kanina pa siya hindi umiimik dahil paniguradong patay siya rito sa asawa niya. Alam niya kun paano ito magalit kaya sinigurado niyang magsaslaita lan siya kung kailangan. Napaayos siya nang upo nang tingnan siya ng asawa. “You really know how to ruin my mood don’t you? Ba’t hindi mo sinabi s a’kin na nagkita pala kayo ng bruhang ‘yon?” singhal niya sa asawa. Hinawakan naman ni Stefano ang balikat niya at nginitian ito. “My love, I think it’s unnecessary. Saka wala naman akong pakialam sa kaniya eh. Hindi ko nga rin inasahan na gagawin niya iyon kanina,” sagot ni Stefano. “Siguro pinaasa mo kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya. Ano? Gusto mo ‘yon? Sabihin mo lang at ihahatid pa kita,” galit niyang wika. Umiling naman nang ilang beses si Stefano. “Alam mong ikAw lang ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang asawa ko,” anito. Kitang hindi naniniwala si Bela. “Fine! Wait lang,” saad nito at kinuha ang laptop. “Ano’ng ginagawa mo?” “Here, may CCTV footage. I’m not lying to you. Ikaw lang talaga mahal ko,” saad nito. Tiningnan naman iyon ni Bela at nakahinga nang maluwag. Saka lang siya nakapag-isip nang maayos nang makahinga siya. “Masiyado na ba akong toxic? Masiyado na ba akong controlling?” tanong niya rito. Naknagiting umiling naman si Stefano. “I don’t blame you, instead I love it. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa ‘kin. And I believe na kahit sinong asawa ay gagawin ‘yon kapag may babaeng nagpapapansin sa asawa nila. I don’t want to justify your actions because you’re my wife, but because your feelings are valid. Minus the physical fight. Napuno ka lang, and her words were out of line too. So kung titimbangin ko ulit, it serves her right,” wika nito. Kumunot naman ang noo ni Bela. “Hindi ako maka-et over s asinabi niyang ina-under kita. Am I that kind of person? Hindi ko kasi napapansin. Puwede mo naman akong pagsabihan kung feeling mo kino-cross ko na ang boundaries natin,” aniya rito. “Kapag magsasabi naman ako lagabog ang buto ko sa loob,” mahinang saad nito. Ang mga mata pa nito ay nagpapaawa. “Aish! Para namang sinabai mong sadista ako,” aniya rito. Mahinang tumango naman si Stefano. “Pero alam ko naman at hindi kita masisisi. Pero hindi ka naman ganoon sa mga taong mahahalaga s a’yo o kaya mabubuti. Maliban sa ‘kin,” dagdag pa nito. “Tang-ina mo ah! Eh ‘di bawian mo ako,” reklamo niya. Napangiti naman si Stefano at niyakap siya. “Sa liit mong ‘yan kung babawian kita sobrang dali lang. I’m just messing with you. You’re not perfect and so am I. Iharap mo s a’kin ang walang toxic na pag-uugali at lalagyan ko ng check ang likod. My love, lahat naman tayo may toxicity sa katawan. Ang importante roon ay hindi natin pinaghahari. Control it. Sabi nga ni, Elsa sa frozen, conceal, don’t feel, don’t let them know. Pero sa ugaling meron tayo imposible iyon, pero puwedeng i-practice,” wika nito. “Ano ka ba? Push and pull ka. Hindi ko maintindihan ang stance mo sa buhay,” ani Bela. Hinawakan ni Stefano ang mukha niya at nginitian siya nang malapad. “Hindi mo ako ina-under tandaan mo ‘yan. Hinahayaan kita dahil alam kong iyon ang way mo ng pagpapakita na mahal mo ako. Sa possessive acts mo ramdam ko na ayaw mo akong mawala. I’m not tolerating you, sadyang ganiyan ka na talaga. Hindi kita babaguhin dahil gusto ko ‘yon. Isa pa, hindi ka naman ganiyan sa mga taong mabubuti sa ‘yo. Pinipili mo ang pinagmamalditahan mo. Hindi iyon maiintindihan ng ibang tao and I don’t care. Tayo lang naman ang may alam sa totoong nararamdaman natin. Who cares? Kung may masabi man sila sa ‘tin sa kanila na ‘yon. They’ll chew it up once sila naman ang na-in love. Isa pa, kahit gawan mo nang mabuti ang tao ngayon, magkamali ka lang isang beses, habang-buhay ka ng walnag silbi sa paningin nila. You’re just frank and there’s nothing wrong with it. Mas okay na rin na ganiyan kaysa magtago ka ng sama ng loob,” wika nito. Bela’s facial expression softened. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala nito sa kaniya. Ang pagmamahal nito hindi nagbago bagkus lalo pang tumibay. “Nakilala kitang ganiyan na. Amazona ka na talaga, and I love that part of you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD